Chapter 7:
Layana's POV:
Napalunok siya sa mga titig nito sa kanya.
"J-jazz?" ulit niya, tumango ito at hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya dahil sa ginagawang pagtitig nito, para kasing sa mga tingin nito ay parang may kukunin sa kanya? Hindi naman niya alam kung ano iyon kasi nakatitig lang naman ito.
"Yes...does it suit me?" tanong nito sa mababang boses habang titig na titig sa kanya.
Parang malat ang boses nito?
At imahinasyon lang ba niya na bumababa ang tingin nito sa mga labi niya?
Napalunok siya.
Parang may tension sa kanilang dalawa na nakakakuryente...at sobrang nakakakaba, at sobrang nakakabilis ng tibok ng puso.
At tama nga siya.
Delikado ito.
"Oo" mahina at tipid niyang sabi, Jazz daw ang gagamitin nitong pangalan? Hindi ba klase iyon ng musika na parang malumanay ang tunog?
Tinignan siya nito at yumuko siya ng ulo.
Kailangang mag isip siya ng matino, kailangan nito ng tulong.
Hindi pwedeng pairalin niya ang kung anumang tensyon sa pagitan nila.
"G-gusto mong kumain na?" pag iiba niya ng usapan at inasikaso ang kakainin nito.
"Yes" tipid na sabi nito.
"A-ano ba gusto mo dito?" Tanong niya habang pasimpleng lumalayo siya dito.
At nagsitayuan ang mga balahibo niya sa batok dahil pagkaharap niya ay titig na titig pa rin ito sa kanya.
Dahil lumapit ito ito sa kanya ng mabilis at pakiramdam niya...siya ang gustong kainin nito.
Namula ang buong mukha niya sa naiisip.
Bakit naman nito iyon gagawin?
At bakit ito kakain ng babae?
Ano ba masarap---
"I'm hungry" sabi nito at agad niyang iniiwas ang mukha dahil kung ano ano n ang iniisip niya.
Ano bang nangyayari talaga?
Tumikhim siya.
"Sige, kumain na tayo" pinapormal niya ang boses at ekspresyon niya at saka siya umupo habang hindi niya ito tinignan.
Tahimik silang kumakain nung biglang nagtanong ito.
"What is this...small green grapes?" Tanong nito.
Napatingin siya dito.
At nakita nakita niyang hawak nito ang arusip.
Natawa siya.
"Hindi ubas 'yan...tawag diyan, arusip, basta masarap yan"natawa siya ulit ng dahil sa ekspresyon nito.
"Malayo lasa niyan sa ubas, pero masarap 'yan--"
"You should always smile like that" sabi nito, napakurap siya dahil doon lang niya napansin na nakatingin na naman ito sa kanya.
"Sorry, you were always this serious babe--I mean you should loosen up for a bit." Sabi nito sa malumanay na boses bahagyang inilapit nito ang mukha sa kanya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomansaIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...