Chapter One

896 23 0
                                    


Chapter One

Franki POV

Omg! Where am I? Bakit ako nagtatago sa puno ng Cherry Tree sa gitna ng soccerfield? Hindi ako makapaniwala na nandito uli ako sa loob ng school. Alam ko, kanina pa ako hinatid ni Kiara. So, why I'm here? May naiwan ba ako? Bakit parang kinakabahan ako?

Isang nakabibinging tunog ang aking narinig na animo'y mga yabag na papalapit sa akin. Laking gulat ko na biglang lumabas ang mga higanteng notebook, chalkboard, ballpen at iba pang gamit sa eskwela papunta sa kinaroroonan ko. Halos lumuwa mata ko ng biglang lumabas ang higanteng mukha ng terror na teacher namin kanina sa Calculus. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Sobrang takot na ang aking nararamdaman lalo na nang makita kong malapit na sila sa akin.

Isang nakabibinging sigaw na lang ang nailabas ko nang hindi pa rin ako makaalis sa lugar na iyon.

"Aaahhhhh"

Agad akong napabalikwas sa tulog habang yakap yakap ko pa rin si Kiwi Pillow ko. Ramdam ko pa rin ang sobrang takot na naranasan ko at naramdaman ko ang tagiltil na pawis na lumalabas sa aking katawan. Aabutin ko sana ang baso ng tubig sa kalapit na drawer ngunit pawang mga notebooks at ballpen lang ang nakalagay doon.

Thanks God, panaginip lang ang lahat. Mga ten times ata ako nagsign of the cross sa sobrang tuwa. Come to think of it, sinusumpa na rin ata ako ng mga gamit ko sa school at pati sila lumalabas sa panaginip ko. Kaloka. Tiningnan ko ang orasan, hay life, 2am pa lang. For sure malilate na naman gising ko neto bukas, I mean mamaya. Hirap pa naman akong makatulog uli.
___

"Good morning honey", narinig kong bati ni Papa pagkababa ko sa kitchen. As usual nagbabasa na naman sya ng dyaryo habang hinihigop ang black coffee na tinimpla nya kanina pa at lumamig na for sure. "Rough night?"

"Morning Dad", maikli kong sagot sabay halik sa pisngi nya. Nagtimpla na rin ako ng hot chocolate para sa akin sabay upo sa harap ni Dad. "Wala pa si Mom?"

"Di kana nasanay. Umuwi sya kagabi then around midnight tinawagan uli sa hospital. Emergency ata dun sa isa nyang pasyente."

Tumango tango na lang ako. Ganyan routine namin dito sa bahay. Bihira lang na pagtagpuin schedule naming tatlo lalo na sa umaga. Usually kami lang ni Dad nagkikita sa buong Linggo dahil on call lagi si Mom. Chief surgeon na sya sa pinagtatrabahuang government hospital. Minsan naman buong linggo na hindi ko sila nakikita. There were times kase na nasa abroad si Dad for seminar or full blast project nila at hindi sya pwedeng umuwi. Although at times nakakalungkot pero never ko pa rin ipagpapalit parents ko. Ramdam ko kahit wala man presence nila yung love nila sa akin di mapapantayan.

"Dad, sigurado po ba kayong anak nyo ako ni Mom at hindi anak sa labas?" Hindi ko ulit mapigilang hindi maitanong dito. I think I ask them with the same question around 50times na. Minsan pa nga napipikon na eto kapag tinatanong ko ulit.

"Frankie, how many times do I have to answer that ridiculous question of yours?" Sabay lapag sa binabasa netong newspaper. "You are my child whether matalino ka man sa school or kahit pasang awa pa man grade mo."

"But Dad, how come kahit one percent ng talino nyo ni Mom wala man lang napunta sa akin?" Paghihimutok ko.

"Saan ba kase nanggagaling yang tanong mo? Parang netong maghighschool ka lang nagsimulang magtanong ng ganyan. Meron bang nambubully sayo sa school?" Sunod sunod netong tanong pero sa mahinahon pa rin na boses. Ganyan si Dad kahit sobrang galit never ko pa syang narinig magtaas man lang ng boses.

"Curious lang. Ang talino nyo eh, samantalang ako bopols. Ang unfair."

"Dont ever call yourself that term na bobo. Walang taong pinanganak na bobo Frankie. Kulang ka man sa talino pero anak napakalaki naman ng puso mo. Yan pa lang sapat na." Sabay kindat sa akin. Magaling talagang maglift ng spirit si Dad. "Wag mo rin kalilimutan na nagmana ka ng kagandahan sa iyong ina."

Kaya super love ko etong si Dad eh. Lagi nyang pinapagaan ang pakiramdam ko. Swerte talaga ni Mom sa kanya. Swerte din ni Dad kay Mom. Ako kaya? Magiging swerte rin sa love?

After naming mag-almusal agad na rin akong naligo at nagready for school dahil baka maiwanan ako ng bus. Hindi kase ako masusundo ni Kiara dahil sa ayaw na namang umandar ni Clark Kent. Gusto na rin sana akong bigyan ni Dad ng kotse kaso ako etong umayaw. Takot akong magdrive at isa pa baka hindi rin ako pumasa sa exam pagkuha ng drivers license. Laging pumapasok sa isip ko na isa akong bobo at ayaw kong madisappoint.

Bobo man pero isa ako sa maituturing na early birds dahil lagi akong nauuna dito sa school. Gaya ngayon halos mabibilang mo pa sa daliri ang mga estudyanteng nandito na. Never pa akong nalate kahit maysakit pa ako. Never din akong umabsent. I have perfect attendance dito sa Oakland High from first year until now. Siguro dahil doon kaya nakakapasa ako. Nakakahiya naman diba sa akin kung ibagbagsak pa nila ako. Haha.

One of the nicest things dito sa school kapag ganito kaaga kang darating is having the opportunity to feel the soft breeze of the air sabayan pa ng mahalimuyak na amoy ng mga nakatanim na pine tree. Para kang dinuduyan sa saliw ng tugtugin ng mga ibong nag-aawitan. Animo'y nasa gitna ka ng kagubatan. Malayo sa ingay ng lungsod at dinadalang mga problema.

Sa mga oras ding eto nasisilayan ko ng palihim ang pinakamaganda sa aking paningin. Mas malaya ko syang napagmamasdan dito sa lihim kong pwesto sa loob ng school. Actually Sophomore days ko pa nalaman na ganito rin pala sya kaagang pumasok. Tahimik ko lang syang pinagmamasdan habang eto'y masayang kumukuha ng mga litrato na alam kong malugod naman na pinapaunlakan ng mga sari-saring bulaklak sa hardin ng school. How I wish I'm one those flowers. Dito ko rin nakikita ang masaya at hindi nagsusungit na mukha nya. Ewan ba, feeling ko sa akin lang naman sya masungit dahil never ko pa syang nakitaan ng ganun sa iba. Lagi lang syang nakapoker face.

"Sus, baka matunaw na yang tinititigan mo." Bigla akong napalingon sa likuran sa pagdating ni Maza. Agad ko syang binelatan pambawi sa pagkakahuli nya sa akin ulit.

"Wag ka nga. Maghanap ka rin kase ng tititigan mo." Pang-aalaska ko sa kanya. Ewan ko ba dito kay Maza never ko pang nabalitaan ang tungkol sa kanyang love life. Kung hindi kase aklat ang hawak eh maruming makina. Every weekend tumatambay eto sa talyer ng kuya nya kaya dun rin eto natutong magkumpuni ng sasakyan.

"Panggulo lang yan na love life na yan." Sagot neto na parang tuwang tuwa pa. "Ikaw, kailan ka ba titigil dyan sa crush mo? Pinahiya't binasted ka na nga never ka pa ring tumigil."

Agad akong napasimangot pagkarinig dito. Oo nga't pinahiya ako ni Diana during Freshman Orientation, binasted last year pero ewan ba at sya pa rin.

"Wag mo na nga sa akin ipaalala." Sabi ko sabay batok dito at tawa lang ang naging tugon ni Maza.

After ilang kulitan ay pumunta na kami sa may Gozun Hallway para doon hintayin si Kiara kung makakaabot eto sa 1st hour class namin. Halos nawawarningan nga eto every month dahil sa tardiness buti na lang nadadaan nya pa sa pakiusap. Maayos din naman kase grades ni Kiara. Ewan ko nga ba sa kanya kung bakit kaklase ko sya sa lowest class eh di hamak na mataas IQ nya at pwedeng pwede sya sa 2nd or 3rd section class. Iniisip ko rin kung baka dahil sa akin kaya ayaw nyang lumipat ng section pero ng tanungin ko 'boring daw kase sa mga matatalino' ang lagi naman nyang sagot. Well tama naman sya. Puro aral kahit nasa bahay, kaya hindi ko rin pinangarap maging katulad nila. Haha!

Thanks God hindi late si Kiara ngayon. Nakita na namin si haggard na Clark Kent papasok ng gate ng school. Napapasimpleng tawa na lang kami ni Maza dahil halatang may dinaramdam uli ang sasakyan neto.

"Wala na ba talagang lunas?" Tanong ko kay Maza. Sya kase ang nagchecheck up kay Clark Kent kapag nasa talyer eto ng kuya nya. Free service pwera na lang kung may bibilhin na pyesa na wala sa shop nila.

"Actually may chance pa naman sana eh. Kaso yung pyesa na kailangan medyo may kamahalan kaya ayun tiyaga tiyaga na lang sa weekly check up. Gusto ko na sana bilhan kase may sobra naman akong ipon na pera eh mapride naman tong si Kiara. Kesyo ayaw nya ng may utang."

"Haggard agad ang morning ko mga besh." Pagkadating agad ni Kiara. Halata ngang haggard na face nya. "Buti na lang nakisama si Clark Kent at nakarating pa kami dito. Sorry talaga Franki at 'di kita nasundo tuloy. Akala ko 'di na sya aandar kaya tinext kita agad."

"Sus, it's okay friend," sagot ko naman sa kanya. "Ramdam ko ang pinagdadaanan mo kay superhero mo." I teased her sabay kindat dito.

Sabay sabay na kaming pumunta sa designated room namin for the 1st hour class. Ganyan lagi routine namin sa umaga. Una naming hinahatid si Maza sa room nya kung saan kaklase nya ang mga Senior High Student. Yes, accelerated si Maza kaya graduating na sya this year. Matalino talaga friend namin. Easy easy lang sya lalo na sa mathematics. Halos AP class na nga kinukuha nya ngayon.

"May makakasilay na naman uli na isa dyan." Biro sa akin ni Maza nang malapit na kami sa room nya.

"Bakit Franki bitin pa ba yung palihim mong pagsilay kanina?" Si Kiara naman. Lagi na lang akong pinagtritripan netong dalawa kapag napupunta kami sa room nina Maza. Alam din kase ni Kiara ang gawain ko every morning, hindi nya nga lang ako masamahan.

"Wow Franki, everyday talaga hah?" Hay eto na naman uli ang walang katapusang asaran. Si Desmond yun, Desmond sa birth certificate pero Daisy ang tawag sa kanya. Sya ang dakilang gay ng Senior High 1st Class. Agad etong umalis sa kaharutan na mga lower class na boys pagkakita sa akin. Hindi dahil ilag sya or takot sa akin kaya umalis, ang dahilan lang naman is to announce sa whole class nila na nandito na naman ako. Classmate kase nila si Diana at well known sa buong Senior High ang pagkagusto ko dito. Mahabang story kung bakit.

"Classmates may I present to you the ever loyal faithful lover of the Senior High Goddess of the Oakland High, Franki Rusell." Nakoooo, ayan na naman sya. Napapatawa na lang ako dun sa lover na binanggit nya. Di ko na rin alam kung kinikilig ba sya sa mga pinagsasabi nya or talagang trip nya lang talaga.

Dahil nga eh halos araw araw nandito ako, kami ni Kiara, kakilala na namin almost lahat ng classmate ni Maza. Mapapansin mo agad na halos nakayuko sila sa silyang inuupuan, 'kala mo tulog 'yun pala nagbabasa or nagrereview. Halos walang ingay, eto lang ata si Daisy ang nakikipagdaldalan sa labas. Friendly naman sila dahil nginingitian naman nila ako lalo na nung nalaman nila na crush ko ang pinakamatalino sa buong Senior High.

"Good morning Franki"
"Blooming ulit si Franki oh!"
"Nice dress Franki!"

Sunod sunod na rinig ko after ng announcement ni Daisy. Unti unti na ring namumula ang mukha ko lalo na nang papalit palit sila ng tingin sa akin at kay Diana na patuloy pa rin na nakayuko, abala sa binabasa. Katabi neto ang dalawang bestfriend na halos kasing ugali din nya. Silang tatlo nga lang talaga ang hindi pumapansin sa akin.

"Guys, may sasabihin ata si Franki kay lover nya. Yieeeeh." Si Daisy ulit habang naka cross-legged na upo sa table ng teacher nila. "What now Franki? Dali! Nauubos na ang kilig ko sa bones." Agad ko etong pinandilatan ng mga mata.

"Go say Hi na sa iyong lover", pangungumbinse rin ni Maza habang patawa tawa at pumasok na sa loob ng room. "Mukha namang good mood si lover".

Good mood means hindi ako papansinin. Maswerte na kung tingnan ka nya. Mas okay na rin yun kesa naman pansinin nga kaso katakot takot naman na pagpapahiya. Mas masakit kase marinig mo yun sa taong gusto mo. Tagos sa heart.

Ewan ba today at parang may lakas ako ng loob para batiin sya kahit may parang bumubulong sa akin na mapapahiya na naman ako.

I cleared my throat at pasimpleng pumihit sa pintuan at pumwesto. Bahala na nga si Batman.

"Hi Diana. Uhm, I hope you will have a nice day today! Kain ng madami. Huwag magpagutom!"

Pinagpawisan ata ako. Agad namang umingay sa loob ng classroom. Nakita ko pa nga si Daisy na sumasayaw na parang ewan kasama nya ibang boys na animo'y nagchicheer pa. Yung iba pangiti ngiti pa habang tumigil muna sa kanilang binabasa. Pero yung binati parang bingi at walang pakiramdam sa nangyayari sa kanyang paligid. Himala nga yung isang best friend nya, si Gazini napatingin. Ano kayang nakain?

I decided to go kase aabutin ng siyam siyam kung hihintayin kong pansinin ako ni Diana. Asa pa ako. Sabi ko nga okay na rin yun atleast nasabi ko na ang gusto kong sabihin dito. Bigla akong napatigil sa paghakbang paalis nang mapansin kong sinisiko ni Gazini si Diana at parang may binulong pa dito. Agad lumubo ang puso ko nang mag- angat ng tingin si Winter at tumingin sa kinaroroonan ko. My God, tingin pa lang nya parang heaven na. Agad napatigil ang mundo ko nang agad etong napatayo at naglakad sa kinaroroonan ko. Omg! Mamamatay na ata ako. Sa kilig.

Parang biglang tumahimik ang lahat pagkakita sa kanya at animo'y pelikula na sinundan ng tingin ang bawat galaw ng bida. Susmaryosep! Mas lalo pang trumiple ang saya ng puso ko nang dahan dahan etong ngumiti at parang nahihiya pa. Baby dont be shy. Ako lang to si Frankie, your ever loyal and faithful lover. Napagaya tuloy ako kay Daisy. Eh kase ba naman never nya pa akong nabigyan ng ngiti. Today lang kaya overload to the max talaga ang kilig na lumalabas sa aking katawan. Agad ko syang sinagot din ng pagkatamis tamis na ngiti. Sabi nga nung mga bata sa pinagvovolunteer-an kong ampunan, ang ngiti ko raw ang pinakahanap hanap nila. It brings more joy to them. Kakaiba daw. Naks.

Malapit na sya. Hinahanda ko na ang sarili ko na 'wag syang biglain kung sakali mang kausapin ako. Baka kase mabigla kung agad agad kong yakapin diba?

"Your back. It's so nice to see you again."

Ano daw? Eh hindi naman ako umalis eh. Takang tanong ko sa sarili ko dahil iyon ang lumabas na mga salita kay Diana.

"Da-,"

Naputol ang aking sasabihin sana nang lagpasan neto ako at nagpatuloy lang sa paglabas ng pintuan. Biglang naputol ang ngiti ko at agad pinamulahan ng mukha. Spell a-s-a. Agad na hinanap ng mga mata ko kung saan talaga eto pupunta ngunit agad ko namang pinagsisihan dahil kitang kita kong kinuha neto ang isang kumpol na bulaklak mula kay Sky ang Vice President ng Student Org. kung saan Adviser si Diana. Naalala ko nag OJT pala eto abroad at kababalik lang siguro. Agad na binalot ng lungkot ang kanina ay nasisiyahan kong puso nang makita kong binigyan pa ng halik sa pisngi si Diana bago eto tuluyang nagpaalam. Bakit sila ba? Nagngingit-ngit ang kalooban ko nang bigyan uli eto ni Diana ng pagkatamis tamis na ngiti bago bumalik sa inuupuan nya. Sadyang bumunggo pa eto sa kanang balikat ko. Parang madudurog ang puso ko sa ginawa nya. I can't help but to cry ngunit hindi ko dapat ipakita sa kanya iyon. Ayokong makita nyang nagwagi na naman sya sa pagpapahiya sa akin.








Hate that I love youWhere stories live. Discover now