TFF PROLOGUE

1.2K 33 2
                                    

"Sa gusto at sa gusto mo, sasama ka sakin." sabi niya na halatang galit na galit at sabay hila sakin. Ang sakit ng pagkakahawak niya ng kamay ko.

"Di ko naman gusto ah." Pasalamat tong lalaking to at siya yung pinagnanasaan ko dati sa fb kaya di ko magawang magalit. Ay correction, hanggang ngayon pala pero syempre sa personal na din at hindi lang sa fb. Secret lang natin to ah.

Kung tatanungin niyo ako kung sino siya. Siya lang naman si BRYLLE ART MENDEZ. Pangalan pa lang, may dating na. Siya yung 6 months ko ng pinagnanasaan sa fb. Kinukuhaan ko lagi ng picture sa fb at ginagawa kong wallpaper. Ang gwapo kasi talaga niya. Sa fb ko lang siya nakilala pero hindi ko alam na schoolmate ko pala siya. Hindi kasi nakalagay sa timeline niya. Samar ang nakalagay na place dun kaya kampante akong nasa malayong lugar siya. Manila kaya ako. Super layo di ba? Yun ang pagkakamali ko, di ko talaga siniguradong malayo siya. Nilandi-landi ko pa naman. Kasalanan ko talaga to. At bakit siya galit na galit? Di ko din alam. Aalamin ko pa lang.

Haaaay. Gulaaaaay. What to do? Mukhang di na ako nito papauwiin ng buhay eh.

Mama, papa, lolo, lola, kuya Clyde, Gio, baby Brent, mahal na mahal ko kayooooo.

Sa lahat ng mga kaibigan, kamag-anak, at mga nakakakilala sa akin, mahal ko din kayoooooo.

Goodbye world.

-----SAM-----

THE FACEBOOK FLIRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon