Chapter Nineteen

527 32 15
                                    

Chapter Nineteen

Diana POV

"Can you atleast talk to me?"

Inis kong baling dito sa kasama ko sa loob ng kotse. I thought after what happened, after ng magical moment, I thought everything would be okay. Na babalik na siya sa dating Franki, yung makulit but it doesn't happened. I must have imagined it yung nangyari kanina habang nakatingin kami at magkahawak kamay sa ilalim ng fireworks. Nakakainis na. Ano pa ba dapat kong gawin?

"Hindi mo ako driver kaya pwede bang kausapin mo ako para hindi ako makatulog?" Untag ko uli dito sabay busina kahit wala namang kasalubong na sasakyan o tao man lang na tatawid. It was almost midnight, we're two hours away bago marating ang main highway at nakakangalay na rin magdrive tapos hindi ka pa kakausapin ng kasama mo. I stiffled a fake yawn kahit sa totoo lang buhay na buhay pa ang isip at katawan ko.

"What's there to talk about?" Finally, I heard Franki asked, staring in bored disbelief at me.

Madami tayong pag-uusapan Franki. Napaikot na lang ang mata ko sa naging sagot neto sa akin. Like, really? Mas lalo pa tuloy na rumaragasa ang inis ko dito. Napabukas tuloy ako ng bintana ng kotse para kahit papano baka lumabas ang kanina pang inis na nabubuo sa dibdib ko.

Nakarating kami sa main highway nang walang imikan dahil hindi na rin ako nag-abala uling kausapin pa eto. At hindi rin eto nag-abalang kausapin ako. Lanterns and blinking lights were lined up on the street as Christmas day is on its way, and its vibe should be giving us happiness, contentment pero baliktad pa ata. Parang nang iinsulto pa nga eto sa kung anuman ang nararamdaman ko ngayon.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Sister Anne? About forgiveness?" I asked after I made a left turn papasok sa loob ng aming village. Tiningnan lang neto ako at muling itinuon ang paningin sa bintana. "Hindi man lang ba yun tumatak sa isipan mo?"

"Ano ba talaga ang kailangan mo Diana? I'm tired kaya please lang ayoko munang makipag-usap ngayon."

My blood boils and my stomach was queasy after hearing her response. This can't be right. I parked the car few meters from our house and made sure to lock the doors dahil ayokong matapos etong gabi na 'to na hindi kami mag-uusap na dalawa. I don't know why I'm in a panic mode. If only Franki's be more reasonable and cooperative pero hindi eh. Sinasagad na niya ang pasensiya ko.

"Unlock the door Diana." Narinig ko pang sabi neto after she realized what I did.

"No. We need to talk."

"Then talk Diana."

Halos mamuti na ang aking mga kamay sa sobrang higpit ng hawak ko sa manibela. I've never been good in controlling my emotions, I'm past the point of being upset kaya't sana makipagcooperate na lang si Franki.

"Never in my life would I do something like this Franki. Ano pa ba dapat kong gawin huh? If you would just tell me that would be great, then I can save myself the trouble of trying to do something nice for you when you don't even care about it."

"Nice? Wow, coming from you talaga Diana? Do you even know the meaning of it?"

"Because the last time I checked, you being nice to me, you showing that you care for me.. were all just fake. You deceived me."

"And this time huh.. ano na naman plano mo? Ang hirap mong intindihin. Durog na durog na ang puso ko Diana, break muna okay? Because I don't think kakayanin ko pa."

"Just because I have feelings for you, doesn't mean you can play with my feelings too. I wish I could wish this away.. para matahimik kana. Na maayos uli reputation mo dahil diba nakakababa naman talaga ng moral na ang isang katulad kong bobo magkakagusto sa.. sa isang katulad mo na tinitingala at hinahangaan ng marami sa school."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hate that I love youWhere stories live. Discover now