Business

9.3K 393 21
                                    

Chapter 19:

Layana's POV:

Iyong pakiramdam na para kang hinihigop? At parang nalulunod?

Iyon.

Iyon at iyon ang pakiramdam niya nung ang dapat na mariin at mabilis lang na halik pero akmang babawiin na niya ang mariin at mabilis na halik pero biglang hinawakan ni Jazz ang bewang niya at sa isang iglap ay ipinasok nito ang dila nito at doon ay naglulumikot iyon na tinitikman ang lahat ng sulok ng bibig niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa mabilis na pagkontrol ni Jazz sa sitwasyon.

At dahil nakamulagat ang mga mata niya sa ginawa nito habang ito ay nakapikit at simsim na ito ng simsim ay kita niyang nasa labas sila.

Ubod ng lakas niyang itinulak ito habang ang mukha niya ay pulang pula na tinignan ito at saka niya ginamit ang likod ng palad para punasan ang basang mga labi at lakad takbo ang ginawa niyang pagtakas dito, at akmang isasara niya ang pinto ay biglang nagulat na lang siya nung nasa tabi na niya si Jazz.

At nauna na itong nakapasok at napatili siya ng impit nung hinila siya nito papasok.

At nakaharap ito sa kanya habang sinasara nito ang pinto.

Lunok siya ng lunok at ang lakas ng tibok ng puso niya habang nakatingin dito, at may nagsasabi sa loob niyang tumakbo siya dahil sa mga tingin nitong parang may kukunin ito sa kanya.

At parang gusto niyang kabahan sa gustong kunin nito.

"B-bakit m-mo si-sinasara! L-lumabas ka nga sa bahay ko!" utal kung utal siya ngayon dahil bigla niyang naalala ang mga ginawang halik nito sa kanya.

At ang pagsimsim nito sa mga dibdib niya.

At nakaramdam siya ng init nung naalala niya iyon...at naalala ng katawan niya ang pakiramdam kaya naman ramdam niya ang tila paninigas ng mga tuktok ng mga dibdib niya.

Uulitin niya kaya?kinakabahan niyang tanong sa sarili.

Pero kinakabahan nga ba siya. parang sa ginagawa lang niyang pagtayo sa harapan nito...ay inaantay niya ito na gawin ulit iyon?

Nasisiraan na talaga siya.

Tumaas ang kilay nito

"Why did you changed the lock?" sa halip ay tanong nito sa kanya at ang boses nito ay parang malat.

Napalunok siya.

"M-masama bang mag ingat?" pagrarason niya pero sa mahinang boses.

"Oh...so why did you kiss me?" tanong nito habang titig na titig sa kanya na parang may gusto itong malaman habang titig na titig sa mga mata niya.

Malikot ang mga matang iniiwasan niya ang mga titig nito ngayon dahil sa tanong nito.

Nakagat niya ang ibabang labi dahil nag iisip siya kung ano ang sasabihin niyang rason dto.

"I'm waiting..."untag nito sa kanya, napalunok siya at napagpasyahan na lang niyang sabihin dito ang totoo.

"A-ayokong saktan mo siya kasi panay na siya pasa at bugbog!" sabi niya at tinapangan niya ang boses at binilisan niya ang pagsabi dito ng rason para hindi na siya mautal at makapagsinungaling dito.

Ilang sandali itong nakatingin sa kanya kaya ibinaba niya ang mukha.

"So you mean to say...you just kissed me to divert my attention?" sabi nito at pumormal ang mukha nito.

Napakurap naman siya dahil sa kawalan ng ekspresyon ng mukha nito pati na ang kawalan ng tila gana ng boses nito.

Wala sa loob na tumango siya.

Perfect Imperfections : JazzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon