Chapter Eight

541 24 1
                                    

Chapter Eight

Franki POV

Naranasan mo na ba na sana hindi kana nag-eexist? Na kung pwede lang lumipad kana sa ibang planeta at dun na lang mamalagi?

Isang malaking buntung hininga ang pinakawalan ko habang tinitingnan ang mga nagkalat na crumpled paper na sadyang inilagay sa locker ko ng walang paalam. Minsan naman basura ang naaabutan ko. May vandal pa nga na hindi ko naman maalis at hindi na rin ako nag-abalang alisin pa. What for? Sinarado ko na lang ang locker habang nakatatak pa rin sa isip ko ang salitang 'Hudas' na nakavandal sa loob niyon.

Si Hudas daw ako? Oh diba san ka pa?

Tinungo ko na lang ang dalawang kaibigan ko na nakaupo sa damuhan malapit sa mga bleachers ng school. Silang dalawa na lang ang karamay ko dito sa loob ng school, well andyan din si Argel na full support pa rin despite sa nangyari.

"Meron pa rin?" Si Kiara tinatanong yung mga bagay na nakukuha ko pa rin sa loob ng locker ko.

Isang mahinang tango lang ang naging sagot ko dito. Kahit sabihin na nating nasasanay na ako pero nakakaramdam pa rin ako ng lungkot, nang panliliit sa sarili ko.

"Hug na lang kita Baby Franki. Huwag ka nang malungkot okay?"

Side hug ang ginawa sa akin ni Kiara at katahimikan ang namutawi sa aming tatlo. 'Buti na lang talaga simpleng tampo lang ang naramdaman ni Kiara sa akin. Almost three days niya rin kase akong hindi kinausap after nung bangungot na game na yun. Yes, bangungot dahil halos gabi-gabi akong pinapahirapan niyon. And then pagdating naman ng umaga another bangungot uli kapag andito na ko sa school.

Sobrang masama ba talaga ang nagawa ko?

Dahil daw sa isang halik nagawa kong ibenta ang sarili kong team. Halik ni Hudas nga raw. Nakakatawa kung iisipin dahil hindi naman ako yung humalik pero ako ang tinatawag nilang Hudas.

Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan namin ang mga P.E. students na kasalukuyang naglalaro sa loob ng soccerfield. Sa pag-ihip ng malamig na hangin ng Setyembre, hindi ko maiwasang hindi ayusin ang nagulong buhok ko ngunit nasalat naman ng aking daliri ang sugat na nagpapa-alala sa aking naging katangahan.

"Sumasakit pa ba yan?" Narinig ko ang nag-aalalang tanong ni Maza sa akin. Hindi ko pa rin kase inaalis ang kamay ko dito.

Umiling lang ako bilang tugon at parang biglang bumalik sa akin ang mapait na naging karanasan ko para magkaroon ako ng sugat sa kaliwang bahagi ng aking noo.

Yes, biktima ako ng bullying dito sa school. Kasalanan ko din naman dahil sa katangahang nagawa ko pero ang saktan nila ako ng pisikal parang labis naman ata? Ang sapilitang pagdala nila sa akin sa isang bakanteng silid at pagbato nila sa akin ng bola habang nakatali ang aking mga kamay, hindi pa ba kalabisan iyon?

Hindi ko sinabi kay Mom ang totoo dahil ayoko pang mag-alala siya. Halos isang buwan din akong umiwas makaharap sila lalo na si Diana. Mahirap dahil nasa iisang bubong lang kami pero nakaya naman sa daming alibi na ginawa ko.

"Ba't ba ayaw mong isumbong yung mga taong gumawa niyan sayo?"

Isang libong beses na siguro akong tinanong, kinumbinse nila na magsumbong pero panay iling lang ang naging tanging tugon ko. Malalaman ni Mom for sure at isa pa ayoko rin sa Student Org. dahil si Gazini ang President nun.

Buti pa yung section namin, tukso at tawa lang nakuha ko sa kanila maging kay Sir Theo walang galit o anuman mula sa kaniya. Kung sino pa yung mga bobo sila pa yung mas marunong umunawa at mag move on. Samantalang yung mga bright, bright less sa GMRC.

Hate that I love youWhere stories live. Discover now