Chapter Ten

633 30 4
                                    

AN: Warning, medyo rated PG tayo for this chap. There is one particular scene na medyo kailangan ng pagpapatnubay. Lol.

Chapter Ten

Franki POV

Nababaliw na ako dito sa loob ng kwarto. Ughhh. I'm going crazy na. Gusto kong sumigaw, gusto kong lamunin muna ako ng lupa. Hindi ko pa rin talaga madigest lahat ng nangyari kanina. OMG! Mom knows at kahit si Tita Rowena alam na. Omg talaga, hindi ko keri. Nakakahiya na malaman nilang pinagpapantasyahan ko si Diana. And one more thing, nabasa pa nila ang sulat. Sobrang nakakahiya lalo na dun sa part na...ugh talaga!! Nabasa rin kaya yun ni Diana? Mahabaging Diyos na nasa langit, 'wag naman po sana.

Napatalukbong tuloy ako ng kumot pagkarinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Alam kong si Mom yun pero ewan ba nahihiya talaga ako.

Narinig ko ang mahinang impit na tawa mula dito bago tumabi sa akin sa kama. "Franki anak, lumabas kana riyan. Daig mo pa ang isang bata."

"Mom nakakahiya kaya." Nakapikit pa ako niyan sa ilalim ng kumot.

"Ba't ka naman mahihiya? Hindi ba't normal naman sa isang tao na magkagusto? Wala naman akong nakikitang problema kung gusto mo man si Diana, anak."

"Ta-talaga Mom?" Sinilip ko muna eto bago ko inalis ang kumot at agad nasiyahan sa naging sagot neto. "Pero kase Mom miracle lang talaga kung magkagusto man sa akin si Diana."

"Hmm, bakit naman? Maganda ka naman anak ah?"

"Ganda lang Mom pero wala naman ako dito," sabay turo sa bobo kong utak.

"Ikaw talaga, kung andito Dad mo for sure mapapagalitan kana naman."

Bigla naman akong nalungkot sa narinig. Tama si Mom, may sasabihin pa sana ako nang mapansin ko ang mga nagkakalyo netong mga kamay. Agad ko etong kinuha na ikinagulat niya at ineksamin eto.

"Mom ba't ganito na kamay mo? Dont tell me pati pag-uutility sa hospital ginagawa mo?" Tanong kong may halong biro. Maalaga kase sa katawan si Mom maybe because naturingan siyang doctor.

"Huh, wala eto," sabay hila ng mga kamay niya sa akin. "Siguro dahil sa paggagardening namin ni Rowena."

Ewan ko but I have this feeling na may tinatago sa akin si Mom. Nabanggit din kase sa akin dati ni Tita Rowena na hate niya raw paggagardening kaya pinapaubaya niya na lang sa hardinero nila ang mga nakatanim na bulaklak dito sa bahay nila. Kaya nakapagtataka ang naging reason ni Mom. Ipinagkibit balikat ko na lang dahil halatang ayaw na etong pag-usapan pa.

Natulog na lang kami pero baon baon pa rin sa isipan ko ang lahat ng nangyari ngayong araw.
_____

"Earth to Franki! Kanina pa ako nagsasalita besh pero halatang nasa ibang mundo ka." Nagulat na lang ako nang humarang sa akin ang buong mukha ni Kiara. Natatawa naman sa gilid ko si Maza.

"Kahit naman sino Kiara hindi makikinig kung paulit-ulit kana lang sa ilusyon mo kay Sir Theo. Kahit nga ako naririndi na eh. No choice lang ako kase friend kita."

"Ah ganun pala hah," sabay batok kay Maza na tumatawa pa rin.

Kasalukuyan kaming naglalakad papunta ng library. Yes, you heard it right. May karapatan naman kaming mga bobo na pumunta doon. Medyo maingay kase sa Student Hall at sasamahan lang namin si Maza sa nirereview netong exam daw nila bukas.

Magbabakasyon na lang may pa exam pa.

Kanina pa talaga akong tuliro dahil na rin sa mga nalaman ko kanina. From Diana herself. Hindi rin kase talaga ako makapaniwala.

Hate that I love youWhere stories live. Discover now