Chapter Three
Diana POV
Flashback:
Matiyaga akong naghihintay ng bus na daraan sa village namin dito sa bus stop sa tapat ng school. I'm on my tenth grade sa Oakland International Middle School. While I'm busy listening to some pop songs sa aking headset, biglang lumabas sa paningin ko ang taong ayaw kong makita pa. Si Franki. What the hell is she doing here? Well, baka napadaan lang.
Agad akong tumayo nang makita kong paparating na ang bus. As usual punuan na naman dahil rush hour, uwian ng mga estudyante at mga taong galing sa trabaho. I hate this part of being commuter dahil sa amoy at pawis na halo-halo mong maaamoy sa loob ng bus.
Agad akong pumwesto sa may bandang unahan dahil hirap makapasok sa likuran sa sobrang siksikan. I mentally rolled my eyes when I noticed Franki, hindi kalayuan sa aking pwesto na nakikipagsiksikan rin halatang hindi sanay. Stupid. Alam ko kung ano na naman pakay neto.
Kahit mahirap, pinilit kong pumunta sa pinakadulo ng bus para umiwas dito. Sakto namang may isang pasaherong tumayo at nabakante ang upuan, agad-agad akong pumalit dito. Makakatulog na sana ako nang mapansin kong nagpupumilit si Franki na pumunta rin dito sa may dulong bahagi ng bus. Hay, kulit talaga. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata para hindi na uli eto mapansin.
Kung kailan naman kailangang ipikit ko ang aking mga mata naging pasaway naman etong katabi kong matabang lalaking tulog. Halos ibagsak na neto ang ulo sa aking balikat at kapag humihinto ang bus napapasubsob pa eto sa aking katawan. Napilitan tuloy akong dumilat para maharang ng aking braso at doon ko napansin na nasa mismong harapan ko nakatayo si Franki. Pinagpapawisan eto at halatang kanina pa nangangalay sa pagtayo sa loob ng bus. Agad etong ngumiti sa akin, 'di pinapahalata ang hirap na dinaranas. Stupid. Pumikit na lang ako uli at pumihit ng upo pausog sa harap para maiwasan ang natutulog na katabi.
Isang ideya ang nabuo sa isipan ko para matakasan uli eto. Alam kong bababa rin eto sa mismong bus stop na bababaan ko. Nang makita kong malapit na sa Maple Street agad akong tumayo at sumabay sa mga taong umuusog papalapit sa pintuan ng bus. Sinilip ko muna uli si Franki at nakahinga ako ng maluwag nang makita etong nakatayo pa rin sa dulo habang nakasandal ang ulo sa braso. Nakatulog marahil dahil nagsisway ang ulo neto. Stupid.
Agad akong bumaba pagkarating sa Maple Street. Halos dito rin ang baba ng karamihan kaya sinamantala kong magkubli sa mga taong kasabay ko. Actually sa next station pa sana dapat ang baba ko mas malapit kase iyon sa village. Mapapalakad tuloy ako ng malayo pero okay lang kase natakasan ko naman si Franki. Tumingin uli ako sa bus just to make sure at sa mga taong nasa baba na pero hindi ko eto nakita. I smiled mentally at nagsimula nang maglakad.
Pakanta kanta pa ako habang mabagal na nilalakad ang daan pauwi sa bahay. Malayang nililipad ng malamig na hangin ang aking mahabang buhok habang malungkot naman na nagpapaalam sa langit ang maliwanag na araw. Natatanaw ko na ang gate ng aming village nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.
"Diana!"
"Diana!"
"Diyanuhhh!"
Papalapit ng papalapit ang boses.
Tuluyang nawala ako sa mood at nakaramdam ng inis sa sarili. Stupid of me. Paano siya nakasunod? Well, hindi na ako magtataka pinaglihi ata eto sa pusa.
"Diana!"
Binilisan ko ang paglakad ngunit huli na dahil naabutan na ako neto at tumigil pa iyon sa mismong harapan ko. Tagaktak ang pawis at humahangos na animo'y kasali sa isang marathon.
"Grabe pinagod mo ako sa paghabol sayo," humahangos pa rin eto sa pagsasalita. "Bakit ba sa Maple Street ka bumaba eh sa next station pa dapat diba? Buti na lang napansin ko agad na wala kana nahabol ko pa ang pagsara ng bus."
"Hindi ko sinabing habulin mo ako." I answered in a serious tone. "Now, get out of my way para makauwi na ako."
Hahakbang na sana ako nang hawakan neto ang aking braso. I glared at her kaya agad rin netong binitawan.
"May sasabihin lang sana ako sayo Diana", she said after a while. Napansin kong parang nahihiya eto.
"So? What is it?" Tanong ko dito para matapos na at makauwi na.
"Hmmm, actually sa bahay ninyo sana balak kong sabihin." Pakamot kamot pa eto ng ulo at nagsisimulang pamulahan ang mukha.
"No." I answered irritably. "Bakit hindi kana lang dumiretso ng bahay at kailangan mo pa talaga akong sundan? Kung ano man iyong sasabihin mo, sabihin mo na."
Nakita kong napalunok eto sa sinabi ko pero agad ding nakabawi.
"Really Diana? Gusto mo talagang dito ko sabihin?" Tinuro pa neto ang malawak na daan. "Parang ano kase eh inappropriate."
I rolled my eyes at her. Inappropriate my ass! Nauubusan na ako ng pasensiya dito at bago pa man mangyari iyon humakbang na ako paalis.
"Diana wait lang," agad naman etong humarang. "Gusto lang kitang makasabay eh at tsaka may sasabihin kase nga ako sayo."
"What is it?" I demanded. I could hear my voice rising. "Ano ba etong sasabihin mo na parang napakaimportante at nagawa mo pa akong sundan?"
I continued. "Stop wasting my time Franki!"
Para etong nahintakutan pagkarinig ng boses ko.
"What?" I asked again. Mas madiin na iyon causing her to flinch.
"Ya-ya-yain sana kitang kumain sa labas." She said after a while. Her voice barely audible. Kinailangan ko pang ipaulit dito para maintindihan ko.
"Yayain sana kitang kumain sa labas Diana."
Yun lang sasabihin niya? Para kumain lang sa labas? Nakakairita talaga.
"Then lets go. Saan mo ba gustong kumain?" I immediately grab her hands. Kung iyon lang ang paraan para tumigil na eto, fine, gagawin ko na.
"Pumapayag ka talaga?" Tanong ni Frankie habang hila-hila ko ang braso neto. "Talaga Diana?"
Hindi ko eto pinansin at pinagpatuloy lang ang paghila dito.
"Like a date?"
"What?"
"Date. Yung pagkain natin sa labas." She answered back making me to stop and stared at her na parang nasisiraan na eto ng ulo.
"Date? Anong date pinagsasabi mo?" I asked irritably sabay bitaw sa braso neto.
"What? Answer me Franki!" Nanatili pa rin kase etong tahimik.
"I ask you out," nahihirapan pa etong sumagot. "For a date sana Diana."
Tiningnan ko eto kung mukha ba etong nagbibiro ngunit seryoso lang eto habang nakatingin sa akin at nakacross finger pa ang dalawang kamay.
Is she serious? She's going crazy na.
"Seryoso ako Diana. I'm asking you to have a date with me. Please?"
Kung sa ibang pagkakataon, malamang pinagtawanan ko na eto. Date? Hindi ko lubos maisip kung anong pumapasok sa isipan neto ngayon.
"Are you insane? Stop this nonsense Frankie. Umuwi kana." Pagtataboy ko dito. "Besides why are you asking me for a date?"
"Because I like you Diana. Gusto kita," diretsong sagot neto.
"What?"
"Gusto kita Diana."
End of Flashback:
"So anong naging sagot mo?" It was Gazini. Nagpasama sya kaninang magmall dahil may bibilhin raw eto. Kabababa lang namin sa bus at kasalukuyang naglalakad papasok ng village.
"Ano pa nga ba, ofcourse I declined the offer."
"Wala ka ba talagang gusto sa kanya? Since Freshman pa ata yun sayo may tama. I think bagay naman kayo eh." She teased me.
"Sky is just a friend. I dont see myself dating him. Nagiging makulit na rin siya lately."
"Really? Mas makulit pa sa lover mo?"
I rolled my eyes at her pero tinawanan lang ako neto.
"I'll stop na nga baka sumama pa araw mo. Pero seriously Diana, why dont you give a chance to Sky. Kahit one date lang then you decide."
Tumigil kami sa mismong tapat ng gate ng bahay.
"Okay, I'll think about it." Pagsang-ayon ko na lang dito. Agad din etong nagpaalam at pumasok na rin ako sa loob ng bahay.
Naabutan kong abala sa telepono si Mama at nanonood naman sa tv si Papa. I was surprised nang hindi man lang ako batiin ni Mama kahit hinalikan ko pa eto sa pisngi. Ipinagkibit balikat ko na lang baka busy lang eto sa tinatawagan, dumiretso na lang ako sa sala at tumabi kay Papa. I noticed he's watching news right now that made me frown kase bihira lang naman etong manood ng tv.
"What are you watching Dad?" Tanong ko agad after kong humalik dito sa pisngi. Papalit palit din eto ng channel.
"Something happened to your Ninong Kris anak." Seryosong sagot ni Papa but you can feel from his tone na nag-aalala eto.
Kay Ninong Kris? Did Franki know about this?
Agad akong binalot ng kaba lalo na ng makita namin sa news ang nangyari. Agad na umiyak si Mama habang yakap yakap naman siya ni Papa.
According sa reporter, overspeeding raw ang sinasakyan ni Ninong Kris causing him to crashed malapit lang sa construction site na pinagtatrabahuan neto. Halos yuping yupi ang sasakyan neto and God knows kung mabubuhay pa ang nakasakay doon.
Please let him live.
Sumama ako kina Mama and Papa after nilang macontact si Ninang Angel at malaman kung saang hospital dinala si Ninong Kris. Pinakiusapan ko na lang si Gazini na tingnan muna si Crissan sa bahay dahil hindi naman eto pwedeng isama doon.
Naabutan namin si Ninang Claire na umiiyak sa labas ng OR kung saan nasa loob pa si Ninong Kris. Kaagad naman siyang niyakap ni Mama at pilit pinapakalma.
Please let him live.
Agad na hinanap ng dalawang mata ko si Frankie ngunit hindi iyon natagpuan. Where is she?
Isang bombang sumabog sa amin ang hinatid ng doctor na lumabas sa OR. He declared Ninong Kris as dead dahil hindi na raw nakayanan ng katawan neto ang natamo sa aksidente. He was brain dead already nang dalhin sa hospital.
Agad na pumalahaw ng iyak si Ninang Angel lalo na nang makita namin si Ninong Kris na wala ng buhay sa loob ng OR. Halos hindi na rin eto makilala sa dami ng sugat na tinamo sa katawan. Walang sawang dinamayan ni Mama si Ninang Angel, na halatang pinipigilan lang neto ang pag-iyak. Si Papa nakita ko ring nagpupunas ng luha sa dalang panyo. Bihira ko lang eto makitang maglabas ng emosyon ngunit sa mga sandaling eto hindi niya na siguro mapigilan. Malalim din ang naging pagkakaibigan nila ni Ninong Kris.
Agad akong lumabas ng OR dahil parang hindi ko kinakaya ang mga nangyayari sa loob. Sobrang bilis ng mga pangyayari and I think I need fresh air. Hindi ko namalayan na patuloy na rin ang pag-agos ng aking mga luha.
Ninong Kris is like a second father to me. I looked up to him. Isa sa mga dahilan kaya gusto kong maging engineer dahil iniidolo ko sya sa larangang iyon. He take his job very seriously and is very professional.
I decided to go outside after a while ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng marinig ko ang boses ng taong kanina pa hinahanap ng dalawang mata ko. Patakbo nitong tinungo ang kinaroroonan ko. Halata ang pamumugto ng mga mata sa pag-iyak.
Where have you been Franki?
Are you okay?
Mga tanong na gusto ko sanang itanong sa kanya ngunit nanatili lang na nakatikom ang aking bibig. Agad na nagtama ang aming paningin, punong puno iyon ng lungkot taliwas sa dating sigla na pinapakita nito palagi. I felt the need to protect her kaya napansin ko na lang na bigla kong hinarang ang aking katawan sa pintuan para hindi eto makapasok sa loob at makita ang kalunos lunos na sinapit ng kaniyang ama.
Please dont go in there.
Nagtatanong ang kaniyang mga mata sa aking ginawa ngunit nanatili lang akong nakatingin dito habang hawak hawak ang door knob sa aking likuran.
"Pa-pa do-dont leave me."
"Pa-pa do-dont leave me."
"Pa-pa do-dont leave me."
Tuluyan na etong napahagulhol habang binibigkas ang mga salitang iyon. Nilagay ang mga palad sa mukha at ikinulong ang mga iyon. I felt the need to hug her but I didn't. Hinayaan ko lang etong umiyak habang unti-unti na ring lumuluwag ang mga kamay ko sa nakasaradong door knob ng pintuan.
Dont give in Diana. You should not care.
Dahan dahan akong umalis sa pagkakaharang ko sa pintuan ng OR. Agad na napatingin sa akin si Franki habang patuloy pa rin eto sa pag-iyak.
Wake up Diana. You should not care.
I hurriedly left habang baon baon ko sa isipan ang umiiyak at malungkot na mukha ni Franki.
YOU ARE READING
Hate that I love you
Fiksi Penggemar"Remember when I told you that I like you? That was a lie. I love you." Franki to Diana. This is a Frankiana story. Slow burn medyo kaya patience lang hehe. Hope you will like it.:)