Chapter Nine
Diana POV
I do care, Franki.
Iyan sana ang mga salitang gusto kong sabihin kay Franki kanina. Mga salitang alam ko na kahit papano ay pwedeng magpagaan ng kalooban niya.
But, I cant at hindi pwede.
It will make me look weak.
I hate being called weak. Everyone at school look up at me and I have this reputation na hinding hindi ko pwedeng balewalain. Matagal na binuild up sa tulong na rin ni Gazini and apologizing to Franki would just ruin the flow.
Even though I admit, nakokonsensya ako.
Hindi ko rin naman kase alam na kakagatin niya ang ginawa kong distraction sa kaniya sa game. Hindi ko alam na ganun ang plan ni Gazini kaya pala she insisted na sumali ako sa line up kahit alam namin na against sa rules yun dahil matagal ng naipasa ang official line up. Hindi ko na nga rin alam paano nya naipaliwanag sa Sports Committee yun.
I couldn't help but to wonder kung bakit ganun na kalalim pala ang pagkakagusto ni Franki sa akin. Halos hindi ko nga eto pinapansin and nabasted ko na rin siya last year nang aminin netong balak akong ligawan. Seryoso pala talaga siya, I thought nangtitrip lang siya or somethin'.
I know she was bullied after the game pero bakit hindi man lang sya nagsusumbong? I even saw it with my own eyes habang siya'y kinakantiyawan, hinahagisan ng ballpen, binubunggo habang naglalakad and yet nakatikom lang ang bibig niya as if wala lang sa kaniya. It angered me na hinahayaan niya lang ang ganun. She's so stupid talaga.
Yung sugat niya sa noo nakuha niya rin ba sa pambubully? I really like to ask her pero hindi ko magawa man lang iangat ang mga kamay ko para katukin ang pinto neto na kanina ko pa tinitingnan. Matagal na akong parang tangang nakatayo after kong umalis sa terrace kanina dito sa harapan ng kwartong pinapagamit sa kanila ng parents ko. I know gising pa siya dahil sa mahinang sound galing sa speaker na maririnig mula sa nakapinid na pinto. I breathed heavily and took a courage to raise my hand pero muli ko din etong binaba at marahang umalis papunta sa aking silid.
Weakness is never an option Diana.
_____As usual hindi ko na naman naabutan si Franki. Mas maaga na kase etong pumapasok at hindi na sumasabay sa amin ni Crissan. Not that gusto ko siyang makasabay or somethin', para kaseng may iba sa kaniya at halatang umiiwas sa akin?
Well, if that's what she wants then fine by me.
Naabutan kong nag-aalmusal na sina Ninang Angel at Mama, wala si Papa dahil nasa Singapore eto for his business meeting samantalang walang pasok today si Crissan.
"Magresign kana Mare diyan sa bakery na pinagtatrabahuan mo kaya. Halos gabi gabi kang overtime na walang bayad. Sayang ang pagod mo."
"Hayaan mo kapag nakaluwag luwag na, magreresign talaga ako. Naggiguilty nga ako kase halos bihira na kaming magkitang mag-ina. Ewan ko rin ba kay Franki bakit laging maagang pumunta ng school."
Hindi ko maiwasang magguilty upon hearing it dahil I know I'm one of the reasons kung bakit sobrang agang pumasok ni Franki. Parang dinagdagan ko pa tuloy problema ni Ninang Angel. Nakayuko lang ako habang kumakain ng mga nakahandang almusal sa mesa.
"Diana," dun lang ako napaangat ng tingin sa pagtawag ni Mama sa akin. "Pakikuha naman nung gamot ng Ninang mo sa kwarto nila."
"Ako na Diana maabala ka pa."
Hindi ko na hinayaang tumayo si Ninang Angel at ako na mismo nagboluntaryong kumuha sa kwarto nila.
"Salamat Diana. Nasa bedside table lang iyon katabi nung lampshade."
YOU ARE READING
Hate that I love you
Fanfiction"Remember when I told you that I like you? That was a lie. I love you." Franki to Diana. This is a Frankiana story. Slow burn medyo kaya patience lang hehe. Hope you will like it.:)