Chapter 4:Layana's POV:
Napasinghap na agad niyang tinakpan ang mga mata at napamura siya.
Nakita ko! pigil niyang huwag tumili dahil baka kung ano ang isipin ng mga tao sa kanya dahil pakiramdam niya may tao sa labas at inaabangan ang galaw niya.
Pero teka.
Takip pa rin ang mga matang lumapit siya para takpan ang bahaging 'iyon' ng katawan nito, pero dahil nakapikit at hindi niya nakikita ang inaabot na laylayan ng kumot.
At ganun na lang impit niyang tili nung nakapa niya...ang nakita niya kanina.
On instinct ay naimulat niya ang mata para hilahin na ng tunay na 'laylayan'.
"Bwisit!" sabi niya habang pulang pula ang mukha niya dahil kahit natatakpan iyon ay kitang kita ang hugis sa kulay puting kumot na itinakip niya.
Diyos ko. sabi niya at naisip kung paanong nakakapaglakad itong may ganoon sa gitna ng mga hita nito.
At hindi niya alam kung paano pero naiilang siya ng sobra sobra at parang mainit? Eh pag ganitong oras na ay malakas na ang hangin at lalamig na.
Ipinilig niya ulo at saka niya kinuha ang panlinis sa katawan nito.
Tinignan niya ang mukha nito nung pinupunasan niya at doon lang niya napansin na may sugat ito sa ulo pero hindi malalim, napatingin din siya sa braso nito at kita niyang nangingitim ang mga iyon sa pasa.
Ano kayang nangyari sa kanya? tanong niya sa sarili habang pinupunasan niya ito at tinatapalan niya ng pasa nito ng halamang gamot na may langis.
Agad nilabhan ang mga damit nito matapos niyang masigurong malins na ito at hindi giginawin--
Kahit na walang siyang salawal. sabi niya at namula ulit.
Hindi niya akalain na makakakita siya ng isang lalaking kagaya nito.
Para itong artista.
Pero parang mas gwapo pa ito sa mga artistang nakikita niya sa tv.
Agad siyang nagluto at baka magising ang lalaki.
Pero nakakain na siya ay hindi ito magising.
At kailangan na nitong uminom ng gamot para hindi maimpeksyon ang sugat nito sa ulo.
May nakuha siyang mga gamot nung dumalaw ang mga doktor dito, para sa lagnat, ubo at impeksyon.
Pero hindi din naman niya nagagamit iyon dahil hindi siya agad magkakasakit dahil alaga niya ang sarili niya.
Pero ang tanong...paano niya ito mapapainom ng gamot?
Kailangang mag isip siya ng paraan, kungdi ay mapapahamak ito.
Agad niyang dinama ang noo at leeg nito at tama siya...may lagnat na ito, at kapag may lagnat ito, ang ibig sabihin ay may impeksyon na ito dulot ng matagal na pagkakababad nito sa tubig at sa sugat nito, sa palagay niya ay matagal itong nababad dahil sa itsura ng mga kamay at paa nitong namumuti at nangulubot.
Kailangan na niyang uminom talaga ng gamot.
Napakurap siya.
Mukhang kailangan niyang mag isip ng mas magandang ideya...pero naiilang siya sa naisip.
Ipinilig niya ang ulo.
Kailangan nito ng tulong.
Bumalik siya sa kusina at agad niyang kinuha ang baso at ibinudbod doon ang gamot na galing sa kapsula at nilagyan niya ng tubig at bumalik siya sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomanceIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...