Astraea POV
Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang mga anak kong nakikipag laro kay Jaycee, Jayvee, Lucas, kit, Mira at Elaina.
"Look at them ang lalaki na nila" sabi ko kay ate daisy.
Maraming bisita ang dumalo sa birthday ng tatlo kaya bukod kina jayvee ay may iba pa silang kalaro. Kumpleto rin kami ngayon, nandito si amy,kenzo,ate tina,ate maddie,westley,kuya Z,ate daisy at kuya darren.
Anak nila ate maddie si lucas at kit. Si Mira naman ay anak ni amy at kenzo at si Elaina ay anak ni ate Tina at Westley.
"Zael, Lucas bakit hindi kayo makipag laro kina Mavi?" Tanong ko sakanila. Silang dalawa lang kasi ang nakaupo dito sa tabi ko.
"They're too noisy" sabay nilang sabi kaya nagkatinginan silang dalawa at parehas pang napailing.
Na worried talaga ako dito kay Zael hindi kasi siya masyadong nagsasalita at hindi rin siya ganun kaclose kay mavi at jerzel. Buti nalang si jerzel at mavi ay gumagawa ng paraan para makausap nila ang kuya nila.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang presensya ni kaiden sa likuran ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at lumapit siya kay Zael at binuhat ito.
Kakatapos lang ng party at halatang pagod na sila mavi.
Kinarga ko si jerzel na nakaidlip na sa sofa. Tinapik tapik ko naman si mavi at zael at sinenyasan ko silang sumunod saakin. Nagtungo kami sa kwarto nilang tatlo. Kahit na may sari sarili parin silang kwarto.
Naghanda ako ng damit pamalit nila pero pinunasan ko muna sila para presko ang pagtulog nilang tatlo.
"Kids nag enjoy ba kayo?" Tanong ko sakanila.
Tumango tango naman silang biglang pagsang-ayon.
"Thank you po mommy" sabay sabay nilang sabi at lumapit sakin para yakapin ako.
"Si mommy lang?" Rinig kong boses ni kaiden na nakasandal sa may pintuan. Lumapit sakanya si jerzel at hinila ito palapit samin tsaka niyakap.
Proud na proud talaga ako sa mga anak ko!
Ng matapos ko silang mapalitan ng damit ay sumunod sila sakin sa kwarto namin ni kaiden.
"Daddy can we sleep here po?" Tanong ni jerzel kay kaiden.
"Of course baby" nakangiting sabi ni kaiden at biglang dinaganan silang tatlo. Nagtawanan naman sila Zael.
Napailing iling nalang ako sakanilang apat at kinuha ko ang cellphone ko para kuhanan sila ng litrato.
"Mommy took a picture of us!" Ani mavi. Napatingin naman sila sakin at isang ngiti lang ang isinukli ko sakanila.
Maya maya pa ay tumahimik na rin ang buong kwarto at kaming dalawa nalang ni kaiden ang gising dahil tulog na sila Zael.
"Nagaalala ako kay Zael" sabi ko sakanya na ikinakunot naman ng noo niya.
"Why?" Tanong niya.
"Hindi siya masyadong nakikipag usap. All he wants to do is to read a book o kaya naman manood ng tv" sabi ko.
"I let him play outside pero tinatanggi niya, ang laging sagot niya lang. I want to stay here inside" sabi ko pa kay kaiden.
"Ikaw na ikaw kapag nag seseryoso ka" dagdag ko pa.
"Alam ko.. hindi naman natin siya pwedeng pagbawalan sa gusto niya" sabi niya.
"Namimissed niya ang saya ng childhood yung tipong pasok na pasok kana bilang taong grasa dahil kung saan saan ka nagsususuot" sabi ko then i heard him chuckled.
"Mabuti nga at hindi na dumagdag pa sa pagiging pasaway si Zael" sabi niya.
"Mabuti na rin yun kung ganon dahil kay mavi at jerzel palang ay nastress na ako paano pa kaya pag dumagdag si Zael? Lalo na't walang araw na hindi nagtatalo si mavi at jerzel!" Sabi ko.
"Asar talo kasi si Jerzel parang ikaw" sabi niya sabay tawa.
"Wow! Palibhasa kasi nakuha ni mavi ang ugaling mapangasar mo!" Sabi ko sakanya na ikinatawa niya.
Sa totoo lang nakikita ko kay mavi ay jerzel ang sarili ko noong nagaaral pa kami ni kaiden sa S.A.U, yung tipong walang oras na hindi kami nagiinisan.
"I am planning to visit the university tomorrow" sabi ko kay kaiden. Kay kaiden naipamana ang Saint Antonette University at ang business ng dad niya kay ate maddie naman ang business ng sa mommy nila.
6:00
Maaga akong nagising dahil may pasok pa sila Zael sa school.
"Goodmorning babies" nakangiting bati ko sakanilang at hinagkan sila sa noo.
"Mommy si daddy po?" Tanong nila sakin.
"Pumasok na sa trabaho niya" sabi ko pa. Maagang pumasok si kaiden sa trabaho dahil balak niya daw na umuwi ng maaga.
"Kuya mavi pahingi nga ako niyan" rinig kong sabi ni jerzel habang tinuturo ang kinakaing cereals ng kuya mavi niya.
"Kay kuya Zael kana lang manghingi" sabi ni mavi. Hindi naman sila pinansin ni Zael bagkus tinulak lang ni Zael ang mangko palapit kay jerzel at kumuha nalang ulit ito.
"Thank you kuya" ani jerzel.
Ng matapos silang mag breakfast ay naguunahan silang tumakbo patungong kwarto nila.
"Mavi! Jerzel! Wag kayong tumakbo!" Saway ko sakanila.
Sinundan ko sila sa kwarto nila at ayun nagaaway nanaman si mavi at jerzel.
"Ako muna!" Sabi ni jerzel habang hinahatak si mavi palabas. Si mavi naman ay nakakapit sa may pintuan.
"Ako kaya ang nauna!" Ani mavi. Bigla namang sumingit sakanila si Zael at walang sabi sabing pumasok ng banyo.
"Ako ang kuya kaya ako ang mauuna" sabi niya at binigyan ng matalim na titig si mavi at jerzel.
Natigilan naman silang dalawa at napaatras ng isarado ni Zael ang pinto.
Tsk! Tsk!
"Marami namang cr dito pero naguunahan kayo" sabi ko st hinawakan sa kamay si jerzel at mavi.
To be continued.
Ang kyut ni Zael, mavi at jerzel hahahahah! Gusto ko silang gawan ng POV kaya abangan niyo sa next chapter ihihi!
Pasensya na kung masyadong mabilis ung paglaki nila HAHAHAH naexcite kasi ako e😅😂😂
BINABASA MO ANG
After Marriage(IHYBILY Season 2)
RomanceLet us all read the love story of Astraea and kaiden! How can they handle all the struggles that comes to their life? Magiging matibay kaya ang pagsasama nila ngayong may anak na sila? Are they willing to sacrifice? Date Started: 9/20/19