Chapter 10:
Layana's POV:
Hindi naman siya dating ganito.
Laging kalkulado niya lahat ang mga galaw niya.
Pero bakit ngayon...iba?
Nanlalaki ang mga matang nakatingin siya kay Jazz habang magkadikit pa ang mga labi nila.
Tila nagulat din ito pero saglit lang?
Napasinghap na itinukod niya ang kamay sa dibdib nito at saka niya inilayo ang sarili sa pamamagitan ng pagtulak niya.
Agad niyang naitakip ang kamay sa mga mata nung napansin niyang nakalabas pa rin ang pagkalalaki nito.
Pero napatili siya nung naalala niyang nahawakan niya ng saglit ang balat nito sa puson...at malapit iyon sa buhok na tumatakip sa pagkalalaki nito.
"S-sorry!" sabi niya at saka nagmamadaling lumabas habang ang pintig ng puso niya ay parang may karera.
"Layana wait!" narinig niyang tawag nito sa pangalan niya, pero dahil sa kahihiyan niya ay hindi niya ito nilingon, dalawang beses nang naganap iyon, at wala man lang isang linggong pagitan matapos iyong nakita nitong naliligo siya.
Inis na sinabunutan niya ang sarili.
Bwisit.
Pakiramdam niya naging mali mali na siya.
At isa pa, nahalikan niya ito.
Nakakahiyaaaaaa!
Hindi lang niya ito isang beses na nahalikan, kahit na sabihin mong ung mga nauna eh tungkol sa paggagamot niya dito, naidikit na naman niya kasi ang mga labi niya.
Inis na tinampal niya ang mga labi.
Pakiramdam niya, pinagsamantalahan niya ito.
Nakagat niya ang mga labi dahil kahit mabilis lang iyon ay parang nararamdaman pa niya ang init ng labi nito, parang may kung anong nagningas sa loob niya nung naalala niya ang itsura nito kanina...lalo na ang pagkalalaki nitong naka labas mula sa pantalon nito kanina.
At ang labi nito kanina...
Namula siya nung napansin niyang parang ini imagine niya ito?
Nasisiraan na yata siya ng bait.
Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?
Napalunok siya.
Hindi naman siya mulat sa mga ganitong bagay gaya ng kamunduhan at--
Nanlalaki ang mga mata niya sa naisip.
Pinagnanasaan ba niya si Jazz?
Hindi hindi, baka malapit lang akong reglahin.
Base kasi sa nabasa niya ay kapag may hindi maipaliwanag na harot kang nararamdaman at halo halo ang pakiramdam mo, malapit ka ng datnan ng buwanang dalaw.
Tama tama.
Pero naipikit niya ng mariin ang mga mata nung naisip niya kung paano pakikiharapin si Jazz dahil sa naganap.
Una, natuhod niya ito...ikalawa, hinubaran niya...at ikatlo, hinalikan pa niya.
Anong mukha ang maihaharap niya dito?
Bakit ba kasi ganito ang mga nangyayari?
Kailangang humingi siya ng paumanhin dito.
Para naman kahit paano ay may dangal siya sa mga nangyari...saka aksidente iyon.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomanceIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...