Chapter 19

2.7K 113 6
                                    

Astraea POV

"Zia ikaw na muna ang magbantay kay jerzel at mavi" sabi ko kay zia. Wala pa akong maayos na tulog simula kahapon.

"Sige po ma'am" sabi ni Zia na tinanguan ko lang at lumabas na.

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive pauwi.

When i got home sinalubong kaagad ako ni Zael.

"Mommy kamusta na po si mavi at jerzel?" Tanong niya saakin.

"Mavi is fine but jerzel... Hindi ko masasabing okay ang kapatid mo" Matamlay kong pagkakasabi sakanya.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Zael ang kamay ko at hinila ako papuntang kitchen.

"Daddy is waiting for you mom" sabi niya.

Nginitian ko lang siya at nagpahila sakanya papunta sa kitchen.

"You don't look okay Astraea, come here" ani kaiden. Umupo ako sa tabi niya.

"Pumapanget kana" sabi niya na ikinasimangot ko.

"Really kaiden! Ganyan mo ba icomfort ang katulad kong malungkot?!" Inis kong sabi sakanya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo Irish, look at you mukhang napabayaan mo ang sarili mo habang wala ako. Ang payat mo na nga pero mas pumayat kapa ngayon hindi kana maganda sa paningin ko" sabi niya.

Wow! Thank you! Sa compliment!

"Kaya mo ba ako minahal dahil maganda ako!?!" Iritang tanong ko sakanya.

"Ang sabi ko lang hindi kana maganda sa paningin ko. It doesn't mean na hindi na por que pangit kana sa paningin ko ay hindi na kita mahal" sabi niya at bigla niya akong hinagkan sa noo.

"I love you Astraea. Kumain kana para gumanda kana ulit sa paningin ko" sabi niya at nginisian ako.

Inirapan ko lang siya at ginalaw na ang pagkain na na nakahain sa harap ko.







"Astraea pansinin mo nga ako!" Inis na sabi ni kaiden.

Balakajan!

"Astraea did i do something that hurts you?" Tanong niya. Hindi ko siya tinignan ngunit kita ko ang seryosong mukha niya at ang matang nagmamakaawa na tignan ko rin siya pabalik.

"Please? Can you talk to me? Namiss kaya kita" sabi niya at niyakap ako.

Hmmm sweet!

"Astraea I'm sorry..."

Humarap ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.

"Umalis ka nga sa harap ko! Naiinis ako sayo!" Iritang sabi ko sakanya.

Pagkatapos niya akong sabihan ng pangit! Hmp! Bahala siya!

Tumayo ako at bubuksan sana ang pintuan para lumabas ng muli siyang magsalita.

"Where are you going?" Tanong niya.

"Wala kang pake" sabi niya.

"Meron akong pake! Hangga't hindi tayo nagkakaayos hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko" sabi niya at isinara niya ang pintuan.

Bumuntong hininga ako at binalingan siya ng tingin.

"Pupunta ako sa ospital kailangan kong dalawin si mavi at jerzel" sabi ko.

"Fine! Pero sasama ako" sabi niya. Wala akong nagawa kundi ang pumayag nalang dahil kung tatanggi ako ay siya parin naman ang masusunod.



Ng makarating kami sa ospital ay pumunta kami kaagad sa third floor.

"Zia?" Tawag ko kay zia.

"M-ma'am"

"Ayos ka lang ba? Bakit parang natatakot ka?" Tanong ko sakanya.

"M-ma'am si j-jerzel po n-nawawala" nauutal niyang sabi.

"Ano!?" Tumakbo ako papunta sa kwarto ni jerzel at nanlumo ako ng makitang wala sa hospital bed ang anak ko.

"Zia! Nasaan si Jerzel?"

"H-hindi ko po a-alam ma'am, pag pasok k-ko n-nalang po kasi sa k-kwarto ni jerzel ay wala na siya doon" sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang sabunutan ang sarili ko.

"Zia! Bakit hindi mo agad ako tinawagan!?" Sabi ko.

"N-natakot po kasi ako" sabi niya. Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya at ang nanginginig niyang kamay.

"Kaiden wala si jerzel" naluluha kong sabi.

"Mavi is inside his room pero si jerzel ang wala" sabi ni kaiden.

We both went to the cctv room ng hospital.

"Ma'am, sir wala po talaga e" sabi ng guard.

"Sigurado ka ba diyan? Baka naman nakaligtaan mo lang" sabi ko.

"Wala po talaga ma'am" sabi nito.

"May ibang tao bang nakapasok dito bukod sainyo?" Tanong ni kaiden.

"Wala po sir" sabi nito. Wala kaming nagawa kundi ang lumabas nalang.

"This is impossible. Sa tingin ko ay may nagbura ng cctv clip" sabi ni kaiden.

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong ko.

"Oo... Can you stay here for a while? Bantayan mo ng mabuti si mavi, may kailangan lang akong alamin" sabi niya at walang sabi sabing naglakad palayo.

Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang papalayong bulto ni kaiden.

Pumasok ako sa kwarto ni mavi at nakita ko si Zael na nakahiga sa sofa at natutulog.

"Bakit kailangan mangyari to?" Tanong ko sa aking sarili.

Bakit kailangang madamay ang mga anak ko!? They were too young! Too innocent para sa mga ganitong ganap!

Sana ako nalang... Because seeing them suffering makes my heart ache!


To be continued.

After Marriage(IHYBILY Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon