Choices

8.7K 366 33
                                    


Chapter 13:

Layana's POV:

Nanlaki ang mga mat niya sa sinabi ng mag ina sa harapan niya.

Tama ba siya ng dinig?

"Teka lang ho ah, mawalang galang na po, pero ang lupang ito ay sa mga magulang ko at dahil nawala na sila ay ako ang tumatayong--"

Napatigil siya sa pagsasalita nung biglang may inilabas itong papel sa harap niya.

Kumunot ang noo niya.

"Ayan, nandiyan ang katibayan na naisangla sa akin ng mga magulang mo ang lupang ito bago sila namatay...ayan, tingnan mo ang pirma" sabi nito at agad niyang kinuha iyon.

Nakasaad sa kasulatan na naka sangla nga ang lupa at nakapirma doon ang pangalan ng tatay niya.

Agad niyang tiniklop ang sulat at iniabot sa mga ito.

"Pasensya na po pero hindi po ako naniniwala diyan...makakaalis na kayo" malamig pa sa yelong sabi niya, tinignan niya ng masama ang mga ito.

Kung ginagawa ng mga iyon para mapakasalan niya ang kababata ay nagkakamali ang mga ito.

"Hoy! Hindi ka naniniwala? Aba at bastos ka huwag mo akong mapa alis alis dito--" natigil ito sa pagduro sa kanya nung bigla niyang hinawakan iyon at ibinaliko.

"Gumagalang po ako sa mga nakakatanda sa akin, at hindi po ako naniniwala sa kasulatan na 'yan lalo at alam kong ang anak ninyo ay may 'pakay' sa akin" malamig niyang turan.

Kailangan niyang maging marahas dahil kahit hindi siya sigurado kung nagsisinungaling ito ay wala pa rin itong karapatan na duruin siya at bastusin.

At hindi din siya pamilyar sa pirma ng tatay niya at kung totoong pirma nito iyon, kailangan na muna niyang pag aralan ang lahat ng bagay.

At hindi siya papayag na maargabyado at maloko ng mg taong nakapaligid sa kanya.

"Akala mo ba ikaw lang ang maganda dito--"

"Nay siya po talaga ang pinakamaganda dito" basag ng katahimikan ng kababata niya.

Tinignan niya ng masama ang mag ina.

Noon pa man ay ayaw na sa kanya ng nanay ng kababata niya, hindi lang niya pinapansin ito dahil hindi naman naituro ng magulang niya ang pumatol at maging bastos sa nakakatanda sa kanya.

"Tumahimik ka diyan!" sikmat nito sa anak.

"Umalis na po kayo, bago ko pa po makalimutan na tao kayong tinanggap sa bahay ko" malamig niyang turan at humigpit ang hawak niya sa armas.

At kita niyang namutla ang nanay ng kababata niya at lumunok ito.

"Isa" bilang niya.

"H-huwag mo akong bilangan!" at napansin niyang nautal na ito.

"Nay umalis na muna tayo" sabi ng kababata niya.

"Dalawa!" matigas niyang patuloy.

"Hindi pa tayo tapos, kukunin ko ang lupang ito--"

Itinaas niya ang hawak at agad na umalis ang mga ito sa bahay niya.

Halos manginig naman siya sa galit at agad niyang isinara ang pinto ng bahay at agad na uminom ng tubig para makalma niya sarili at para makapag isip.

Agad siyang pumasok sa kwarto at agad na hinanap ang mga dokumentong may pirma ng tatay niya.

At agad niyang tinignan kung may kopya ba ang tatay niya sa ipinakitang papeles ng nanay ng kababata.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon