Chapter Five

617 23 7
                                    


Chapter Five

Diana POV

I'm putting the last picture sa album when I heard the door was opened. Inilabas neto ang bagong ligong si Crissan na nakabusangot na naman ang mukha.

"What's that?"

I hurriedly close the album bago pa man makuha eto ni Crissan. Nilagay ko kaagad sa kabinet at sinusian.

Napataas ang kilay ng kapatid ko dahil sa ginawa ko ngunit alam niyang wala siyang karapatang kulitin ako lalo na sa mga personal na bagay. Close kami ni Crissan, it's just that there were some things na gusto kong sa akin lang.

Tumalikod na lang eto at inabot sa akin ang kanyang purple na suklay. Every morning part na ng routine namin na sa akin siya magpapaayos ng buhok. I dont know kase meron naman siyang sariling mga kamay, magaan daw para sa kanya ang akin. Ako na rin ang nag-aayos ng uniform neto pati ang paghahanda ng gamit neto sa eskwela.

"Diana, is it true Franki will live here?" I dont like her calling me Ate kaya nakasanayan na niyang tawagin ako by my name lang.

"Yes," maikling tugon ko rito.

"So, can I bully her too?" Tanong neto na ikinagulat ko. "I heard Ate Abi one time that she really likes to bully Franki and her friends in your school, so I can bully her too right?"

No, but I can't tell her that.

"Why did you like to bully her? It's just a waste of time."

Inayos ko ang mga palamuti neto sa buhok.

"Well because she's dumb like you always told me. It's gonna be fun kaya, 'di masyadong boring here sa house." She insisted.

I breathed a big sigh. I don't tolerate bullying pero paano ko dito sasabihin kung mismong sa akin niya narinig na okay ang ganung sistema?

"I don't bully her, Crissan," panimula ko. "It's different with her. May malalim na dahilan kung bakit ganoon ako sa kanya."

"But Ate Abi said-"

"Enough. Leave Franki alone, okay?" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama.

"Ugh, you're no fun," pagmamaktol neto, pero bago pa man eto makapagpatuloy ng sasabihin, nakarinig kami ng kaluskos na parang nagmumula sa pinto.

Agad ko etong binuksan then I noticed a piece of paper lying on the floor. Pinulot ko eto at tumambad sa akin ang sulat kamay ni Franki.

Good Morning. Kakain na mahal kong Diana and Crissan.

May smiley at pirma niya pa sa dulo. Stupid.

I instantly crumpled the paper and placed it inside the pocket of my jeans. 'Buti hindi nakahalata si Crissan kaya tinawag ko na agad eto para bumaba.

Nakaupo na silang lahat sa mesa pagdating namin. Napansin kong nakikipagbiruan si Franki kay Mama at umiiwas na mapatingin sa akin.

"Ngayon na ba exam niyo Diana?" Narinig kong tanong sa akin ni Papa ng kumakain na kami.

"Yes po."

"I heard Top One lagi si Diana sa school nila." Si Tita Angel ang nagsalita.

Naikukuwento kaya ako ni Franki sa Mom niya?

"Ay oo, hindi nga yan nagrereview eh." Proud na sabi ni Mama at kumindat pa sa akin na ikinangiti ko naman. "Teka diba same school lang kayo ni Franki?"

I nodded quietly.

"How's your study Franki? Nakapagreview ka ba kagabi?"

Agad akong tumingin dito dahil gusto kong malaman kung ano ang isasagot neto kay Mama. Bigla kase etong napainom ng juice at pinamulahan ang mukha.

"Hay naku Rina 'wag mo nang tanungin yan dahil hindi sila magkasundo ng school." Si Tita Angel ang sumagot na tumatawa pa.

"Ma naman." Si Franki na parang nagtatampo sa ina. "Best in Attendance naman po ako Tita eh," agad netong bawi na ikinatawa ng lahat except me and Crissan.

"Maybe Diana can teach you iha. Wala naman yang masyadong ginagawa dito sa bahay kaya pwede ka niyang turuan."

Papa, ayoko.

I faked a smile to everyone kahit deep inside iritang irita na ako. Papa's word is a law here sa house. Ayoko pa namang pinipilit sa isang bagay na ayokong gawin.

"Okay lang po ako Tito. Nakapagreview naman po ako kagabi kaya alam kong malaki ang chance na makakuha ako ng mataas sa exam."

Hindi ko na pinansin ang sinabi neto dahil sa inis kaya binilisan ko ang pagkain para makaalis na. Sinabihan ko rin si Crissan para magmadali eto. Kasabay ko kase etong pumasok dahil magkatabi lang ang school namin.

"Franki sumabay kana kina Diana papunta ng school para may kasama ka."

Hay, Mama naman.

"Naku okay lang po ako. Susunduin naman po ako ni Kiara ngayon eh."

Kiara? Diba yung friend nya yun? So it means sinabi niya?

"Alam na ba nilang dito tayo muna nakatira?" Tanong ni Tita Angel.

"Ah eh, oo nga pala," sabay tingin sa akin, "hindi pa nila alam." Palihim pa etong nagpeace sign.

Dahil wala nang lusot, napilitan etong sumunod sa sinabi ni Mama kaya sabay-sabay kaming umalis ng bahay.

Nauna na akong maglakad dahil ayaw ko etong makasabay. Sobrang bagal naman ni Crissan kaya nilingon ko eto agad pagkarating sa bus stop. Napansin kong kinakausap neto si Frankie ng masinsinan, kaya lang hindi ko na nausisa pa kung ano ang sinabi neto dahil dumating agad ang bus.

As usual punuan na ang bus kaya agad akong pumwesto sa bandang likuran na medyo may kaluwagan pa. Hila-hila ko si Crissan na nakabusangot na naman ang mukha. She hated riding a bus, well she had no choice.

I guess we're lucky dahil may bakante pang dalawang upuan. Agad namin etong kinuha at pumwesto na para sa 20 mins. ride to school. Hindi ko na rin chineck kung nasaan si Frankie dahil ayoko lang mag-aksaya ng panahon. She's not a child anymore.

Bago ko pa man maipikit ang aking mga mata, namataan ko etong nakatayo sa gitnang bahagi ng bus at may katabing lalaki na parang may masamang binabalak. Napansin ko kaseng nilalagay neto ang kamay sa katawan ng natutulog na Franki.

Stupid, why does she always wear short skirt?

Bahala siya. Ipipikit ko na sana uli ang aking mga mata ngunit bigla na lang akong napapadilat at napapadako ang tingin sa natutulog pa ring babae. Mas dikit na sa kanya ang lalaki ngayon at prenteng nakalagay na ang kamay sa bewang neto.

I breathed a sigh of frustration, napapakuyom na rin ang palad ko. Wake up for God's sake Frankie.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong unti-unti na ring naggigising eto at napansin ang taong nakadikit dito. Ngunit taliwas sa inaasahan ko ang ginawa netong pagngiti sa lalaki na parang nagpapasalamat pa eto.

What the hell Franki?

I couldn't take it anymore lalo na nang mas idikit pa ng lalaki ang katawan neto na parang nakayakap na dito. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong hila-hila ang nagulat na si Franki at agad na pinaupo sa iniwan kong upuan.

I glared at her para tumahimik at binigyan ko naman ng masamang tingin ang lalaki na halatang nagulat sa ginawa ko. Agad etong umiwas ng tingin at bumaba agad pagtigil ng bus.

Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin si Crissan ngunit binigyan ko na lamang eto ng isang makahulugang titig na nagsasabing huwag nang magtanong. Nanatili na lamang akong nakatayo dahil sa malapit na din naman ang next bus stop at hindi na lumingon pa kay Franki.

Agad akong bumaba ng bus pagkarating sa school. Pinauna ko na si Crissan pumunta sa school nila at hinintay kong makababa ng bus si Franki. Hindi pa rin nawawala ang inis na nadarama ko dito.

"Bakit ba sobrang bobo mo at nagawa mo pang ngitian yung lalaki kanina?" I immediately confronted her.

"Ano bang pinagsasabi mo Diana? I thanked that man dahil muntik na akong matumba sa bus."

Mas lalo pang nadagdagan ang inis ko dito after marinig ang naging sagot neto.

"For goodness sake, are you really that dumb? He's harrassing you. Bakit ba kase laging maikli ang skirt na sinusuot mo?"

Napatingin muna eto sa suot bago sumagot sa akin. "So kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa rin dahil ang bobo ko, tama ba? Ba't mo ba ako tinulungan? Akala ko ba-".

Agad ko etong tinalikuran para hindi na marinig pa anumang paliwanag neto. Malapit na rin naman kami sa gate ng school at baka may makakita pa sa aming magkasama.

Itinuon ko na lamang ang buong araw ko sa examination namin. Nagbiro pa nga si Gazini na ang seryoso ko raw, kakaiba sa kinikilos ko dati. Antukin kase ako kapag exam dahil masyadong boring eto para sa akin. Minsan pa nga nakakatulog ako after kong masagutan ang answer sheet. Sinira kase ng isang tao ang araw ko.

Maaga akong nakauwi dahil maaga kong natapos lahat ng exams ko for today. Hindi na rin nagpasundo si Crissan dahil may group project pa eto at ihahatid na lang daw ng kaklase.

Naabutan ko si Mom na nagluluto ng brownies at kausap si Tita Angel. Binati ko ang dalawa at tinikman agad ang mga bagong luto.

"Kamusta ang exam?" Tanong ni Tita Angel habang inaabot sa akin ang tinimplang juice.

"Thank you po. Okay lang naman po yung exam, nasagutan naman lahat." Sagot ko dito sabay upo. "Kayo po kamusta ang paghahanap ng bagong work? I'm sure po marami silang mag-aagawan makuha kayo."

Biglang nagkatinginan sina Mama and Tita Angel. Nakita ko ang paglungkot bigla ng mukha ni Tita.

"About that," she answered quietly. "Marami akong inapplyan kahit private hospital pero hindi nila ako tinanggap. Lagi nilang sinasabi na walang bakante pero may kutob akong dahil iyon sa kaso pa rin ng Tito mo."

"That's unfair Tita. Alam na po ba eto ni Franki?

"Yun nga ang problema Diana. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Madami nang pinagdaanan ang batang iyon at ayaw ko na sanang dagdagan pa ang alalahanin niya."

"Asan nga pala si Franki? Ba't hindi mo siya sinabay pauwi? Baka nahihirapan yun magcommute, hindi pa naman sanay yun sa bus." Sunod-sunod na tanong ni Mama sa akin.

"Nako Rina 'wag mo nang problemahin si Franki. Matanda na yun tsaka nakakahiya naman dito kay Diana. I'm sure kasama nun yung dalawang bestfriend niya.

"Actually hindi ko na po napansin or nakita man lang si Franki sa school dahil naging busy po ako sa exam." Pagdadahilan ko na lamang dahil ang totoo hindi na ako nag-abala pang tingnan eto after ng nangyari sa bus kanina.

"Maya-maya for sure andito na yung maingay na yun."

"Ipagtabi mo na lang Angel si Franki ng brownies at baka maubos yan ni Diana. Matakaw yan 'pag galing exam."

"Ma naman."

Tumawa lang ang dalawa at ipinagpatuloy ang naudlot kaninang kwentuhan. Umakyat na ako sa kuwarto pagkatapos kong kumain ng miryenda.
___

"Yeah, I know G." I grumbled getting up. "Let's see next week maybe maka-oo na ako kay Sky." Napunta kase usapan namin sa pag-aya uli sa akin ni Sky lumabas next weekend.

"Alright. Anyway baba ko muna etong phone kuha lang ako ng maiinom sa baba."

8:30 na pala.

Sinilip ko muna ang room ni Crissan kung nandito na eto bago bumaba. Rinig ko na agad ang malakas na music neto sa loob kaya hindi ko na eto kinatok pa. I wonder kung paano eto nakakapag-aral sa sobrang lakas magpatugtog.

Naabutan kong naghahain si Mama ng mga niluto sa table. Tinulungan ko etong maglagay ng plates at mga baso, tinungo ko na rin ang ref para kumuha ng maiinom.

"Where's Pa?" Tanong ko dito after uminom, usually kase dito eto tumatambay sa kitchen kapag malapit nang magdinner.

"Dumiretso sa study room. May problema ata sa supplier ng isang branch."

Tumango tango lang ako at ipinagpatuloy ang pag-inom. Ilang sandali pumasok si Tita Angel galing sa labas at bakas sa mukha neto ang pag-aalala.

"Nacontact mo na ba si Franki?" Salubong agad ni Mama sa kanya.

"Hindi sinasagot eh. Ring lang ng ring. Tinawagan ko na nga rin sina Maza and Kiara kaso hindi raw nila kasabay umuwi. Ayaw magpahatid at sinabing may pupuntahan pa raw."

Bigla akong natigilan sa narinig ko. Wala pa rin si Franki?

"Hindi ba sinabi kung saan? Baka may date or something?" Tanong naman ni Mama na may halong biro para marelax siguro si Tita Angel.

Napatawa naman ng bahagya si Tita Angel. "Walang boyfriend yun. Baka nga pagmomongha kunin eh. Wala naman kasing crush man lang ang batang yun."

Maybe you're wrong Tita. Teka, bakit parang naging interesado ako sa usapan?

"Ganyan talaga mga teenager ngayon masyadong malilihim katulad na lang yang si Diana." Parang nag eye-spy pa si Mama sa akin.

Nagkibit-balikat na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Minsan kase si Mama kapag may gustong ipprove na theory kahit magdamag pa ang usapan.

Tita Angel decided after a while na mauna na kaming kumain dahil sabay na lang daw sila ni Frankie pagkadating neto.

"Wala pa rin?" Agad na tanong ni Papa nang pumasok uli sa loob ng bahay si Tita Angel. Kanina pa eto pabalik-balik sa labas, sinisilip sa labas ng gate ang anak.

Mukhang nilalamig na rin si Tita dahil nakita kong hinihipan neto ng bibig ang mga nakabukang palad.

"Wala pa rin nga eh. Unattended na cellphone niya. Sa'n na kaya eto? Kinakabahan na nga ako Robert. Nagpapaalam naman kase yun kung gagabihin."

Hindi na tinapos ni Mama ang paglalagay ng mga tirang ulam sa ref, agad netong dinaluhan si Tita Angel at niyakap ng mahigpit.

"Huwag muna tayong mag-isip ng kung anu-ano. Okay lang si Franki. Uuwi rin yun." Halata sa mukha ni Mama na nagwoworry na rin eto ngunit kailangan niyang palakasin ang loob ng kaibigan.

Where are you Franki? Bakit parang nakokonsensiya ako na hindi man lang eto chineck bago ako umuwi?

No, wala akong kasalanan at hindi ako pwedeng makaramdam ng kahit anumang guilt.

Narinig ko sa kanila na sa labas sila maghihintay kay Franki kaya agad kong tinapos ang aking hinihugasan na pinagkainan at sumunod sa kanila.

"Ma, labas lang po muna ako. Nagpapabili kase si Crissan ng Yakult." Sakto namang lumabas din si Crissan at narinig ang sinabi ko.

"Diana madami pa-," agad ko etong pinandilatan para matigil eto sa sasabihin sana.

"Papabili ka ng Yakult right?" Sinenyasan ko etong tumango na lang. Go with the flow.

"She's right Ma."

Nakahinga ako ng maluwag nang sumunod eto sa akin kahit alam kong sobra etong naguguluhan. She had now her arms crossed telling me na kailangan niya ng paliwanag pagbalik ko.

What are you even doing Diana?

"Alright. Bilisan mo lang at bumalik agad. Baka pati ikaw mawala din."

Isang tango lang ang sinagot ko kay Mama at agad akong lumabas ng gate para puntahan ang bukas pa na convenience store sa mismong tapat ng gate ng village.

Umupo ako sa mga bakanteng upuan habang tinitingnan ang mga taong papasok ng village. Nakaramdam ako ng lamig at nainggit sa mga taong nakaupo't humihigop ng mainit na noodles.

Where are you Franki?

Sampung minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin eto sa mga taong dumaraan. Kailangan ko na ring umalis at baka magworry pa sa bahay kung pati ako ay wala pa.

Pumasok pa rin ako sa loob ng convenience store para bumili ng Yakult dahil magtataka lang si Mama kung wala akong bitbit neto. Kumuha ako ng isang bote at pumila sa cashier.

If I were Franki, where should I be right now?
Think Diana
.

"Yes, I'm going home na." Napalingon ako sa taong nagsabi nun. He's talking to his phone at may bitbit rin etong bote ng yakult.

Agad akong umalis pagkabayad at tumakbo sa bus stop. Sakto namang may nakahinto kaya agad akong sumakay dito.

I think I know where Franki is.
___

If not for Papa, hindi ko matatandaan ang lugar at bahay nina Franki. It was situated at the farthest area of the subdivision and no public transport ang pumapasok sa loob nun. Kahit malamig, pinagpawisan pa rin ako sa layo ng nilakad ko from gate one hanggang dito sa harap ng bahay nila.

I remembered when Papa and I used to visit this house, lagi akong naaamazed sa sobrang ganda ng bahay. They even designed it like sa theme ng Disney nung bata pa si Franki. Very lively, unlike now na madilim at walang buhay ang makikita mo. May malaking karatula ding nakalagay ng pangalan ng bangkong nakakuha dito ngayon.

Nawalan ako ng pag-asang nandito ang taong hinahanap ko dahil walang bakas na may pumasok sa loob. Nakalocked ang gate at masyadong mataas ang pader para akyatin eto. Kanina pa ako pasilip-silip sa bahay ngunit wala talaga akong makita kahit anino ni Franki.

Where are you Franki?
Please, magpakita kana.

I decided to go home dahil baka matiyempuhan ako ng mga nagrorondang guards. Mahigpit pa naman sila dito lalo na sa mga outsider. With one last look humakbang na ako paalis sa dating bahay nina Frankie nang may maalala ako.

Flashback:

"Franki, where are you going?" Tawag ko dito ng bigla na lang etong tumakbo papunta sa may gilid ng bahay nila. Isinama kase ako ni Papa dito kina Tito Robert at kanina pa kaming naglalaro ng bike ni Franki sa labas.

"Halika Diana, I'm going to show you something." Lumingon eto sa akin sabay hila sa aking kamay at sabay kaming pumunta sa gilid ng pader ng kanilang bahay.

Medyo may kaliitan si Franki at her age na eight years old kaya lihim akong natatawa dahil halos hindi ko na eto makita pa sa mga talahib na dinadaanan neto. Bakante pa kase etong katabing lot ng bahay nila na pulos talahib ang tumutubo.

"San ba tayo pupunta? Baka may ahas dito hah."

Hindi ako nakatanggap ng sagot mula dito dahil nakita ko etong lumuhod at parang may ginagalaw sa pader.

"Franki stop it. Masisira pader ninyo." Nakita ko kaseng binabakbak neto ang semento at laking gulat ko na lang na butas iyon nang matanggal niya na. Don't tell me..

"Ginawa eto ni Daddy for me para daw meron akong secret gate when I'd like to play outside kung ayaw akong payagan ni Mommy." Medyo istrikto kase Mom ni Franki.

"Kaya don't tell my Mom hah. Tara Diana." Nakita ko na lang etong gumapang sa butas na papasok sa loob ng bahay nila.

End of Flashback:

Hanggang ngayon naaamazed pa rin ako habang tinitingnan ko ang butas pagkapasok ko sa loob. Nasa tagong lugar ginawa ang lagusan, pinalibutan ng mga halaman kaya hindi talaga mapapansin eto.

I breathed a big sigh of relief when I noticed her sitting on her favorite chair just beside their big wide pool. I remembered that it was the same chair na pinag-agawan namin noon. Naunahan ko kase siya dito at laking gulat ko na lang ng bigla akong hilahin neto paalis at eto ang prenteng umupo. Sa kaniya raw iyon.

What a brat!

Ngayon ko lang naramdaman ang pagod nang umupo ako sa tabi neto. I know nabigla eto dahil nanlaki bigla ang mga mata pagkakita sa akin. Agad din netong pinunasan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata neto. Naghintay ako ng sasabihin niya ngunit tulalang nakatingin lang eto sa akin.

Gusto ko etong pagalitan sa ginawa netong pag-alis ng hindi nagpapaalam. Gusto kong sabihin dito na pinag-alala niya masyado si Tita Angel, gayundin si Mama at Papa.

Pinag-alala niya ako.

Ngunit nanatiling nakatikom lamang ang aking bibig habang malaya kong pinagmamasdan ang animo'y nagkikislapang tubig ng pool habang nasisinagan ng buwan.

Naramdaman ko na lang ang paghilig ng ulo niya sa balikat ko at pagkuha neto sa kanina ko pang bitbit na bote ng Yakult. Hinayaan ko na lamang iyon at sa ilalim ng buwan malayang inilabas neto ang mga damdaming kinikipkip sa dibdib.


























Hate that I love youWhere stories live. Discover now