Ang bilis ng pagtibok ng puso ko habang tinitignan ko ang sarili sa salamin.
"Ngumiti ka nga irish!" Ani ate daisy.
"Ate kinakabahan po ako" sabi ko.
Okay! Kalma self keribells mo yan!
"Tara na Irish hinihintay kana nila" ani ate daisy.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng silid.
Church
Ng makarating ako sa simbahan ay pinagbuksan ako ng pinto ng driver.
Click! Click!
Sabay sabay ang pag-click nila sa sari-sarili nilang camera.
Ng nasa harapan na ako ng malaking pinto ng simbahan ay dahan dahan itong nagbukas kasabay non ang pagtugtog ng piano.
*Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece*Habang naglalakad ako sa aisle ay naaalala ko ang unang pagkikita namin noon ni kaiden.
Ang saya lang balikan ang nakaraang una kaming nagkakilala. Ni hindi ko nga alam noon na siya pala ang anak ng may ari ng Saint Antonette.
Naalala ko rin ang unang pagkikita namin. Siguro kung hindi dahil kay pochi at ate ay hindi kami magkakakilala at hindi ko iyon pinagsisisihan.
Ayaw talaga namin sa isa't isa noon pero ika nga nila
*The more you hate, the more you love**So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight*At dumating na nga ang panahon na biglang nagbago ang pagtingin namin sa isa't isa hanggang sa unti-unti na akong nahuhulog sakanya.
Ay tulad ng sinabi niyang sasaluhin niya ako ay pinanindigan niya...
Sa anim na taon naming mag-nobyo at nobya ay maraming pagsubok ang dinaranas naming dalawa at ni-isa saamin ay walang nagtangkang sumuko o bumitaw.
Dahil kapag mahal mo ay kahit anong hirap pa ang pagdaanan niyo ay hindi mo maiisipang sukuan o bitawan siya dahil naging parte na siya ng kayamanang pinahahalagahan mo.
*What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I
Say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word*Huminto ako sa paglalakad ng nasa harap na ako ng altar.
Nakangiting nakatitig ako kay kaiden.
Shocks! Hindi talaga ako makapaniwalang ikakasal na ako sa kapreng to!
"Bakit parang tumangkad ka?" Pangaasar na sabi niya.
*-_-
Hinampas ko siya sa balikat at inirapan.
"Ang panget mo!" Sabi ko.
"Atleast mahal mo" aniya sabay kindat.
Pwe!
Kahit kailan talaga pangasar parin itong kapreng to!
"Mamaya na kayo magaway" ani kenzo. Si kenzo kasi ang best man at si amy naman ang maid of honor.
Parehas kaming nakaharap kay father. Habang nag seseremonya ay hindi ako makapag focus.
Gosh! Kinakabahan ako sa honeymoon!
Napailing iling ako para mawala kung ano ang nasa isip ko.
Ano ba Irish! Wag ka ngang excited sa honeymoon!
Nabalik ako sa realidad ng biglang magsalita si kaiden.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya.
"Wala..." Tipid kong sagot.
"Meron kaya. Sabihin mo na dali" sabi niya.
"Wala nga" sabi ko.
"Kaiden Linus Park do you take Astraea Irish Shon to be your lawfully and biblically wedded wife. Do you commit to yourself to fulfill your role as her husband and dedicate yourself to her physical and spiritual well being. Will you love,honor,trust and serve her in sickness and in health, in times of blessing and testing and to be faithful and true to her, so long as you both shall live?"
"I do father" sagot ni kaiden.
"Astraea Irish Shon do you take Kaiden Linus Park to be your lawfully and biblically wedded husband. Do you commit to yourself to fulfill your role as his wife and dedicate yourself to him physical and spiritual well being. Will you love, honor, trust and serve him in sickness and in health, in times of blessing and testing and to be faithful and true to him, so long as you both shall live?"
"I do father" nakangiting sagot ko.
"By the power vested in me i now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride"
Pagtapos sabihin non ni father ay hinapit ako ni kaiden sa bewang palapit sakanya kasabay non ang pagdampi ng malambot niyang labi sa labi ko.
Rinig ko ang mga palakpakan ng mga taong naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa.
Marami na kaming hinarap na pagsubok at alam kong hindi dito nagtatapos 'yon dahil marami pa kaming pagsubok na haharapin at alam kong kakayanin namin, mabigat man o mahirap man ang problemang harapin namin ay sabay naming haharapin at sa huli ay kaming dalawa parin ang magwawagi.
-Mrs.Astraea Irish Park
To be continued.
Sana ay nagustuhan niyo ang prologue!
Pwede po kayong magbigay ng pangalan ng magiging future anak nila Kaiden at Astraea!
Comment niyo lang po!
BINABASA MO ANG
After Marriage(IHYBILY Season 2)
RomanceLet us all read the love story of Astraea and kaiden! How can they handle all the struggles that comes to their life? Magiging matibay kaya ang pagsasama nila ngayong may anak na sila? Are they willing to sacrifice? Date Started: 9/20/19