Snippet

8.3K 377 14
                                    

Chapter 25:

Layana's POV:

Wala silang imikan na dalawa habang nasa loob sila ng sasakyan nito na kahit ngayon lang siya nakakita ng ganoong sasakyan ay alam niyang mamahalin.

Kanina din nung nag aalmusal sila ay wala silang imikan, hindi nga siya makatingin dito dahil sa sobrng pagkapahiya niya kanina.

Ikaw ba naman ang isampal ang dibdib sa isang lalaki na kahit hindi sinasadya ay talagang nakakahiya...at nahalikan niya ito ng panis ang laway niya, samantalang ito ay napakabango.

Natigilan siya sa pag iisip ng kung ano nung naagaw ang pansin niya sa itsura ng paligid.

Napanganga siya habang inaabot niya ng tingin ang gusaling nakikita niya ngayon.

Hindi niya akalain na ganoon kataas ang mga iyon.

At ngayon lang siya nakakita ng mga ganoon.

Napakadaming sasakyan.

Ganito pala ang siyudad. sabi niya sa loob loob niya habang nakatingin lang sa buong paligid na parang isang bata na nakakita ng karnabal.

Kita niyang napakadaming taong parang nagmamadali at parang nauubusan ng oras, at ang mga sasakyan ay maya's mayang nagbubusina ng malalakas.

Maingay.

"Yes, this is a city, that's why our house was at the secluded quiet place...I prefer it quiet" sabi ni Jazz at tumingin siya dito.

Kaya din siguro binili nito ang isla, naisip niya.

Siguro ay sawa na ito sa magulong undo kagaya ng nakalakihan nito.

Tumingin siya ulit sa labas, kahit na magulo ay sigurado siyang may mga taong gustong tumira sa ganitong lugar--

Nakarinig siya ng tila tunog, at tinignan niya si Jazz.

Napansin niyang parang pinipigil nito ang matawa?

Kumunot ang noo niya.

"May nakakatawa ba?" masungit niyang tanong.

"Nothing" sabi nito at natatawa pa rin ito.

"Ano?" pinagtatawanan ba siya nito sa pagiging ignorante niya?

Tumingin ito sa kanya ng saglit.

"Nothing... it's just that you're so cute and so adorable right now" sabi nito at saka na ito ngumiti, napakurap naman siya at namula.

At natahimik.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to!  ewan niya pero parang may nakiliti sa puso niya--

Napakurap siya.

Ito na ba ang kilig?

Pigil pigil niya ngayon ang mangiti.

"We're here" basag nito sa katahimikan.

At dumako sila sa isang lugar na may mga magagandang damit.

"Hello Sir, ma'am? Can I help you with anything-- Oh, Sir I didn't recognized you, my apologies" sabi ng isang maganda at matangkad na babaeng lumapit sa kanila.

Pero ang dating nito ay pormal at wala siyang nararamdamang bigat ng loob dito.

At kilala yata talaga si Jazz dahil sa sinabi ng babae.

"She's the one I mentioned before" sabi ni Jazz at iniikutan siya ng babae na parang pinag aaralan ang lahat ng sulok ng katawan niya.

"Amazing... she's very exquisite...and gorgeous even without makeup" sabi ng babae at namula siya sa hayagang pamumuri nito.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon