Chapter Seven

789 25 7
                                    

Chapter Seven

Franki POV

Matuling lumipas ang mga araw at nakakasanayan ko na rin etong bagong set up sa buhay namin ni Mom. Dumaan na nga rin yung birthday ko, 18 na ako yes, pero simpleng celebration lang ang nangyari. Ayoko na rin kase ng pangarap ko noon na malaking handaan, isa pa nanghihinayang na rin ako sa pera kaya kahit anong pilit nina Tita Rowena kahit sila daw gagastos, umayaw ako. Lumabas lang kami ng dalawang kaibigan ko at pinagbake ako ng favorite chocolate cake ko ni Tita sa bahay. Simple lang pero masasabi ko namang worth it.

Si Diana? Okay lang naman kami. Parang nasasanay na ako sa ugali nya at dumidistansya muna ako sa kanya simula nung last encounter namin. Hindi naman kase makapal mukha ko, kahit pasilip silip muna, makita ko lang siya okay na ako. Pero syempre kinilig pa rin ako kahit papano nang batiin niya ako ng 'happy birthday' kahit alam kong labas sa ilong at napilitan lang.

About school? Well masasabi kong mabait pa naman sa akin si Lord dahil nagawa ko pa namang ipasa (pasang-awa) ang last examination namin. Masaya sa utak na tapos na exams kaya heto pachill-chill lang sa loob ng classroom habang kanya kanyang istasyon mga classmates ko. Hinihintay rin kase namin si Sir Theo, ang homeroom adviser namin dahil nagkaroon daw ng biglaang meeting ang mga faculty.

"Guys, listen up!"

Kaya pala tumahimik bigla dahil dumating na si sir Theo. Alam niyo bang crush sya ni Kiara? Kaya siguro ayaw magtransfer sa ibang class dahil kay Sir. Gwapo nga naman talaga infairness, kamukha nung bidang artista sa Divergence at Atom na reporter.

"Intramurals is fastly approaching guys. Kaya kami nagkaroon ng emergency meeting dahil gusto ng ibang teachers sa Junior High na mag-assign na ng mga players para hindi magahol sa oras ang pagpapagawa ng mga uniform. So-".

Blah, blah, blah, inaantok ako sa mga pinagsasabi ni Sir. Samantalang si Kiara na katabi ko tutok na tutok sa kung ano pa mang pinagsasabi ni Sir. Sarap batukan haha. Iba talaga 'pag crush mo ang isang tao. Pipikit na sana ako nang biglang marinig ko ang malakas na pagkakasigaw sa pangalan ko.

"Si Franki sir, hindi yan aayaw."

Ano daw? Tiningnan ko kung sino yung sumigaw, si Argel pala habang ngising ngisi pa at agad akong binigyan nang peace sign.

"Very good Franki. Oh one volunteer na lang? Kiara in ka?" Agad namang tumango si Kiara at obvious ang kilig sa katawan sa pagkakamention ni Sir sa kanya.

Wait? Naguguluhan ako, ano bang sasalihan?

"Thanks guys for participating. Hayaan nyo I'll give extra credits to those mentioned name sa board. Practise will be after school hours kahit tig one hour lang. Dont worry ako naman yung coach ninyo and hintayin na lang din natin yung ibang players from other section."

Class dismissal na pero heto ako sobrang nababaliw pa rin sa mga nangyari. Maglalaro talaga ako ng Basketball?

"Uy anong mood yan?" Si Kiara habang naglalakad kami patungo sa next subject namin. Obvious pa rin talaga ang kilig neto kay Sir. "Come to think of it, talagang special mention ako ni Sir Theo, kahit wala akong alam sa larong yan isang ngiti niya lang, napa-oo agad ako."

"Yun na nga Kiara eh, wala tayong alam sa larong yan. Malay ba natin kung paano. Baka mapahiya lang tayo."

"Huwag ka ngang nega. Dont worry si Sir Theo naman magkucoach eh. I'm so excited na. Yieeeh". Gusto ko sana etong batukan nang out of nowhere biglang sumulpot si Argel at agad akong inakbayan.

"Ouch, what was that for?" Bigla ko kase etong kinurot sa tagiliran para bumitaw eto agad sa pagkaka-akbay sa akin.

"May kasalanan ka pa sa akin. Ikaw hah, ba't binigay mo pangalan ko kay Sir eh, God knows kung anong alam ko sa basketball".

Hate that I love youWhere stories live. Discover now