Chapter Twelve

612 21 1
                                    

Chapter Twelve

Franki POV

"Yan okay na yan, tapos ilagay muna natin dito sa empty bowl dahil sobra naman kung iluluto natin lahat." Agad ko namang ginawa ang inutos ni Tita Rowena.

Kasalukuyan kaming nasa kusina at katatapos lang namin gumawa ng Chicken Cordon Blue or should I say si Tita Rowena lang halos gumawa dahil hindi ko talaga hilig magluto. Favorite daw kase ni Diana iyon. Dapat daw alam ko anong mga paborito ng anak niya. Oh diba, lakas ko kay mother in law haha.

Termbreak officially started kaya maginhawa sa pakiramdam na bukas hindi kami magkikita ng school. For two weeks yun hah, kaya ang saya lang. Iniisip ko na nga kung ano-ano mga gagawin ko sa two weeks vacation pero top priority ko ang kumuha ng sideline. Sayang din naman kung mabuburo lang ako dito sa bahay. Buti sana kung pipirmi din sa bahay si Diana eh dinig ko kase mukhang magtatrabaho din eto sa company ng papa niya.

"Sauce na lang gagawin natin then pwede na tayong maghain. Pauwi na rin yun si Diana at si Tito mo."

Pinapunta kase kanina si Diana sa opisina ng Papa niya dala ang mga documents na inutos neto.

"Bukas turuan naman kita kung paano gawin ang kape ni Diana," dugtong pa ni Tita.

Napatango na lang ako. Hindi ko mawari kung good news or bad news etong ginagawa ni Tita, knowing na involved ang anak niya dito. Baka mas sungitan ako lalo although I admit medyo nabawasan ng konti after namin umuwi galing resort last week.

Akala ko nga rin katapusan ko na ng biglang sumulpot dito sina Kiara and Maza nung isang araw. Grabeh dasal ko nun habang pauwi ng bahay kase diba isa yun sa mga rules niya. 'Buti na lang talaga medyo good mood siya at mukhang naniwala naman nung sinabi kong wala akong alam na susundan pala nila ako dito sa bahay.
_____

Kinabukasan nga pagbaba ko pa lang ng kitchen kanina pa pala naghihintay si Tita Rowena sa akin para turuan nga akong gumawa ng kape ni Diana at paborito netong almusal. Lakas maka-wifey ng peg haha.

"Tita huwag mo na lang po munang sabihin kay Diana na ako ang nagtimpla netong kape." Pakiusap ko kay Tita Rowena after kong mailapag ang umuusok pang kape sa mesa.

"Bakit naman? Nakakakilig kaya kayong dalawa."

Lakas maka-fan ni Tita.

Napakamot na lang ako sa ulo,"Baka po kase hindi niya inumin."

Natawa lang eto, "I know my daughter, gusto ka rin nun, papakipot lang."

Muntik ko nang maisubo ng buo etong hotdog na kagat kagat ko sa naging sagot ni Tita. Ang awkward ng scene, I know hehe.

Binaba ko muna ang kinakain kong hotdog na sunog bago muling nagsalita. "Wala naman po talaga akong pag-asa kay Diana at tsaka hindi kami bagay."

"Why is that? Hindi mo naman kase ata nilalambing. Ikaw lang kaya-".

Naputol pag-uusap namin sa pagdating ni Tito Robert. Bagong ligo na eto at nakabihis na ng pang office attire.

"Good morning Love," sabay halik sa pisngi ni Tita na parang kinikilig pa. Inggit much.

"Oh Franki, ang aga mo atang gumising? Bakasyon nyo na diba?" Pansin ni Tito Robert sa akin habang inaayos ni Tita ang kurbata netong hindi maayos ang pagkakabuhol.

"Nagbabonding lang kami ng magiging manugang natin, Love." Si Tita na ang sumagot na ikinapula naman ng mukha ko. Gosh, Tita ano ba? Manugang? My gosh.

Sana magkatotoo pero gosh, asa pa more tsaka masyado pa kaming mga bata. Nu bah.

Halos same din reaction ni Mom kay Tito pagbaba neto sa dining area. Napapakamot na lang ako sa ulo sa ginawang paliwanag ni Tita Rowena na ikinatawa naman ng nanay ko. Nakakahiya din kaya.

Hate that I love youWhere stories live. Discover now