Chapter 24

3.1K 105 17
                                    

kaiden POV

ilang linggo na ang nakalipas at wala parin akong balita kay astraea, hindi ko mapunto kung nasaan ba ang asawa ko.

"kaiden, magpahinga kana muna" ani ni kenzo.

"No, wala akong oras para magpahinga kenzo" sabi ko.

"paano ka makakapagisip ng maayos kung ayaw mong pagpahingahin 'yang sarili mo" ani ni kenzo.

napabuntong hininga nalang ako at napahawak sa sintido ko. bigla namang pumasok si westley na may hawak na brown envelope. inilapag niya ang brown envelope sa table na nasa harapan namin ni kenzo at binalingan kami ng seryosong titig.

"i know where she is" tipid nitong sabi. napakunot ang noo ko at kinuha ang brown envelope na nasa table.

"litrato 'yan ng dumukot kay astraea at nalaman ko rin na siya ang kumuha sa anak niyo na si jerzel" ani ni westley.

"nakuha mo ba ang location kung saan nila dinala ang asawa't anak ko?" tanong ko. tumango tango lang si westley bilang sagot sa tanong ko.

"kenzo ihanda mo ang mga tauhan natin" utos ko kay kenzo. tumango naman si kenzo bilang pagsangayon nito sa utos ko.


Astraea POV

"mommy wake up na po!" ani ni jerzel at tinapik tapik ako sa balikat.

napadaing ako ng maramdaman kong kumirot ang sugat ko sa braso. 

"mommy okay ka lang po ba?" tanong ni jerzel. nginitian ko lang siya at tumango tango.

"yes! baby mommy is fine" sambit ko ng may tipid na ngiti.

napabaling ang tingin ko sa may pinto ng biglang bumukas 'yon at niluwal non si arturo.

"gising na pala ang dalawang prinsesa!" nakangiting sabi nito.

"pakawalan mo na kami arturo!" sabi ko.

"kahit lumuhod ka sa harap ko astraea hindi ang gusto mo ang masusunod" nakangising sabi nito.

napaluha na lamang ako ng sampalin ako nito.

"napakasama mo talaga arturo!" sigaw ko.

"alam ko astraea, alam ko!" galit na sabi niya at padabog na lumabas ng silid.






malalim na ang gabi at hindi ko parin magawang makatulog. si jerzel naman ay mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"jerzel anak... pasensya na kung kailangan mong maranasan ang mga ganitong bagay, hindi ginusto ni mommy na mangyari ito." sabi ko habang nakatingin kay jerzel.

napatayo ako ng bigla akong makarinig ng sunod sunod na pagputok ng baril.

"jerzel wake up! wake up!"

"ano pong nangyayari mommy?" takang tanong ni jerzel.

"i dont know.." sabi ko.

"ahh!" napasigaw kami ni jerzel ng biglang bumukas ang pintuan.

"m-mommy.." sambit ni jerzel.

"astraea! jerzel!" kusang pumatak ang mga luha ko sa pisngi ko at awtomatikong napatakbo ako palapit sakanya upang yakapin siya ng mahigpit.

"kaiden.. your here" sambit ko sa mahinang boses.

"i miss you so much astraea" aniya.

"i miss you too" sabi ko habang yakap yakap siya.

kumalas siya mula sa pagkakayakap saakin,

"kailangan na nating makaalis dito" sabi niya. tumango tango lang ako kay kaiden at binuhat naman ni kaiden si jerzel.

paglabas namin ng silid ay nagulat ako sa mga nakita ko nagkalat ang mga dugo sa sahig at sa mga pader.

ng makalabas kami ng basement ay bigla kaming napahinto nang harangin kami ng mga tauhan ni arturo.

ibinaba ni kaiden si jerzel.

"close you eyes and cover your ears, jerzel" ani ni kaiden na sinunod naman ni jerzel.

umalingawngaw ang sunod sunod na putok ng baril ni kaiden sa kagubatan.

"ahh!" napadaing si kaiden ng matamaan siya kaliwang braso niya, paglingon ko ay naroon si arturo na may hawak na baril at nakatutok kay kaiden.

"nagkita rin tayo kaiden! matagal ko ng inaasam na mangyari 'to" nakangising sabi ni arturo.

"pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo arturo!" mariing sabi ni kaiden habang nakatutok ang baril niya kay arturo. hindi nito ininda ang sugat nito sa braso niya.

humalakhak ito at pilyong ngumiti.

"wag na tayong magpaligoy ligoy pa kaiden, didiretsuhin na kita. buhay mo ang kailangan ko! gusto kong masira ka at ang pamilya mo!" galit na sabi ni arturo at sunod na putok nang baril ang pinakawalan niya, ngunit bago pa man tumama 'yon kay kaiden ay niyakap ko si kaiden.

"astraea!!!"

kusang tumulo ang mga luha ni kaiden at binalingan ng masamang tingin si arturo at kasunod noon ang pagbawi ni kaiden, binaril niya si arturo.

napalingon ako sa direksyon ni arturo at nakita kong nakangising nakatingin siya kay jerzel.

"k-kai-"

"shh-"

Bang! bang! bang!

"s-si jerzel!" kusang tumulo ang mga luha ko ng makita kong nakahandusay na si jerzel sa simento at wala ng malay.

"astraea.."

"kaiden... alagaan mo ang m-mga anak n-natin, mahal.. n-na mahal kita" sabi ko habang patuloy na umaagos ang luha ko.

"hold on astraea, wag mo akong iiwan please..." nagmamakaawang sabi ni kaiden habang hawak hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

"i wont leave kaiden... no matter what happen nandito lang ako..." sabi ko at kasabay non ang unti unting pagdilim ng paningin ko.



TO BE CONTINUED



After Marriage(IHYBILY Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon