Chapter 24:
Layana's POV:
"No, as my wife" simpleng sabi nito na parang nagpapa alam lang itong lumabas?
Habang siya ay nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin dito.
Inaalok ba siya nito ng kasal?
Seryoso ba itong magiging asawa siya nito?
Iyon ang trabaho niya?
Bakit parang kakaiba yata? At nakakabilis ng tibok ng puso?
At bakit parang gusto niya?
"A-asawa?" tanong niya nung sa wakas ay nahanap niya ang sariling boses dahil sa sobrang pagkabigla sa sinabi nito.
"Yes"sabi nito habang titig ng titig sa kanya.
"B-bakit nga?"tanong niya dito at nagtataka siya sa sarili dahil nahahanap pa niya ang boses niya habang kausap ito dahil dinig na dinig niya ang dumadagundong na tibok ng puso niya.
"Well, I need companion and I don't want to be with someone na hindi ko kilala..."sabi nito, kumunot naman ng noo niya, bakit? Hindi pa naman sila magkakilala ng husto di'ba?
..."if you want... girlfriend then?" tanong nito.
Napasinghap siya.
"Well, don't worry... it's a fake relationship, if that's your concern" sabi nito at marahas siyang napatingin dito.
Napakurap siya.
Peke?
Ibig sabihin...
"M-magpapanggap tayo?" tanong niya, tumango ito.
"B-bakit?"tanong niya at hindi niya alam kung bakit tinatanong niya.
Pero masama bang tanungin kung iyon ang magiging trabaho niya di'ba.
Huminga ito ng malalim.
"Well, you know...I almost died when a woman hits my head at muntik nang maging pagkain ng mga isda...so I didn't want anybody to get close to me..." sabi nito at saka nito inilapit ang mukha sa kanya.
Napatitig naman siya dito.
Ibig sabihin dahil sa babae kaya niya ito natagpuan sa isla? Muntik na itong mamatay dahil sa isang babae?
Ano bang ginawa nito?
"Don't twist it, that woman thinks we have a relationship so when I cleared things out, she hit my head and that cause my memory loss" paliwanag nito.
Kaya ba gusto nitong magpanggap siya para makaiwas sa mga ganoong klaseng mga babae?
Natigilan siya nung naisip na madami sigurong babaeng naghahabol dito.
Kung magkakaroon sila ng pekeng relasyon, ibig sabihin ba ay iiwas na ang mga babaeng lumalapit dito?
May bumangon na inis na matindi nung naisip niyang may babaeng lumalapit dito.
At ayaw niya 'yon.
Nag isip siya, kung tatanggapin niya ang alok nito, mahuhulog na talaga siya dito, pero kung tatanggi siya, malalapitan ito ng mga babae.
Pero may isa pa..
Baka kung makakasama siya nito ay mahuhulog din ito sa kanya pag tumagal.
Posible kaya?
Hindi sila magkaibigan.
At hindi niya alam kung may nararamdaman ba ito sa kanya, at hindi siya pwedeng mag isip ng kung ano dahil sa halik, na pakiramdam niya hindi isang patunay na mahuhulog ito sa kanya, madami itong nakakasalamukhang mga ibang babae bago pa man siya nito nakilala.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomanceIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...