Chapter 11

3.3K 149 1
                                    

Astraea POV

Pinagmamasdan ko lang si kaiden habang mahimbing siyang natutulog. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

Maraming ipapaliwanag saakin ang lalaking to! Pinagalala niya ako!

Napalingon ako sa pinto ng marinig kong bumukas 'yon at iniluwal non si ate maddie.

"Ate sorry kung naabala pa kita" sabi ko kay ate maddie. Siya kasi ang unang tinawagan ko.

"Anything for you Astraea" nakangiting sabi niya.

"Ate madz. May alam kaba sa mga nangyayari?" Tanong ko sakanya.

"I know about all of this but if your going to ask me to tell you... I'm sorry wala akong karapatang magsabi sayo" sabi niya.

"Okay lang" sabi ko.

"I have to go. Nasa bahay sila Zael" sabi niya atsaka siya lumabas. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang paggalaw ni kaiden kaya napalingon ako sakanya.

He's awake!

"What are we doing here?" Tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.

"Ask yourself kung bakit nandito ka!" Mataray kong sabi sakanya.

Huminga siya ng malalim at tinapunan ako ng tingin.

"I am sorry.." sabi niya. Napataas nanaman ang kilay ko sakanya.

"Explain everything to me first bago ko tanggapin iyang sorry mo!" Sabi ko sakanya.

"It was Arturo... Siya ang kumakalaban saakin ngayon, he wants me to suffer. Naghihiganti siya" sabi niya.

"Ano?! Story repeat ganon!" Sabi ko.

Nakakainis!

"Nasundan tayo ng mga tauhan niya kanina sa mall mabuti nalang at nakarating agad si westley" sabi pa niya.

"Alam kong alam mo na hindi normal ang mundo ko. Maraming kaaway, maraming gustong maghiganti at maraming gustong tumapos ng buhay ko" sabi pa niya.

"Hindi ko sinabi sayo dahil ayokong pati ito problemahin mo." Dagdag pa niya.

"Again im sorry" sabi niya ulit.

"I want to get mad at you dahil naglilihim ka sakin. Asawa mo ako pero nagagawa mo paring mag sikreto, kaiden palagi mo akong pinagaalala. You know that i don't want to lose you again, what if mangyare ang nangyare noon? Paano kung sa pagkakataong ito matuluyan na yang buhay mo? OA na kung OA pero paano nga kung nangyare yun? Paano ako?" Sabi ko at hindi ko na napigilan ang luha ko.

"I won't die.. you won't lose me irish, ang sabi ko hangga't nandito ka sa tabi ko walang dahilan para mawala ako" sabi niya at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sakin.




10:00 am

Ng makauwi kami ni kaiden ay agad kaming sinalubong nila jerzel.

"Mommy! Daddy bakit ngayon lang po kayo?" Tanong ni mavi at na kinarga naman ni kaiden.

"May pinuntahan lang kami ni mommy" dahilan ni kaiden.

"Where is Jerzel and your kuya Zael?" Tanong ko.

"Natutulog pa po si Jerzel si kuya Zael po nasa living room" sabi ni mavi at humalik sa pisngi ng daddy niya.

Karga karga ni kaiden si mavi hanggang sa living room.

"Dad your home!" Sabi nito at yumakap kay kaiden.

"Have you eat breakfast already?" Tanong ni kaiden.

"Opo" sagot nilang dalawa.

"Good boys!" Sabi niya at ginulo gulo ang buhok nito.

"Dad, can we talk?" Tanong ni Zael.

"Sure baby" sabi nito.

"Can we talk in somewhere private?" Sabi ni Zael. Nagkatinginan lang kami ni kaiden pero agad naman itong tumango tango.

Nagpunta silang dalawa sa basement nitong bahay kaya naiwan kaming dalawa ni mavi.

"Mavi let's go gisingin na natin si Jerzel" sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Umakyat kami sa second floor ng bahay at nagtungo sa kwarto ni jerzel.

"Baby Jerzel wake up! Mommy is here" sabi ko.

"Jerzel gising! Nandito na sila mommy" sabi ni mavi habang niyuyugyog si jerzel.

"Kuya naman wala ka na bang magandang gagawin kundi mangulit?" Halata sa tono ng boses ni Jerzel ang inis.

"Hindi naman kita iniinis! Ginigising kaya kita!" Sabi ni mavi. Umupo si Jerzel sa kama at hinampas sa balikat si mavi.

"I hate you! Pati pagtulog ko iniistorbo mo" sabi niya habang matalim ang titig sa kuya mavi niya.

"Excuse me! Sabi ni mommy gisingin ka!" Sabi ni mavi.

"Okay kids! That's enough" singit ko sa away nilang dalawa.

Tumayo sa higaan si Jerzel at dumiretso sa salamin at kinuha ang suklay.

"Mommy help me comb my hair please" sabi niya. Lumapit ako sakanya para suklayan siya.

"Mom mukhang mahaba na po ang buhok ni Jerzel. Kailangan ng gupitan" sabi ni Mavi.

Hmm. Napansin ko nga iyon na humahaba na ang buhok ni Jerzel.

"Oo nga no" sabi ko. Nakita ko ang pagsimangot ni Jerzel at ang pag ngisi ni mavi.

"Mommy ang dami ng laruan ni kuya Mavi pwede ng itapon o kaya ipamigay" sabi niya.

"Good idea Jerzel, sige magbabawas tayo ng toys niyo mamaya at isasama na natin para idonate" sabi ko.

"Mommy!!" Maktol ni Mavi.






Mavi POV

"Jerzel! Come here!"

"What?!"

"Nakikita mo ba yung mga kalat sa playroom? Pakilinis nga" utos ko sa kapatid kong si jerzel.

"Wow kuya ha! Hindi mo ako maid kaya wag mokong utusan! Baka isumbong kita dyan kay daddy" sabi niya.

"Edi mag sumbong ka samahan pa kita e" sabi ko.

Astraea POV

"Mavi? Jerzel? Nagwaay nanaman kayong dalawa?" Sabi ko sakanilang dalawa.

Hindi ko na ata nakitang nagkasundo ang dalawang to!

"Siya kasi mommy, kung makautos akala mo may katulong" reklamo ni Jerzel habang tinuturo si mavi.

"I am your Kuya kaya dapat lang na sundin mo ako" sabi ni mavi. Inirapan naman siya ni Jerzel.

"I am your kuya! And you must do what i say! So clean the playroom now!" Biglang singit ni Zael habang naka crossarm at matalim ang tingin kay Jerzel at mavi.

"Kuya!" Sabay nilang sabi.

"Clean it or-"

"Fine!" Sabay nilang sabi at nakasimangot na nagtungo sa playroom.

Napalingon ako kay Zael at nginitian siya.

"Good job Zael" nakangiting sabi ko at nag apir pa kaming dalawa.


To be continued.

Iba talaga si Zael! Hahaha

Sa mga nagtatanong ng fb ko add niyo nalang po ako Avakin Melody Tors, dummy ko iyon pero doon po ako palaging active. Doon niyo po ako pwedeng imessage, message nalang po kayo doon para ma-accept ko kayo😊 sa mga gusto lang!

After Marriage(IHYBILY Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon