Hindi ko na naramdaman ang haplos ni Mr. Lamudo sa aking mga hita. Tila napako na lang ang mga mata ko sa taong kakapasok lang.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko. Walang pagbabago. Everytime I'm near his presence, halos hindi ko na maramdaman ang puso ko, dahil sa kanya lang halos ito tumibok.
Franco..
Nang umikot ang paningin nito sa buong silid at dumako ang paningin nito sa akin ay mabilis itong nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung nagulat ba siya o hindi lang ako nito nakilala. Sabagay, sa suot kong damit ngayon at make-up, hindi na nakakapagtaka kung hindi ako nito nakilala. Well, hindi naman niya ko nakilalang ganito noon. I prefer light make ups back then, and pretty dresses, too. Not this kind of dress.
"Good evening ladies and gentlemen," he said with his deep, sexy, baritone voice. Halos hindi ko mahabol ang hininga ng marinig kong muli ang tinig nito. It's been so long..
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng mga escorts ng mga businessmen na ito dito sa meeting room. Siguro ay para makatsansing habang naiinip sa kung anong pag-uusapan nila rito.
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Franco. He seems oblivious too. Franco's a beautiful man way back. At hindi nagbago iyon. Bagkus ay nadagdagan pa nga. He's muscled all over. He still make every woman's knees weak, at napatunayan ko iyon dahil lahat ng babaeng kasamang escorts ng mga kalalakihan ay nakamasid kay Franco. I can't even blame them. I was once got obssessed and addicted to him.
Was?
Naglakad si Franco sa upuan nito. Nasa kanan ang upuan namin ni Mr. Lamudo. Habang si Franco naman ay nasa pinakaunahan. Like a king in his majesty. Titig na titig pa rin ako sa kanya. I know he's hardworking. And I can't believe he'd reached this far. Ang may-ari ng Buena Co Hotel ay si Franco Buenavidez?
Oh right. "Buena" for Buenavidez and "Co" from Franco. Am I right?
Halos masamid ako ng sarili kong laway nang tumingin ito sakin. Nakakunot ang noo, tila pinag-aaralan kung kilala ba niya ko. Nag-iwas ako ng tingin. Ramdam ko ang kalabog ng aking puso. Sana naman ay hindi ako nito namukhaan.
Pero agad akong nagsisi sa pagtingin ulit sa kanya ng makita ko siyang nakatingin sa akin ng mataman. I swallowed hard. Oh, damn. Stop staring.
I heard him cleared his throat.
"Let's start this meeting and let's get this done." Maawtoridad nitong sabi. "I am planning to build another hotel in Batangas. I have already trusted engineers talked about this," he added. His secretary, i guess, handed some portfolios at the table. Nasa portfolio ang blueprint ng sinasabing hotel, location, and materials needed.
"You planned this beforehand without considering us first?" Sabad ng isang businessman. Medyo iritado.
"This is my hotel. Whether you like or not, I'll build my hotel." Sabi ni Franco.
Umawang ang bibig ko. God, he's so rude!
"Mr. Buenavidez, ang plano mo ay handa na without informing us. Board members pa rin kami rito, and you need us to make this happen. Malaking pera ang kakailanganin para ipatayo ito." sabi ni Mr. Lamudo, emphasizing the word without.
Oh, he's a board member in Buena Co Company?
"I don't care. I held this meeting just to inform you. Umalis kayo sa company ko, wala akong pakialam." Umigting ang panga nito nang tumingin sa akin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Bumaba ang tingin ni Franco sa kamay ni Mr. Lamudo na nakadapo sa legs ko.
Did he recognize me? God, why is he so hot?
"B-but Mr. Buen—"
"Meeting adjourned." Pinal na sabi ni Franco.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."