Toss

9.4K 406 13
                                    

Chapter 11:

Layana's POV:

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya.

O susundin niya ang pakiramdam na sampalin si Jazz habang nahihimbing na ito sa pagtulog?

Bakit siya hinalikan nito at tinulugan?

Matutuwa ba siya o ano na tinulugan siya nito?

At bakit ba kasi siya nito hinalikan?

Napatingin siya sa labi nito.

Medyo mamasa masa pa 'yon dahil sa halik na ginawa nito sa anya.

Wala sa loob an napahawak siya sa sariling mga labi, ramdam niya ang pangangapal niyon...at parang naiwan doon ang mainit na labi ng binata sa labi niya.

Napalunok siya.

Parang...

Parang gusto ko pa? Namula siya ng todo sa naisip.

At ramdam niyang hindi lang isip nya ang sumang ayon na parang gusto pa niya ng halik nito...pati na din ang puso niya?

Napahawak siya sa dibdib at ramdam niya ang malakas na pintig niyo, at nasalat ng daliri niya ang kwintas na binigay nito.

Ano nga ba iyong sinabi nito kanina?

Na panaginip lang ang lahat at bukas ay magpa practice ito? Para saan? Para kung paano bibigay sa kanya ang kwintas o ung paano siya kakausapin?

Pero bakit siya hinalikan nito?

Natigilan siya.

Hindi kaya may naalala itong babae at hindi pala talaga para sa akin itong kwintas?

Sa naisip ay napahawak siya sa kwintas, parang ayaw niyang bawiin sa kanya ni Jazz iyon.

Parang nasaktan siya nung naisip na paano kung kapag magigising ito ay sasabihin sa kanyang hndi iyon para sa kanya.

Marahas siyang napatingin kay Jazz na nahihimbing.

Gusto niya tuloy na gisingin ito para tanungin.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                 Pero ano itatanong niya? Na kung talagang para sa kanya o para tanungin kung may ibang tao--

Aysus patumpik tumpik pa, babae ang gusto mong idagdag! Tuya ng kabilang parte ng isip niya.

Napasimangot siya.

Kung maka arte siya ay parang nagseselos siya--

Hindi?

Hindi ako nagseselos! Tili niya sa isip.

Kaya siya hinalikan nito dahil hindi nito alam ang ginagawa nito.

Lasing ito.

Tama ako.. Tama.

Gusto niyang magmura.

Halos hindi na niya alam kasi kung ano ang iisipin.

At para na siyang nababaliw na kinakausap ang sarili.

Simula nung dumating sa buhay niya si Jazz ay para na siyang nababaliw--

Kay Jazz??

"Putangina talaga ahh!" Impit na tili niya at sinabunutan niya ang sarili at pumunta sa kusina para kumuha ng bimpo at pupunasan niya ito.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon