Chapter Sixteen

1.5K 53 49
                                    

Chapter Sixteen

Franki POV

"That would be ninety seven and fifty cents little boy," nakangiti kong sabi dito sa regular customer ko na napakacute na bata. He's only eight I think.

"I'm not a little boy anymore Miss Franki," he groaned while handing the One hundred bill. "Crush nga kita diba?"

Napaka-straight forward na talaga ng mga bata ngayon. Natatawa na lang ako habang binibigay dito ang kaniyang sukli. May pahabol pa etong flying kiss bago umalis and as usual nag-iwan ulit eto ng lollipop para sa akin. Chupa chups haha.

"Naks naman talaga Miss Franki," Jessica suddenly approached the cashier's booth. A big grin on her face. "Daming admirers huh, pati bata."

I laughed at her ridiculous observation. Si Jessica talaga. Kesyo daw mas dumami ang bumibili at tumatambay dito sa store simula nang maging cashier ako. Tinatawanan ko na lang dahil hello, hindi naman ako kagandahan para pag-aksayahan nila ng oras.

"Sayang lang talaga Miss Franki, kung forever kang cashier dito for sure magsasara ang 711 sa kabilang kanto dahil mahahatak mo customer nila." Sabi pa uli neto habang inaayos ang pagkakasalansang ng mga paper cups. 'Buti na lang talaga, nasa labas ibang mga customer at walang nakakarinig sa pinagsasabi niya. Nakakahiya kaya haha.

"Ikaw yung masasabing babae na lubos na pinagpala."

Ano ba Jessica, humahaba na tenga ko.

"At wala ka pang boyfriend sa lagay na yan hah? Nakooo... kaya siguro over protective sayo si boss."

Hanudaw? Si Diana?

Nais ko pa sana etong tanungin about dun sa sinabi niya kaya lang biglang pasok naman ng isang grupo ng customer. Naging abala na kami pareho sa nakatoka naming trabaho.

But still... the thought invades my mind. Lalo na ngayon na medyo okay na kami? Hay she definitely drives me crazy. Kahit pa kilala ko na siya since we're five years old, discovering Diana was still like a roller coaster to me. But it excites me more to unveil her totally.

I knew something has changed this past few days. Tama nga si Dad noon, he said one time that all good things are worth waiting for, and I hope that this... is the beginning.

Nawala man si Dad pero pumalit naman ang isang pamilya who gave us their whole heartedly love and support. They even accompany us kanina nung binisita namin puntod niya sa sementeryo. It definitely dampen my mood pero dahil sa isang panyo na binigay ni Diana, the act lifted up my spirit incredibly.

Naoover na nga ako sa kilig sa mga kinikilos ni Diana ngayon. Marunong na siyang magthank you kapag binibigay ko yung naprepare kong baon niya. Lagi kaming sabay umuwi kahit pa closing ang shift ko, naghihintay lang siya sa taas. Minsan pa nga sabay kaming maglunch sa office niya kapag wala siyang meeting sa labas. Oh diba?

Gusto ko na talaga siyang sagutin sa totoo lang haha. Naman Franki, nanliligaw ba? Masyado siyang sweet na feeling ko ang dami ko nang langgam lalo na nung isang araw.

Flashback:

"Wow Ma, what's the occasion?" Halos sabay pang tanong nina Diana at Crissan after naming makita ang mga nakahain sa mesa. Merong baby back ribs lechon, steamed lapu-lapu, dimsum, bacon fried rice and vegetable salad. Wow nga!

"Dumating na kase ang Papa niyo galing Singapore. Alam ninyo naman kapag natutuwa ang Nanay niyo, napapaluto."

Three days din kaseng wala si Tito Robert dahil sa business meeting neto sa Singapore.

Hate that I love youWhere stories live. Discover now