Chapter 22:
Layana's POV:
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog pero nararamdaman ng katawan niya kung paano siya parang lumulutang palayo....at parang siyang inaanod sa kung saan.
Pero imbes na malamig na bagay ang bumalot sa kanya ay mainit ...at komportable ang parang nakabalot sa buong katawan niya.
At hindi niya alam kung bakit imbes na matakot siya sa pagka anod na pakiramdam ay parang gusto niya?
Huminga siya ng malalim at isiniksik lalo ang mukha sa unan at kumot niyang komportable.
"Are you awake?" narinig niyang sabi ng isang boses na sobrang baba at kilalang kilala niya.
Dahan dahan siyang nagmulat ay tinignan ito.
Ngumiti siya.
Ganda ng panaginip niya.
Nakikita niya ngayon ang gwapong mukha ni Jazz, at nararamdaman niya ang marahang paghawi at paghaplos nito sa pisngi niya.
"You're so beautiful..." sabi nito at sinserong sinsero ang nakikita niya sa mga mata nito sa pamumuri nito sa kanya.
"...too bad, that guy won't have you since I brought you here with me" sabi nito, tinitigan niya ito at inuunawa ang sinabi nito habang patuloy ang paghaplos nito sa pisngi niya.
"Kaya hindi ka na makakabalik sa isla...for a while" sabi nito at saka ito ngumiti ng makahulugan.
Napakurap siya at inilibot niya ang mata sa paligid.
Kulay blue at malamig ng kwarto kung saan nasaan siya at hindi siya pamilyar sa mga gamit na nandoon.
Kumunot ang noo niya at dahang dahang umupo at naguguluhan na tumingin kay Jazz.
"You look so cute with that confused expressions of yours" sabi nito at saka ito tumawa ng bahagya.
"N-nasaan ako?" ngumiwi siya ng bahagya dahil sa pagkatuyot ng lalamunan niya.
At saka niya ulit iginala ang tingin sa paligid.
Walang kung anong palatandaan na may gamit siya doon, at iisa lang ang ibig sabihin niyon...
Napasinghap siya at agad na bumalik ang mga nangyari .
Napanganga siya nung naalala niyang pumasok sa bahay niya si Jazz.
At may ipinaamoy ito sa kanya!
Dinukot siya nito!
"Ikaw!" bulalas niya, at agad na tumayo siya at halos matumba nung pumunta siya sa bintana at pagsilip niya ay hindi na ang dating araw araw niyang nakikita na buhangin.
Kungdi nasa isang mataas na lugar sila at napapalibutan sila ng madaming puno.
"Nasaan tayo!" marahas niyang baling kay Jazz na parang tuwang tuwa pa ito sa nakikitang pagkataranta niya.
"Ou--...My house" sabi nito ng tila binago nito ang dapat ay sasabihin nito, kumunot ang noo niya.
"Bakit mo ako dinala dito!" naiinis na sabi niya.
"Because you've been avoiding me" tila wala lang dito ang sinabi nito.
Hindi ba nito alam na krimen ang ginawa nitong pagdukot?
"Dinukot mo ako!" akusa niya dito, at agad ay binuksan niya ang pinto sa kwartong iyon at tumambad sa kanya ang isang parang palasyo sa laking konkretong bahay.
Sabagay sa luwag ba naman ng kwarto nito, imposibleng hindi malaki ang bahay nito.
Agad niyang hinanap ang pwedeng labasan at napapagod na siya bukod pa s matagal niyang pagkakatulog ay wala pang laman ang tiyan niya kaya wala pa siyang lakas para gumalaw galaw.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Jazz
RomansaIn contrast of his name, he was the son that never rest. He was the one whom you can't be tame. The rebel. The wild. He never wanted someone to be with him, especially for woman...because of his condition. The one who never relies to anyone. Turns...