Give

9.6K 425 17
                                    

Chapter 10:

Layana's POV:

Ilang araw na silang hindi nagpapansinan ni Jazz?

Sapat na yata para araw araw eh masungit siya.

Hindi iilang beses siyang sinubukang kausapin ni Jazz pero simula nung tumanggi itong umuwi kasama siya nung araw na 'yon ay may na realized siya.

Iyon ay hindi niya ito dapat kontrolin, dahil may sarili itong isip.

Pero hindi pa rin niya maiwasan na hindi mainis, lalo na pag naalala niya ang mga babaeng nakatingin sa katawan nito.

Pwede naman kasing magdamit habang nagbubuhat pero hindi niya ginawa. ewan niya kung bakit inis na inis siya dito at sa mga babaeng nandoon.

Kapag andoon na ito sa bahay niya pagkatapos nitong magbuhat ay aalis siya para iwasan ito.

Laging ganoon ang ginagawa niya.

May isang beses itong umuwi ng gabing gabi dahil may pinuntahan daw ito pero hindi siya nagpahalata na inaantay niya itong makauwi.

Tinignan niya ang maliit na kalendaryo sa kwarto niya para tingnan ang nakalistang gagawin niya pero naagaw ang pansin niya sa nabilugang petsa at araw na 'yon.

Napabuntong hininga siya.

Sa makalawa na pala ang kaarawan niya.

At iyon na naman ang araw na espesyal pero nakakalungkot, isang araw na nagpapaalala na naisilang siya bilang tanda ng pagmamahalan ng magulang niya, pero araw din na nag iisa siyang ipagdiwang iyon.

Huminga siya ng malalim para alisin ang nakabara sa lalamunan niya ay hindi siya maiyak.

Namimiss na niya ang mga ito.

Ng sobra.

Lumaki kasi siyang malapit na malapit sa mga ito at puno ng pagmamahal ang bahay nila kahit solo siyang anak.

Pero ngayon nag iisa na talaga siya buhay at walang kasama--

Ipinilig niya ang ulo nung biglang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Jazz.

At saka siya siya namula, bakit ba sa tuwing naiisip niyang may kasama siya eh si Jazz agad ang naiisip niya?

Nasisiraan na talaga siya.

Tumayo na siya at kailangan pa niyang magtrabaho para mag ipon at sasantabi na muna niya ang mga bagay na kung ano ano.

Masyadong mahirap ang buhay para mauwi lang siya sa imahinasyon at pantasya.

Sa libro lang at pelikula nangyayari ang mga iyon.

At ang masasayang kalalabasan ng buhay ay hindi kailanman nangyayari sa totoong buhay.

--

Napaigtad siya nung biglang may kung anong maingay sa labas ng bahay niya.

Nakatulog na pala siya kakaantay kay Jazz.

Hindi niya alam kung ano agad ang oras na pero pagtingin niya sa labas ay madilim na, papalubog pa lang araw nung nakatapos siyang magluto ng hapunan nilang dalawa ni Jazz.

Napatingin siya sa orasan na maliit at nakita niyang malapit nang mag alas dose.

At inilibot niya ang tingin sa paligid, lalo na sa mesa.

At mukhang hindi pa umuuwi si Jazz dahil hindi pa nagagalaw ang niluto niya.

Agad na sumulak ang inis niya.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon