Chapter Eleven

711 25 3
                                    

Chapter Eleven

Kiara POV

Dahan dahan akong humakbang patungo sa aming pintuan, mahirap na baka magising pa si Mudra, na kasalukuyang nakahiga sa aming sofa, tulog na tulog sa kalasingan at humihilik pa.

Saan na naman kaya eto nagbeerhouse kagabi? Hindi ko rin maisip kung saan eto kumukuha ng pang-inom samantalang 'ni wala nga etong naibibigay kahit pambili ng bigas. Ang ipinagpapasalamat ko na lang, hindi siya nagdadala ng lalaki dito sa bahay. Dahil kung oo.. hay, I cringed at the thought.

Marahan kong isinara ang pinto pagkalabas at doon ko na ipinagpatuloy ang pagsusuot ng aking sandal. Mahirap na baka biglang magising hindi pa ako makapasok. Kampante naman akong magiging okay siya dahil halos eto na naging buhay niya pagkamatay ni Papa. May iniwan na rin akong pagkain kaya hindi ako mag-aalalang magugutom eto pagkagising.

Sa totoo lang, hindi naman ganito buhay namin. Masaya actually, puno ng pagmamahalan at masasabi kong maipagmamalaki ko ang aming pamilya. Nung biglaang namatay kase si Papa dahil sa sakit sa atay, biglang nagbago lahat. Naiintindihan ko namang naghihinagpis siya, ganun din naman ako, pero diba may anak pa siya, andito pa ako. Kailangan ko din ng karamay.

Kaya heto ako ngayon, iba't ibang sideline ang pinapasukan ko para lang may mairaos kami sa pang araw-araw. Buti na lang kinakaya pa ni Clark Kent ko, ang kasama ko sa trabaho at syempre andiyan ang dalawang kaibigan ko na never nang-iwan.

"Himala maaga si Kiara, Franki!" Malayo pa lang naririnig ko na si Maza. Well, hindi ko siya masisisi dahil medyo napaaga dating ko ngayon. Hindi traffic at okay takbo ni Clark Kent.

"Ayaw niyo ba 'yan maaga nyong nasisilayan ang beauty ko," pabiro ko na lang na sabi pagkarating ko sa kinatatayuan ng dalawa.

Sabay tumawa ang dalawa na sinabayan ko na rin at dumiretso na kami sa bakanteng upuan malapit sa soccerfield dahil maaga pa naman. Hindi pa nga rin pala ako nakakapagmake up. Hay, I cant live without may make up, masasabi kong parang eto yung naging outlet ko para mawala isip ko minsan sa mga problema. Tsaka, masarap sa feeling magpaganda.

"Tama na 'yan Kiara," nakikita ko sa hawak kong salamin si Maza. She loves teasing me kapag naglalagay ako ng kolorete sa mukha ko. "Mukha ka nang clown."

Binelatan ko lang siya na ikinatawa naman ni Franki. Miminsan ko lang makita etong dalawa na maglagay ng make-up sa mukha. Hindi talaga nila hilig, lipgloss at lipstick lang okay na sa kanila.

"Kamusta naman yung moving on mo Baby Franki?"

Halos araw araw ko etong tinatanong sa kaibigan ko simula nang magconfess siyang kalilimutan niya na si Diana. Actually, masaya ako para sa kaniya, sa naging desisyon niya. Diana doesn't deserve her. Tama na ang pagpapahiya, pagsnob niya sa kaibigan ko.

"Uhm, okay lang. Kaya pa."

Okay? Hindi talaga ako kumbinsido habang tinitingnan ko si Franki na inaabala ang sarili sa pagtitig sa kung anong meron man sa kaniyang mga kuko sa kamay. I have this feeling na may tinatago siya. Sa tagal ba naming magkaibigan halos kilala ko na eto. Nung una alam kong determined siya sa sinabi niyang paglimot kay Diana pero kase this past few days, parang may nagbago.

"Wala ka bang napapansin kay Franki, Maza?" Tanong ko sa katabi after magpaalam ni Franki na pupunta lang sandali sa comfort room.

"Ano bang papansinin huh Kiara?"

Sarap batukan talaga.

"Parang may tinatago siya sa atin. Ganun."

Kumunot noo itsura ni Maza sa sinabi ko. Matagal bago eto sumagot.

Hate that I love youWhere stories live. Discover now