Chapter Six
Franki POV
I couldn't sleep. I just kept on staring at the white ceiling of our room. Kanina pa mahimbing ang tulog ni Mom pero ako ni hindi dalawin ng antok man lang. There were so many questions na pumapasok sa utak ko. Ang daming what if's.
What if buhay si Dad? I'm sure gagawa siya ng paraan para hindi kami mapaalis sa bahay.
What if hindi nagsusungit si Diana? Eh di sana masaya, mababawasan pa lungkot ko.Hay life. Naiisip ko rin na ang bobo ko na nga, ang malas pa ng buhay ko. Ang daya pa ni Dad. Nagpromise siyang sabay naming sasalubungin ang birthday ko. Next week na pala yun and I couldn't find myself to get excited. Mas lalo akong nalulungkot at kung pwede lang huwag nang dumaan pa eto.
I miss you so much Dad.
Kinabukasan maaga pa rin akong nagising. Agad akong naghanda sa pagpasok sa school. Pagkakataon ko na sanang makasabay si Diana pagpasok pero A-S-A naman ako. Kailangan ko rin sundin ang rules na sinabi niya kagabi or else baka maging nightmare pa pagtira ko dito.
Nakahanda na ang mesa pagkababa ko. Andun na rin si Mom na abala sa paglalagay ng mga plato at si Tita Angel na nagtitimpla ng kape. Tutulong na rin sana ako nang pakiusapan ako ni Tita na tawagin sina Diana at Crissan.
Omg! What should I do?
Parang naririnig ko pa ang sinabi ni Diana na rules na kailangan kong sundin. Never ko etong lapitan dito man o kahit sa school. Gusto niya ba akong maging invisible?
Tarantang pumanhik ako sa itaas para sundin ang iniuutos ni Tita Angel. Sobra-sobrang talino naman kase ni Diana at yun pa ang rules niya, eh dito nga ako nakatira? Masyado akong pinapahirapan ng babaeng yun. Nagngingitngit ang kalooban ko habang papunta sa room neto.
Ano ba ang gagawin ko? Kanina pa ako palakad-lakad dito sa harap ng pintuan niya. Mag-isip ka Franki kahit bobo ka. Pinupokpok na rin ng kamay ko ang ulo ko para maka-isip ng paraan.
Tama! May naisip akong paraan na alam kong hindi ikagagalit ni Diana. Dali-dali akong pumunta sa room namin at kumuha ng bondpaper at pentel pen. Isusulat ko na lang ang inutos sa akin ni Tita at ilulusot ko na lang sa pintuan. Wohoooo. Bobo man maparaan naman. Napapa-palakpak pa ako habang nagsusulat sa papel.
Agad kong inilagay sa ilalim ng pinto at inilusot eto sa siwang para mapansin agad. Dali-dali akong bumaba at baka maabutan pa ako nila Diana. Sinabi ko na lang kay Tita na pababa na sila at saka ako umupo sa tabi ni Mom. Hindi ko na rin eto tiningnan pagkaupo sa mesa dahil alam kong titingnan lang neto ako ng masama. Marami pa namang paraan para masilayan ko eto kahit sa malayuan.
Exam pala namin ngayon? Para akong maiiyak nang marinig kong nagtanong si Tito Robert tungkol dito kay Diana. Patay! Kung dati nga na nakakapagreview ako pasang awa pa nakukuha ko, ano na ngayon na walang review man lang? Muntik pa akong mabulunan nang tanungin ako ni Tita Rowena about sa pag-aaral ko. Pwede change topic? Hindi ba pwedeng yung attendance ko na lang tanungin nila? Dun lang talaga ako bumabawi eh.
Hindi pa nga ako nakakamove-on sa topic biglang narinig ko naman ang suggestion ni Tito na magpatutor kay Diana. Lolobo na sana ang puso ko dahil mas malalapitan ko eto ngunit agad etong napalitan ng lungkot nang makita ko ang pagtutol sa mukha ni Diana. Kahit nakangiti eto alam kong labag eto sa kalooban niya kaya ako na mismo ang tumanggi kay Tito kahit pa nga yung suggestion ni Tita na sumabay sa magkapatid tinanggihan ko na rin. Ayaw ko lang na ako ang dahilan sa pagkasira ng araw ni Diana, eh kaso hindi lumusot yung dahilan ko kaya napilitan tuloy akong sumabay sa kanila pagpasok sa school.
Nauna na etong naglakad papunta sa bus stop, kasunod lang neto ang kapatid na hindi rin maitimpla ang mukha. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa. Halos magkapareho ang ugali nila, parehong mainitin ang ulo. Dali-dali akong naglakad para masabayan sana si Diana ngunit laking gulat ko nang harangin ako ni Crissan. She stopped walking and faced me. Seryoso, ten years old lang talaga siya? Nakakatakot kase etong tumingin.
YOU ARE READING
Hate that I love you
Fanfiction"Remember when I told you that I like you? That was a lie. I love you." Franki to Diana. This is a Frankiana story. Slow burn medyo kaya patience lang hehe. Hope you will like it.:)