Chapter 17:
Layana's POV:
"Because you're mine the moment I laid my eyes on you" sabi ni Jazz habang diretsong nakatitig sa mga mata niya.
Ramdam niya ang tila pagtigil ng tibok ng puso niya habang nakatingin siya dito, wala siyang ibang naging reaksyon kungdi ang pagkabigla sa sinabi nito.
Siya?
Pag aari nito?
Ano siya? Bagay?
Kaya ba binili nito ang isla? At kaya ba nito binayaran ang lupa nila?
Napaisip siya.
At bigla niyang naalala kung paanong ayaw na ayaw nito sa kababata niya nung unang magkita ang mga ito....kaya ba siya biglang binuhat nito dahil gusto lang siyang maging pag aari nito?
Para ano?
Hindi iyon ang gusto niyang marinig.
"Hindi mo ako pag aari" matigas niyang sabi habang piping inaantay niya kung may sasabihin pa itong iba.
Pero hindi na ito nagsalita at kunot ang noong tinignan siya nito.
"Why? You want that weak boy? Just one punch and he fainted--"
"Anong sabi mo!" nagulat niyang tanong at tumaas ang boses niya, hindi niya akalaing magiging bayolente ito.
"I punched him, he was telling to the world that you were his and--"
Malayong malayo ito sa nakilala niyang mabait.
At bahagya siyang nakaramdam ng takot dito.
"Bakit parang hindi kita kilala?" tanong niya dito at kitang kita niyang natigilan ito.
At nakita niya na parang nasaktan ito? Parang nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito?
At nakita niyang kumuyom ang kamao nito.
Napalunok siya.
At impit siyang napatili nung biglang lumapit ito sa anya at hinapit siya sa katawan, palapit dito.
At kahit na may nararamdaman siyang takot dito ay hindi pa rin maiwasan ng puso niya na makaramdam ng kaba at saya sa pagkakalapit ng mga katawan nila.
Inilapit nito ang mukha sa kanya at napalunok siya sa mainit at mabangong hininga nitong tumatama sa mukha niya.
At sunod sunod ang lunok niya nung bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito.
Ang mga labi nitong nagpabaliw sa kanya kanina habang may ginagawa ito sa mga dibdib niya.
Uulitin kaya nito ang ginawa nito kanina?
Namula siya at iniwas ang mukha dito.
"This is the real me Layana" matigas na sabi nito at iniangat nito ang baba niya para magtama ang mga mata nila.
"I-ibig mong sabihin ay n-nagkukunwari kang mabait d-dati?" utal utal niyang tanong dito, halos hindisiya humihinga sa lapit ng mukha nito.
Lalong lalo na ang mga labi nitong unti unti yatang lumalapit?
At agad na nanariwa sa kanya ang pakiramdam ng halik nito, at kung paano nagreresponde ang katawan niya sa bawat hagod...sa bawat kagat...at sa pagsimsim nito.
Nasisiraan na ako, iniisip kong bayolente siya pero mas iniisip ko kung hahalikan niya ako. sabi niya sa sarili at gustong gusto na niyang hilahin ang sariling buhok para magising siya.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomanceIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...