Chapter Four
Franki POV
Sampung araw na ang nakalipas after mailibing si Dad pero parang kahapon lang nangyari. Tuwing umaga paggising ko pinapanalangin ko na sana isang masamang panaginip lang ang lahat, na buhay si Dad at makakasama ko pa siya sa birthday ko. Thankful ako because my mom is always there. Alam kong nilalakasan lang neto ang loob para sa akin.
Dad is a great man. He's my idol. Kailanman never akong maniniwala sa mga nagsilabasang balita tungkol dito. After ng libing ni Dad, nagkaroon kami ng bisita galing sa government at inilahad neto ang pag-iimbestiga sa isang project na pinamunuan ni Dad. They accused him as a corrupt man, na tumanggap eto ng suhol sa isang kliyente. My mom went hysterical at first lalo na the next day galing banko naman ang pumunta. May malaking halaga na pagkaka-utang ang pamilya at sinisingil na nila iyon.
Hindi namin alam kung ano ang uunahin lalo na nang simulan na ng gobyerno imbestigahan ang tungkol sa binibintang nila kay Dad. Nagawa rin nilang ifreeze ang joint account ng parents ko kaya't nahirapan kaming kumuha ng abogado. Halos araw-arawin din kami ng mga tauhan ng banko.
"Mom are you okay?"
I kept on asking Mom that question everyday dahil alam kong pasan neto lahat ng problema. Sometimes nahuhuli ko siyang tulala habang umiiyak at hawak hawak ang favorite jacket ni Dad. Katulad na lang ngayon naabutan ko siyang tinutupi ang mga damit ni Dad at sinisilid sa isang maleta.
"Mom are you okay?" I hugged her from behind na bahagyang ikinagulat pa nito. Isang mahinang tango lang ang itinugon neto at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Franki anak I have something to tell you." She said after a while, humarap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "I know maraming katanungan sa isip mo about what's happening to us, about your Dad and I want you to know na lahat ng sinasabi nila about your Dad is not true."
"I know Mom, I know." Pinunasan ko ang mga luhang nagsisimulang bumaba sa mga mata ni Mom.
"And I made a very hard decision for us which is alam kong mahirap tanggapin but you have to trust me. Okay Franki?"
I nodded in response although it made me worry.
"I made this decision because wala na akong choice but to agree on their terms. Five days from now, we're going to leave this house."
We're leaving?
"Mom bakit? Is it about dun sa mga taga banko na pumupunta dito?"
"Yes anak. Actually pinakiusapan ko na lang sila na bigyan tayo atleast five days para makapaghanda. I'm sorry Franki, walang magawa si Mommy. Hindi ko rin magalaw yung pera natin sa banko dahil sa gobyerno."
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi lang pinahid ni Mom ang aking mga luha. I hate leaving this place. Nandito lahat ng memories ko, my memories of Dad. But what can I do? I need to support Mom dahil kaming dalawa na lang ang magdadamayan.
Mom decided to look for a small apartment since malaki naman nasusuweldo niya from hospital. Ayaw din naman niyang patigilin ako sa pag-aaral, nag-offer kase akong magtrabaho na lang.
"So kailan ninyo balak umalis?" Narinig kong tanong ni Kiara sa akin habang papunta kami sa parking lot ng school. Hindi naman lingid sa kanilang dalawa ang naging problema namin. I'm so thankful to have them around, karamay ko sila palagi.
"Bukas," malungkot kong sagot. Nakaready na mga damit ko pawang nakalagay na sa maleta pero ang puso ko hindi pa.
"I know it's going to be hard on you and Tita Angel, pero tandaan mo lang, nandito kami palagi ni Kiara."
"Yes naman, kaya smile na oh, andyan yung love mo oh, makikita pangit mong mukha. Sige ka." Pangungulit nilang dalawa na ikinatawa ko. Nakita ko rin si Diana na parang papunta rin sa direksyon namin pero agad na lumiko nang magtama ang aming paningin.
Is she avoiding me?
After ng nangyari sa hospital hindi ko na rin eto nakausap. Hindi ko rin eto nagawang lapitan kahit nung libing dahil halatang umiiwas eto. Pero bakit? Gulong gulo ako sa mga kinilos nya nung naabutan ko siya sa hospital.
Agad rin kaming umalis ng school dahil baka abutan kami ng nagbabadyang ulan at baka tumirik pa si Clark Kent.
Akala ko hanggang midnight pa ang duty ni Mom kaya nagtaka ako ng makita ko ang nakaparada netong sasakyan sa labas ng bahay pagkahatid sa akin ni Kiara.
"Mom?" Agad na tawag ko dito pagkapasok ng bahay. Madilim ang paligid kaya agad kong pinindot ang switch ng ilaw at tumambad sa akin ang isang nakakalungkot na tanawin. Tahimik na umiiyak si Mom sa sulok ng bahay.
Dali-dali ko etong niyakap. She cried in my shoulder like a baby. "Mom what happened?"
"Franki anak, I- I dont know how to tell you," she said after composing herself. "I- I was terminated today." Tears poured from her eyes again.
Terminated?
"Mom I dont understand."
"They terminated my service sa hospital dahil sa ongoing investigation na kaso ng Papa mo. Utos daw from the National Government. Ayaw madungisan daw ang pangalan ng hospital kaya they did that to me."
I put my arms around my Mom to ease some of her pain. Galit ako. Nagagalit ako sa kanila dahil ginagawa nila eto sa pamilya ko. Marangal na mga tao ang mga magulang ko.
"Dont worry Mom, lalabas din ang katotohanan."
___
"Kawawa naman ni Tita Angel talagang ginawa yun sa kanya." Nakwento ko kaagad kinabukasan ang nangyari kay Mom. "Well sila ang nawalan dahil isang magaling na surgeon si Tita Angel at hindi na sila makakahanap pa ng katulad niya," dugtong uli ni Kiara.
"Pa'no pala yung paglilipat niyo mamaya?" Tanong naman ni Maza.
Pa'no pala? Hindi na rin kase namin napag-usapan yun ni Mom kagabi dahil nakatulog na eto sa sobrang pag-iyak at sama ng loob.
"Tuloy pa rin. Alam ko nakakuha na si Mom ng maliit na apartment malapit lang dito sa school."
"That's nice. Hayaan mo Franki malulutusan n'yo rin anumang problema na pinagdadaanan ninyo ngayon. Kung pwede lang talaga kayo sa bahay, kaso baka mabadtrip kayo 'paglasing si Nanay." Lasengga kase nanay ni Kiara.
"Maliit lang din kase apartment namin, ang gulo pa. At tsaka for sure hindi makakatulog si Franki 'dun kase walang aircon."
"Ay ang hard mo Maza hah." Natatawa na lang ako sa tinuran neto. "Merong word na adjust diba?"
"Pero seryoso mga besh, super thankful talaga ako sa inyong dalawa dahil andyan kayo palagi at never kayong nang-iwan."
"Group hug na yan!" Nagyakapan kaming tatlo not minding the stares we received from some students. Ang mahalaga I have this two wonderful person.
Maaga akong nakauwi from school buti na lang may biglaang meeting ang mga teacher. May ilang gamit pa rin naman akong kailangang ilagay sa bag, baka abutan pa kami ng gabi sa paglipat.
Hindi ko naabutan si Mom sa bahay, naiwan din neto ang cellphone kaya hindi ko matawagan kung saan eto pumunta. Iniligpit ko na lamang ang ibang mga gamit na pwede pa naming dalhin sa lilipatang apartment habang hinihintay eto. Hindi ko pa ring maiwasang hindi makaramdam ng lungkot kapag naiisip kong bukas iba na ang bahay na masisilayan ko paggising. Kung buhay lang si Dad I know hindi magiging ganito.
Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang sasakyan ni Mom sa garahe.
"Nandito kana pala Franki."
"Yes Mom. I thought maaga tayong maglilipat kaya umuwi ako ng maaga. Saan po kayo galing?" Ngayon ko lang napansin na gabi na pala.
"Galing nga ako doon sa apartment." Paliwanag neto at tinabihan ako sa sofa. "I went there para sabihing hindi na natin eto kukunin."
"Po?"
"Yes Franki. Hindi na natin iyon kukunin dahil may bagong bahay tayong lilipatan. Actually they offered us na doon muna sa kanila habang inaayos ko pa ang paghahanap ng bagong trabaho."
Wala akong maalala na kamag-anak na malapit na pwede naming lipatan kaya lubos akong nagtataka kung sino nag-offer sa amin.
"Kaninong bahay po ba tayo lilipat? Nako Mom hah baka mga gangster yan na nagbabait-baitan tapos kapalit pala mga organs natin."
Bigla etong napatawa. "Gangster ba sina Tito mo Robert and Tita Rowena? Gangster ba sina Diana?"
What? Kila Diana kami lilipat?
"Nagbibiro ka lang Mom eh." Mabuti na ang manigurado muna. Baka mamaya...
"Galing silang mag-asawa dito kanina. Naabutan nilang nag-eempake ako kaya naikwento ko sa kanila kung anong mga nangyari sa atin. Iyak nga iyak ang Tita Rowena mo, hindi siya makapaniwala na wala na etong bahay natin."
"Anak, Franki,"she continued. "I know dapat pinaalam ko muna sa'yo yung about sa offer nila, pero eto lang talaga ang alam kong makakabuti sa atin. Pansamantala lang naman, kapag nakahanap uli ako ng trabaho bubukod din naman tayo."
Niyakap ko na lang si Mom bilang pagsang-ayon. Kunsabagay mas makakaipon kami kung walang binabayarang upa buwan-buwan. Makakasama ko pa si Diana araw-araw.
Hay, baliw talaga ang puso ko.
___
"Pasok, pasok. Roberto andito na sila," si Tita Rowena pagkarating namin sa bahay nila. Agad netong kinuha ang mga bag na bitbit namin kasunod neto si Tito Robert na parang kararating lang galing sa trabaho.
"Dapat nagpasundo na lang kayo kay Robert. Nahirapan tuloy kayo."
"Ayos lang Rina. Magagaan lang naman etong dala namin. Ngayon pa lang talaga nagpapasalamat na kami ni Franki sa pagpatira niyo sa amin."
"Thank you po Tita and Tito," dugtong ko naman.
Agad naman akong niyakap ni Tita Rowena. She treats me like her own child kaya magaan ang loob ko sa kanya. Tuwang tuwa nga ako noon kapag dito ako iniiwan nina Dad kapag may overseas work siya or busy si Mom sa hospital, ini-spoiled kase ako ni Tita.
"Wala pa ata ang mga bata," narinig kong tanong ni Mom. Kasalukuyan kaming nasa sala habang kinakain ang mga brownies na hinanda ni Tita Rowena. Actually si Tito Robert lang nandito dahil abalang nagluluto ng dinner si Tita.
Napansin ko nga rin na walang kahit anino ni Diana man lang.
"Si Diana lang ang nandiyan, nagkukulong na naman yun sa kwarto. Si Crissan maya-maya siguro andito na yun. May biniling project sa labas."
Agad akong nakaramdam ng kaba ng malaman kong andito lang sa loob ng bahay si Diana. Ewan ba, halong excitement at kaba ang nararamdaman ko lalo na't araw-araw ko siyang makakasama.
"Ah eh alam na ba ng mga bata na dito muna kami titira?"
"Actually ngayong dinner namin sasabihin. Pero 'wag kayong mag-alala walang magiging problema sa kanila lalo na kay Diana."
Napaubo tuloy ako habang iniinom ang orange juice. Nakoo, magdilang anghel ka po sana Tito.
Tumulong na si Mom sa pag-aayos ng mesa dahil malapit nang matapos ang niluluto ni Tita Rowena. Kumakalam na nga rin ang sikmura ko. Hindi kase ako sanay na merong oras nang pagkain dito. Most of the time mag-isa lang akong magdinner kaya minsan pagkauwi galing school sinasabay ko na ang miryenda at dinner. Dito kina Diana 9:00pm ang dinner time nila.
Narinig kong tinawag ako ni Tita kaya agad ko etong pinuntahan sa kusina.
"Franki ikaw na lang tumawag kay Diana. Alam mo naman kwarto niya diba?"
As in ako? Omg.
"Okay po Tita," alanganing sagot ko dito buti hindi nahalata dahil busy pa eto sa tinatapos na lutuin.
Kabadong umakyat ako sa hagdan patungo sa kuwarto ni Diana. For sure katakot-takot na titig na naman ang ipapakita neto sa akin. Alam kong ipapaalala na naman netong bawal akong magpakita uli dito sa bahay nila. But what can I do? Dito na ako titira.
Tandang tanda ko pa ang kuwarto niya. Halos ilang beses na rin kase ako nakatulog sa loob nun. Kumatok ako ng marahan sa malapad na pintuan ng kanyang kwarto. Iba na pala pintura neto ngayon. Naalala ko everytime na napapadaan ako dito I used to pick at some flaking paints on this very door. Natatawa na nga lang sa akin nun si Diana.
Kumatok uli ako nang wala akong marinig na sagot sa loob. Hindi ko namang pwedeng buksan ang pinto dahil baka magka World War 3 dito. Nilakasan ko uli ang katok and this time nakarinig ako ng yabag papalapit.
"Mom, what is it?" Agad akong napaatras pagkabukas ng pinto, hindi dahil sa iritasyon sa tono neto but because of what she's wearing. I hurriedly looked down and I felt myself flushed. Nakatapis lang eto ng tuwalya, basa pa ang buhok, katatapos lang ata magshower.
Bakit ba ako nahihiyang tumingin dito eh hindi naman first time na makakita ako ng babaeng nakatapis lang. Ang weird ko talaga.
Sinabi ko na lamang ang pakay dito habang nakayuko pa rin at agad-agad akong umalis pababa. Hindi ko na nga nabati si Crissan nang makasalubong ko eto sa kalagitnaan ng hagdan. Para akong hinahabol ng sibat sa sobrang pagmamadali.
"Oh Franki bakit parang nakakita ka nang ahas?" Tanong sa akin ni Tito nang magkita kami sa dining room. Nakaupo na eto roon, ganun din si Mom at si Tita Rowena.
"Ah wala po Tito. Napa-exercise lang," sagot ko na lang na hinahabol pa rin ang paghinga.
"Upo na Franki. Tabihan mo na si Mommy mo para makakain na tayo dahil alam kong napagod kayo sa paglilipat. I cooked your favorite beef steak."
Agad na naglaway ako pagkakita sa paborito kong pagkain. Masarap pa naman 'tong magluto si Tita kaya for sure mapapasabak ako sa kain.
"Sinong naglilipat Mama?" Bigla kaming napatingin sa pagdating ni Diana, kasunod lang neto si Crissan. Halatang pareho silang nagulat pagkakita sa aming dalawa.
"Let's pray muna at may sasabihin kami ng Mama niyo sainyo Diana and Crissan mamaya."
Agad namang umupo ang dalawa pagkatapos humalik sa pisngi ni Mom. Pinipigilan kong huwag mapatingin kay Diana dahil maaalala ko na naman ang nakita ko kanina, ngunit mapaglaro ata ang tadhana dahil sa mismong katapat ko pa eto naupo. Pumikit na lang ako ng mariin habang nananalangin si Tita, ngunit iba naman ang lumalabas na panalangin sa aking isipan.
Nagsimula na kaming kumain, halos tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig. Alam kong napapagawi ng tingin sa akin si Diana ngunit nanatili lang akong nakayuko, inaabala kunwari ang sarili sa pagkain.
"Franki kuha pa ng pagkain hah, huwag mahiya. Konti lang nilagay mong pagkain sa plate mo." Narinig ko na lang ang boses ni Tita. Nginitian ko na lang eto sabay tango at pinagpatuloy ang pagkain.
"Diana. Crissan." Iaannounce na ata ni Tito. Lahat kami napatingin dito. "Maybe you're wondering kung bakit kasama natin ngayon sina Tita Angel niyo and Franki. It is because dito na sila titira."
Halos walang imik sa buong mesa. Napatingin ako kay Diana ngunit hindi mo mababasa kung ano man ang nasa loob neto.
"Robert and I decided na tulungan sina Tita niyo. Dahil alam kong kapag tayo ang nasa sitwasyon nila hindi rin sila magdadalawang-isip na tulungan tayo. They are like family to us kaya't habang nandito sila treat them like how you treat us."
"We understand po." Napatingin ako kay Diana nang magsalita eto. "Welcome po sa house Tita Angel and Franki. If ever po may problem kayo dont hesitate to call me or Crissan." Pahayag neto na ikinataas naman ng kilay ko. Alam kong sincere eto pero parang kinabahan ako pagkabanggit niya sa pangalan ko.
"Thank you Diana and Crissan. Temporary lang naman kami dito, once nakapag-ipon na kukuha na rin kami ng kahit maliit na apartment. Salamat sa pagtanggap sa amin. Hayaan niyo hindi naman kami magiging pabigat dito."
Nagkayakapan pa uli si Mom and Tita Rowena. Tiningnan ko uli si Diana at saktong nakatingin din siya sa akin. Walang expression ang mukha. Hindi ko tuloy malaman kung ngingitian ko o hindi.
"Gagamitin pala nila ang guest room sa taas dahil under renovation pa etong nasa ibaba."
Omg! It means katabi namin ang kwarto ni Diana?
Parang nabasa naman ni Diana ang nasa isip ko dahil agad ako netong pinandilatan ng kaniyang mga mata.
"Diana, samahan mo muna si Franki sa magiging kwarto nila. Mag-uusap lang kami ng Tita mo muna dito sa baba." Katatapos lang namin kumain nang marinig ko uli si Tita Rowena.
Tatanggihan ko sana dahil kaya ko naman ngunit naunahan na ako ni Diana.
"My pleasure." Binigyan neto ako ng ngiti ngunit alam kong fake iyon. "Come Franki," inilahad pa neto ang kanyang kamay.
Kahit gusto kita Diana pero ayoko ng ganitong laro mo.
Agad akong pinandilatan ng mga mata nang hindi pa rin ako gumagalaw sa aking kinatatayuan, kaya napilitan akong sumunod dito sa itaas.
Bigla ako netong hinatak papasok sa loob ng kwarto pagkabukas agad neto.
Omg. Masyado pa ata akong bata para sa mga ganitong eksena. Eto na ba yung sinasabi nilang masarap na bawal?
Isang pitik sa noo ang naramdaman ko at mahinang tawa ang narinig ko para tumigil ako sa mga naiisip ko.
"Ang laswa ng isip mo Franki."
"Bakit mo ako pinitik hah? Sumosobra kana Diana." Ang sakit kaya.
Sumeryoso eto at agad ako nakaramdam ng kaba. Kasama rin pala neto sa loob si Crissan na ngayon ko lang napansin. She had her arms on her chest. Para etong tigre na maling hakbang ko lang agad etong manlalapa.
"Dont ever think na gusto kong tumira ka dito." Ayan na po si Diana, nagsisimula na.
"Yeah," dugtong naman ni Crissan. "If it's Tita Angel lang, okay lang." Lakas maka-devil ng aura neto.
"Shut up Crissan. What are you even doing here? Go back to your room." Nagsukatan pa ng tingin ang dalawang magkapatid bago tuluyang sumuko si Crissan at lumabas ng kwarto. Nagpabaon pa eto ng belat sa akin. What a brat.
"My house, my rules. Dont you ever come near me, dito man o sa school. And please do not tell to anyone at school na dito ka sa amin nakatira, maliwanag?"
"Ba't di kana lang kaya gumawa ng kontrata para sa mga rules mo na yan. Pipirmahan ko agad." Pambabara ko dito.
"Whatever," she answered irritably. "Just do what I told you to do and h'wag kang magkakamaling magsumbong kina Mama."
Tunog ng pagsaradong pinto na lang ang narinig ko dahil napaupong nanghihina ako sa kama. It hurts and I really want to cry pero ayokong abutan ni Mom na namumugto ang mga mata ko. Ayoko nang dagdagan pa ang mga alalahanin niya.
Pero hindi pa rin kita susukuan Diana. Kung ayaw mo akong lumapit, sa malayo kita tatanawin. Dahil hanggang ngayon gusto pa rin kita.
YOU ARE READING
Hate that I love you
Fanfic"Remember when I told you that I like you? That was a lie. I love you." Franki to Diana. This is a Frankiana story. Slow burn medyo kaya patience lang hehe. Hope you will like it.:)