Chapter 23:Layana's POV:
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
Ano daw?
Tama ba siya ng dinig?
Itinanan?
Ako? Itinanan ako ni Jazz? tama ba?
"A-an-ano k-kamo?" tanong niya habang utal utal siya.
Kumunot ang noo nito.
"Wait, I think I was wrong with the term that I used" sabi nito at kunot na kunot ang noo nito.
Kung ito naguguluhan, siya parang gumuho ang mundo sa sinabi nito, para siyang aso na pinaamoy ng malinamnam na buto tapos biglang nawala at nagbago isip ng magbibigay.
At hindi niya alam pero ang sakit sakit ng dating niyon sa kany--
Natigilan siya.
Gaano na ba kalalim ang nararamdaman niya para kay Jazz?
Ganoon na ba kalalim ang nararamdaman niyang pagkagusto dito?
Hindi na ba simpleng pagka gusto lang?
Natigilan siya lalo nung naisip niyang nahuhulog na siya dito.
Kaya ba hindi niya magawang magalit ng husto sa ginawa nitong pagdukot sa kanya? Ang mga pag aalala niya dito? Ang mga halik nito? Ang pagbilis ng tibok ng puso niya? At kapag kahit naiinis siya dito sa mga ginagawa nito ay kapag nakikita niya ito ay masaya siya?
Huminga siya ng malalim.
Tinignan niya ito habang nag iisip ito.
Bumuntong hininga siya.
Tama siya...nahuhulog na talaga siya dito.
Hindi niya alam kung kelan pero, alam niyang konti na lang ay bibigay na siya sa sinasabi ng puso niya keysa sa idinidikta ng isip niya.
Pero mukhang ito ay malabong mahulog ang loob sa kanya at parang mapaglalaruan lang siya nito.
"Ibalik mo na ako sa amin..." mahinang sabi niya dito, at dahang dahang tumingin ito sa kanya.
...." wala na akong pakialam kung makulong pa ako dahil sa hindi ko pagsunod sa kontrata, at bahala na ang mga taga isla sa mangyayari sa kanila tutal wala naman silang pakialam sa akin---"
"Selfish" turan ni Jazz.
Natigilan naman siya...at umiwas ng tingin.
"I didn't know that you're a selfish person--"
"Kung may makasarili dito-- ikaw 'yon! Hindi mo man lang naisip na ayaw 'kong mapaglaruan ng ng tulad ng ginagawa mo ngayon! Na ang gusto mo lang ang sinusunod mo! Kagaya ngayon! Hindi mo ako tinanong kung gusto ko bang umalis at kasehodang bigla na lang akong nandito! AT ngayon ako pa ang makasarili---"
Hindi na niya natapos ang pagtatalak niya nung biglang hinigit ni Jazz ang batok niya at agad na mariin at mapusok nitong hinahalikan siya ngayon.
Nanlalaki ang mga mata niyang kandaduling na nakatingin sa mga mata nitong nakadilat din habang ang mga labi nito ay kakaiba ang pag angkin ngayon, parang dapat ay sumuko siya sa lahat ng gagawin nito?
Bago pa man niya ito maitulak ay ginamit nito ang bigat nito para daganan siya sa sopa at saka nito binitiwan ang mga labi niyang ramdam na ramdam niyang namamaga dahil sa diin ng halik nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomanceIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...