Brewing

9.3K 423 59
                                    


Chapter 14:

Layana's POV:

Napakurap siya nung nakita niya ang isang pamilyar na bulto ng isang taong nakatalikod.

Agad na malakas tumibok ang puso niya sa tindig at tayo ng taong 'yon.

Posible kaya?

Ayaw niyang umasa pero may nagsasabi sa loob niya na kilalang kilala ito ng puso niya.

"J-jazz?" tawag niya bigla bago pa man siya nakapag isip, parang awtomatiko na 'yon sa kanya.

At parang bagal na lumingon ito.

At pakiramdam niya, parang nagkaroon ng buhay ang buong paligid niya?

Napansin niyang wala na ang tumutubong balbas at bigote nito, maayos na maayos ang damit at itsura nito, malayong malayo ang porma nito noon habang nandito pa to, at ngayon.

Isang patunay na bumalik na ito sa buhay nito.

Mukhang bumalik na talaga ang memorya niya.

At sunod sunod ang lunok niya at ang bibilis ng tibok ng puso niya habang unti unti ay lumalapit ito.

At nung nakalapit ito ngumiti ito sa kanya.

At agad siyang namula at mabilis na iniwas ang mga mata at yumuko.

Sasabihin ba niyang namiss niya ito?

Natigilan siya nung naalala niya ang usapan nila ng kababata.

Hindi na pala pwede at baka sabihin ng iba na ang harot niya.

At saka isa magkabigan lang sila.

"K-kumusta ka na?" hindi niya napigilang tanong, ngumiti ito.

"I miss you" sabi nito habang titig na titig sa mga mata niya.

Napalunok siya dahil hindi na nagbago ang ritmo ng puso niya, at pakiramdam niya lalong dumoble iyon dahil sa sinabi nito.

"Did you miss me too?"tanong nito, at bago siya nakapag isip ay tumango na siya.

"Ha? T-teka--" pero nagulat na lang siya nung biglang niyakap na lang siya ng mahigpit na parang ang ilang taon siya nitong hindi nakita? O imahinasyon niya lang at talagang mahigpit lang itong yumakap ng kaibigan?

"Let's go inside...I bought something...I hope you don't mind" sabi nito matapos ang yakap nitong parang tumagal yata ng ilang minuto at nakangiti pa rin.

Parang hindi pa yata naalis ang ngiti simula nung magkita sila ulit.

At lihim siyang napasinghap nung hinawakan nito ang kamay niya at saka siya hinila papasok ng bahay.

Ang laki ng kamay niya... sabi niya sa loob loob niya at napalunok dahil sa laki at init ng kamay nito kumpara sa kamay niyang maliit na hawak hawak nito.

Ang ngiti nito ay kasing init ng pagtrato nito sa kanya.

Naisip niya bigla.

Lahat kaya ng kaibigan nitong babae ay ganito ang trato nito?

"A-ano ba ang--" natigil siya sa pagsasalita nung nakita niya ang ilang kahon ng bahagyang nakabukas na at nakita niyang may laman iyong mga galing sa grocery? At ilang sako ng bigas ba 'yon?

Pero teka?

"P-pero paano ka nakapasok--"

"I'm sorry I suddenly give you something like this, I didn't know what to give so might as well give you something like this, I'm sorry I wasn't giving you this out of pity, but of gratitude" tuloy tuloy na sabi nito at naputol nito ang sinasabi niya.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon