Kaiden POV
Magkahawak kamay kaming papasok sa loob ng bahay. Andito kami kila mom and dad, bihira nalang kasi kaming makadalaw sakanila.
"Kaiden, Irish! Mabuti naman at naisipan niyong dumalaw" nakangiting sabi ni mommy. Niyakap niya kaming dalawa ni astraea.
"Mom asan si ate?" Tanong ko. Ate mads is also married, minsan nalang rin kami kung magkita since nagiging busy narin si ate.
Pero kami parin ang nag hahandle sa grupo. Kenzo and Westley is still in the group.
"Papunta palang sila dito" ani mommy. Tumango tango lang kami ni astraea at nagtungo sa may living room.
"Irish, anak. Kamusta naman itong si kaiden?" Nakangiting tanong ni mommy kay Irish.
"Nako ma! Walang pinagbago nakakainis parin!" Sabi niya.
"Magkaka apo naba ako sainyo?" Nakangiting tanong ni mom.
Nagkatinginan kami ni Astraea at sabay na nilingon si mommy.
"Hindi pa siya buntis/Hindi pa po" sabay naming sagot.
"ANO!? Mag da-dalawang buwan na kayong kasal ah! Bakit wala parin?" Bumaling ang tingin saakin ni mommy.
Narinig ko ang mahinang tawa ni irish sa tabi ko.
Kararating lang nila ate at ang asawa niya kasama ang nagiisa nilang anak na si Leon.
"Ayos ka lang?" Bulong ko kay Astraea. Kanina pa kasi siya walang imik e.
Tumingin ako sakanya and she looks pale.
"You look pale, baby" sabi ko.
"Ayos lang ako" sabi niya. Habang masayang naguusap sila mommy,daddy at ate ay naramdaman ko ang paghawak ni astraea sakin.
Astraea POV
Napahawak ako sa braso ni kaiden. I feel dizzy, feeling ko ay anu mang oras ay babagsak ako.
"Irish?" Tawag sakin ni kaiden.
Hindi ko siya sinagot. Feeling ko ay umiikot ang paligid ko. I calm myself but everything went black.
"Kaiden..."
Kaiden POV
Muntik ng bumagsak si astraea mabuti nalang at nasalo ko siya.
Tumayo ako sa pagkakaupo at binuhat siya na animo'y bagong kasal.
"Dadalhin ko na siya sa ospital" hindi ko na sila pinagsalita bagkus ay dire-diretso akong nagtungo sa labas at sumakay sa kotse.
Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan at wala pang sampung minuto ay narating ko na agad ang ospital.
Nakaupo ako sa may hospital bench habang hinihintay ang doctor na lumabas.
"Kaiden! Anong nangyare kay astraea?" Nagaalalang tanong ni ate daisy.
"She passed out, but before that i saw her and she look pale" sabi ko.
Maya maya pa ay napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang doktora.
"Mr. Park?" Tumango tango ako. Ngumiti muna siya bago muling mag salita.
Why is she smiling?
"Congrats! She's two weeks pregnant!" Bigla akong natahimik at hindi alam kung anong sasabihin ko.
I don't know how to react!
She's two weeks pregnant!
She's two weeks pregnant!
BINABASA MO ANG
After Marriage(IHYBILY Season 2)
RomanceLet us all read the love story of Astraea and kaiden! How can they handle all the struggles that comes to their life? Magiging matibay kaya ang pagsasama nila ngayong may anak na sila? Are they willing to sacrifice? Date Started: 9/20/19