Chapter Two

602 22 0
                                    


Chapter Two

Diana POV

Agad kong iniligpit ang mga nadevelop kong picture sa loob ng studio nang mapansin kong malapit na palang magsara ang school. I immediately put my camera set inside my bag, closed the lights, then locked the door. I saw my two friends heading on my way kaya binagalan ko na muna ang paglakad ko.

"You ready to go?" Agad na tanong ni Gazini sa akin pagkarating. Sabay-sabay kase kaming naglalakad pauwi patungong bus stop sa mismong tapat ng school.

"Yeah." Sagot ko naman at nagsimula na kaming maglakad papunta sa gate palabas ng school. Gazini and I have been friends since diaper days pa lang nga daw namin pero mas naging close kami when we were both ten years old. Kapit tuko kung tawagin kami ng mga parents namin. We felt at ease kase sa isa't isa and siya lang ang nakakasabay sa ugali ko. She knows when I felt mad, sad, or happy. Si Abi naman nakilala namin netong high school lang, freshman actually. We ended up three as partners sa isang lab. activity then she hang out with us na palagi. She's kind of mean to others kaya bihira lang ata pumapansin dito. As long as she doesn't get to my nerves or kalabanin niya si Gazini, she's good to me.

"Well, well, well look who's here! Fancy seeing you again Frankie and her minions." I suddenly have the urge to grab Abi's arms for her to continue walking pero napatigil na eto at si Gazini pati na rin ang halatang nagulat na grupo nina Franki.

Here we go again. Ewan ko ba dito kay Abi hilig mambully sa mga lower years lalo na sa mga taong hindi kasing taas ng IQ nya. I also noticed na hindi niya talaga pinapalampas ang grupo nina Franki.

"Balita ko nahigh-blood daw ang isang Calculus teacher ng Junior High." Narinig ko ulit na turan ni Abi. I heard it sa isang teacher kanina but I'm not really interested para pagtuunan ang mga ganung tsismis. "Kasi daw ba naman pinudpud ng itlog ang take-home exam ni Sir."

Nakita kong bahagyang napangisi si Gazini samantalang si Abi halos mabulunan naman eto sa walang katapusang tawa. Tahimik lang ang grupo nina Franki pero halos nagbabaga na ang mga mata sa dalawa kong kaibigan.

"What Franki? Guilty? Lakas mong magkagusto kay Diana ang bopols naman ng utak mo." Si Abi uli.

"Aba't sumosobra kana ah. Ulitin mo sinabi mo sa kaibigan ko makakatikim ka talaga." Biglang bwelta ng kaibigan ni Franki. Kiara ata name niya. Susugod na sana eto nang pigilan eto ni Franki. Galit na din eto at halatang nagpipigil lang.

"Makakatikim ng what? Ng Itlog? Oh c'mon Franki tell me, anak ka ba talaga ng parents mo?" Banat pa uli ni Abi na nakangisi pa.

Bago pa man makasugod si Franki, I suddenly heard myself say making her to stop whatever she's going to do to Abi.

"Enough!!"

Animo'y parang mga robot na sabay sabay pa silang napatingin sa akin at parang naghihintay sa susunod kong gagawin. Si Gazini nagtatanong ang mga mata kung bakit ko ginawa yun.

Pumunta ako sa pagitan nina Abi na pangisi ngisi pa at Franki na parang nagniningning ngayon ang mga mata taliwas sa galit na lumabas dito kanina.

"Hulaan ko Franki, you're hoping na ipagtatanggol ka ni Diana nuh? In your dreams." Isang malutong na tawa ang pinakawalan ulit ni Abi.

"I said enough Abi." Naiinis na turan ko dito. Agad naman na ikinabigla neto iyon na parang hindi naniniwala sa narinig pero agad namang itinikom neto ang bibig. Bahagyang nakita ko ang saglit na pagguhit ng ngiti ni Franki nang tumingin ako dito.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago uli ako nagsalita.

"Abi dont stoop on their level. Masyado mong pinapababa ang sarili mo kung pinag-aaksayahan mo sila ng panahon." Madiin kong sabi habang nakatutok pa rin ang mga mata ko kay Franki. I saw pain in her eyes pero sandali lang yun dahil galit naman ngayon ang nakikita ko. "Ayokong mapatawag ka sa office ng dahil lang sa kanila. Nakakahiya at nakakababa ng moral."

Agad akong umalis pagkasabi ko 'di alintana kung nakasunod ang dalawa sa akin. Naririnig ko pa ang pagsigaw ng grupo nina Franki. Kung nasaktan man sila sa sinabi ko problema na nila yun.
____

"Diana!" Akyat na sana ako sa kwarto pagkadating ko ng bahay but hay nakita pa ako ni Mama. Halos walang ingay na nga ginawa ko paakyat sa hagdan. Huli tuloy.

"How's your day anak? Mukhang pagod na pagod ka ah. Pahiran ko likod mo baka basa na naman ng pawis." Agad na sabi ni Mama at talagang chineck pa ang aking likod. I mentally rolled my eyes. Mom I'm not a child anymore. College na nga ako next year eh. Halos ganito ginagawa nya after kong dumating sa school. Kahit pa nga mayroon kaming bisita ganun pa rin siya kaya't ayokong sinasama si Gazini dito kase inuulan niya ako ng tukso.

"Ano ka ba naman Diana kararating mo lang sa kwarto agad diretso mo. Hindi ka man lang bumati sa amin ng Mama mo." Si Papa, hindi ko napansin kanina na nandito na rin pala sya. Mukhang kararating lang from office dahil nandito pa briefcase niya sa sala.

"Sorry po," agad akong humingi ng paumanhin sa dalawa.

"Sus okay lang yun," singit naman ni Mama at bumalik sa pagkakaupo sa sofa. "Hindi kana nasanay Roberto. Hala sige anak, pumanhik kana at tawagin na lang kita pagkakain na. Lalambingin ko muna etong Papa mo." Sabay kindat sa akin at tumabi kay Papa na halatang kinikilig na.

I hurriedly went upstairs hindi na hinintay kung may sasabihin pa si Papa dahil baka mawitness ko na naman ang lambingan nila. Ang tatanda na masyadong mahilig pa rin sa ganun. Pero ganun lang talaga sila sa isa't isa, they are still sooo much in love to each other and they had just celebrated their 20th anniversary last month.

My Father is a great businessman. He inherited the retail chain of store from my grandfather. Nagsimula sa isang tindahan hanggang dumami eto hindi lang dito sa Oakland but to other provinces as well. She met my Mother during work kase nag-apply eto noon as his secretary. Dun nagsimula ang kanilang magandang lovestory. According kay Mama ang kanyang Adobo raw ang talagang nagpatibok sa puso ni Papa. Magaling kase etong magluto at laging inaagaw raw ni Papa noon ang baon niya every lunch time.

After getting married agad nilang plinano magkaroon ng maraming anak. Actually, five sana kami but nahirapan si Mama sa panganay sana naming kambal. She had a miscarriage. Medyo na trauma sila nun sa nangyari buti na lang the next three na pagbuntis nya ulit, it came out successfully. That's Oliver, me and Crissan. Oliver is the Kuya, currently studying in College, nag-aaral bilang maging isang magaling na Chef. According kay Papa siya sana ang gusto niyang itrain to be his successor kaso sa pagluluto ang naging hilig neto. So right away ako ang ginawang successor nya. I dream to become an engineer like Ninong Christopher kaso hindi ko naman magawang suwayin si Papa. Crissan is the bunso who is only ten years old. We're close, Yes, but sometimes I wanna strangle her during sleep.
___

"Wow anak, sobrang napakasarap netong luto mo."

I heard Mama said to Oliver appreciating his cooked meal for us. Ganyan lagi kapag umuuwi siya from university, he will cook something na never pa naming natitikman. Well, infairness his good with his craft.

"Thanks Ma. Anyway yesterday I bumped with Tito Kris and Tita Angel sa grocery. Nag-out of town pala sila this weekend, pre-birthday celebration for Franki. Sayang nga eh wala siya naiwan sa hotel."

"Magdedebut na pala Unica Iha nina kumpare." Narinig ko si Dad after ng balita ni Oliver.

"Oo nga. Naeexcite na ako." I mentally rolled my eyes sa sinabi ni Mama. Masyadong excited 'kala mo siya ang debutante, may papalakpak pa.

"Tama kan diyan Ma. Excited na akong makita uli siyang nakagown," dugtong naman ni Oliver obvious ang excitement sa boses at mukha. " Sayang talaga hindi siya nakaattend nung anniversary ninyo last month. I missed my baby."

Baby mo mukha mo. Ang daldal ni Oliver ngayon, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagkain.

"Diana diba same school lang kayo ni Franki? How is she? Napansin ko parang bihira na siyang bumisita dito." Tanong ni Papa na hindi ko alam kung sasagutin ko o hindi.

"Tama ka Hon. Hindi na rin siya sumasama kahit kay Ninang mo Diana. Hindi ba kayo nagkakausap man lang?" Tanong din ni Mama.

What's with them? Hindi naman ako tanungan ng nawawala.

"I dont know po. Maybe she's busy or something. Bihira ko po siyang makita kase she's still a Junior." Ang aking naging sagot taliwas sa magiging sagot ko sana na because I threatend her not to show her face to my house ever.

I saw Crissan smirking habang tahimik na nginunguya ang kinakain netong karne. Agad ko namang palihim na sinipa ang inuupan netong silya. Dont you dare.

"Sana ako ang gawing escort ni Baby Frankie sa debut niya." Narinig ko uling sabe ni Oliver may gesture pang parang nagpipray.

Eeew Oliver. In your dreams.

"Ma, Pa, when I become Chef liligawan ko agad si Franki."

Spell A-S-A. Tsss.

"Thanks God matutuloy din pangarap kong maging manugang si Franki. Diba hon, nasabi ko yan sayo dati pa." Napanganga ako sa naging reaksyon ni Mama.

Really Ma?

Napatango naman si Papa sa pagsang-ayon at pinisil pa ang isang kamay ni Mama na nakapatong sa lamesa.

Parang nawalan ako ng ganang kumain. Ano bang nakita nila sa Franki na 'yon?

"I'll make sure Ma matutupad yan." Wala pa ring tigil si Oliver. Halatang nagustuhan ang naging reaksyon ng parents namin. "Maganda na super bait pa ni Franki, she's one hell of a catch. I hope she will like me too."

Muntik ko nang buhusan ng tubig etong si Oliver para tumigil na. Gusto ko na ring sabihin dito na hindi naman eto magugustuhan.

Frankie likes me not you Oliver.

I think I was only five years old nang una kong makita't makilala si Franki. I thought walang anak sina Ninong Kris and Ninang Angel kaya't biglang gulat ko nang ipakilala nila eto sa isang okasyon sa bahay. She's too shy at first, chubby at halos 'di eto makatingin sa akin kapag tinatry ko etong kausapin. Nabubulol pa eto magsalita despite having the same age as mine. Aliw na aliw sa kanya ang parents ko kaya minsan hinihiram neto iyon lalo na pag may out of the town na project si Ninong Kris at busy sa hospital si Ninang Angel. Sa una natutuwa pa ako dahil may instant kalaro ako at may katabi pa akong matulog. She knew I hate being alone in a dark place. Kaya nga ang room ko kahit netong malaki na ako mayroong nakakabit na glow in the dark figurine.

Sa una lang pala ang pinapakita niyang pagiging mabait sa akin. Naalala ko pa nung tinapon niya ang kinakain kong ice cream at ako ang napagalitan dahil bigla etong umiyak pagdating ng parents ko. Bigla-bigla na lang din etong nagsusumbong kagaya na lang nung biglang sumabit ang kaniyang tsinelas sa isang puno at dahil nakita kong naiiyak na eto napilitan akong akyatin ngunit bigla na lang etong sumigaw. Too late because I'm almost at the top at malapit ko nang makuha tsinelas niya. Halos mamilipit ako sa sakit sa ginawang pagpalo sa akin noon ni Papa. Pinagpatuloy ko pa rin pagkakaibigan namin because I knew we're just kids at that time.

We're celebrating my tenth birthday and the whole family decided to celebrate it out of town sa isang resort na pag-aari ni Ninong Kris and his friends. Someone told us na merong hidden river sa pinakagitnang bahagi ng isla and in an instant agad nagyaya si Franki para puntahan ang lugar, but her parents disaggreed kaya agad etong nalungkot. The following morning buti na lang sanay akong maagang gumising naabutan ko pa si Franki readying herself sa pagpunta sa gubat to reach the hidden river. Yun lamang daw kase paraan para matagpuan iyon. Despite having bad intuition napilitan akong samahan eto. Ilang beses ko rin etong pinigilan pero matigas talaga ulo neto. Imagine both ten years old wandering inside the forest alone, baka ano pa makita namin doon.

Halos tirik na ang araw ngunit hindi pa namin nakikita kung nasaan ang ilog. Malayo layo na rin nalalakad namin and despite my protest to go back kase for sure pinaghahanap na kami ng mga parents namin, she insisted pa rin to continue. We decided to take a rest after niyang makaramdam ng pagod sa sobrang haba ng nilakad namin when we heard the sound of a running water, the river. Pero hindi na namin naenjoy ang ganda neto because Franki lose her footing and fell on the water. Bigla kase etong tumakbo, huli na para makita niyang bangin pala iyon. I immediately went after her, sinundan ko kung saan eto maaagos and went there immediately para dun hintayin si Franki. Sa mga batuhan ako naghintay, praying she's not hurt. Everything happened so fast and I couldn't saved her. After ko siyang makitang inaagos at papunta sa kinaroroonan ko, I immediately grab her hands but the current was too strong na dumudulas na kamay ko sa kinakapitan kong mga bato. She was already crying at kita ko sa mukha niya ang pagsusumamong huwag ko siyang bitawan. I prayed to hundred of Gods there na tulungan kami but I was young then, I'm weak, namalayan ko na lang na nakabitaw na si Frankie at narinig ko na lang ang pagtawag neto sa pangalan ko palayo ng palayo hanggang katahimikan na lang at lagaslas ng tubig ang maririnig.

I felt a single drop of tear fell from my eyes. One, two, three hanggang naging sunod sunod na. I'm lying in my bed now gazing at hundreds of glow in the dark stars on the ceiling. Agad akong nag-excuse after ng dinner kanina. Ewan ba at sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon di ko maiwasang hindi mapaluha.

Agad akong bumalik noon sa resort to ask for help. Hindi ko na nga alintana kung tama pa ba yung nilalakaran ko. Hindi ko na rin masyadong makita ang daan dahil papadilim na at nanlalabo na dahil sa aking pag-iyak. Laking gulat ko nang makita ko si Franki doon at ginagamot na ang kanyang mga sugat. Agad agad ko siyang niyakap. Halos nanginginig pa eto at paulit ulit na binibigkas ang pangalan ko sa mahinang boses. Hindi rin eto makausap pa ng matino.

That night I received my first slap from my father. How I was being irresponsible to cause such horrific accident. I saw that even my mother looked at me disappointedly. I looked at Franki to ask for help dahil unang una siya naman talaga ang may kasalanan ngunit tulalang nakatingin lang eto sa akin. Hindi ko na rin pa nagawang sabihin ang totoo dahil sa kalagayan ni Franki. Inako ko na lang ang lahat ng sisi.

After that, I promised myself na iiwasan ko na eto. Hindi ako lumalabas ng room kapag nasa bahay siya. Hindi na rin ako sumasama tuwing maggogrocery dahil alam kong sabay sila ni Ninang Angel and kasama palagi nun si Franki. I always stayed at our neighbor house after school kahit weekend, sa bahay nina Gazini. Maraming beses na rin etong nagtangkang kausapin ako but I still see to it na matatakasan ko siya.
___

I love flowers. Everything that blooms on earth made me happy and ecstatic. Unfortunately ayaw nila sa akin because I'm allergic to them. I keep it a secret to others kase gusto kong maging normal pa rin tingin nila sa akin. When someone gave I always see to it na madisposed eto agad within five minutes or else sa hospital ang bagsak ko. My skin become itchy and then mamamaga buong katawan ko. Tuwang tuwa naman si Gazini kase sa kanya ang bagsak ng mga iyon. Nakahiligan ko na lang na picturan ang mga eto. Dream come true nang regalohan ako ng camera ng parents ko when I turned eight.

Every morning maaga akong pumapasok sa school to take pictures. We have this so called flower sanctuary at sobra akong nagagandahan sa bawat bulaklak na nakatanim doon. Aside from flowers meron din akong favorite subject na matagal ko nang kinukuhanan. Actually may bukod tangi syang album sa kwarto ko na compilation ng lahat ng kuha ko doon.

Habang tinatahak ko ang hallway papunta sa Studio, I noticed her. Si Franki. Alam ko na maaga rin etong pumapasok at dumideretso sa kubling bahagi ng school para dun magtago at masundan ng tingin kung saan man ako naroroon. Stupid. Akala niya siguro hindi ko malalaman. At first nakakainis na para etong stalker pero hinayaan ko na lang as long as she doesn't get on my nerves.

Isang kalokohan ang pumasok sa aking isipan ng umagang iyon. Agad kong ibinalik ang tingin sa direksyon ng kinaroroonan ni Franki. She immediately turned away when she noticed na nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad netong kinuha ang isang notebook sa bag para magkunwaring nag-aaral. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. Hindi pa rin neto alintana ang aking ginagawa dahil nanatili pa rin etong nakayuko at animo'y subsob sa pag-aaral. Hanggang bigla na lang etong kumaripas ng takbo nang mag-angat eto ng tingin at mapansing malapit na ako. Pulang pula ang mukha at talagang nanlaki ulit ang dalawang mata.

Napailing na lang ako.

Stupid.

Always.




















Hate that I love youWhere stories live. Discover now