Chapter Nine

7 0 0
                                    

Since it's my special day, my birthday.. Happy reading! 🖤



MAAGA akong gumising ngayon. Dahil linggo naman ay magaan ang pakiramdam ko dahil half day lang kami sa shop ngayon. At least, makakapaghanda pa ko bago ang pagkikita namin ni Franco mamaya. The thought of us meeting up later gave me a warm giddy feeling inside that makes me blush.

Ano Chaos? Excited masyado? Crush mo? Crush mo no?

Franco..

Everytime I say his name, agarang bumibilis ang tibok ng puso ko. It's like as if the name was born for me to say it. Even his name is so manly, like an ancient name given for handsome men, and he is.

Bumangon na ko at naghanda. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Is it because today is sunday? Or of what happened last night? Or we'll meet up later?

Hmm. Maybe.. all of them.

I sighed. Kakatapos ko lang makapagbihis ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko.

Franco:
Good morning. I'll see you later.

Agad akong napangiti. Even his texts were precised, it is such a turn on. Kompleto ang mga salita, tamang mga letra, tamang mga punctuation marks.

Inayos ko ang uniform ko at lumakad na. Siguro naman ay konti lang ang mga customers ng shop ngayon. Wala namang pasok ang mga katabing universities kaya konti lang talaga.

Pagdating ko sa shop ay nandoon na sina Faye, Zev, at Rayl. Mas nauna lang ng konti si Zev dahil siya ang nagbukas ng shop. Kasunod ang mga cook at naghahanda sa kitchen.

"Good morning!" Masiglang bati ko. Ngumiti at tumango lang si Rayl at Zev.

"Good morning! Wow! Blooming ka! May boyfriend na?" nanunuksong tanong ni Faye.

I rolled my eyes at her. "Bakit ganyan ka? Pag gumaganda, may boyfriend agad?" natatawang sabi ko. I smirked. Pilit tinatago ang tuwa matapos may maalala. Maybe, I was really happy when I think of him.

"Aba siyempre! Hindi ka naman sasaya kung walang nagpapasaya sa'yo, hindi ba?"

"Oo nga Cha, ano? May boyfriend na ba? Paano ba 'tong manok namin?" nakangising sabi ni Rayl habang tinitignan si Zev na tahimik lang pero halatang interesado sa naririnig. Tumawa naman si Faye.

"Ayun, hanggang manok na lang," sabi ni Faye at tumawa pa lalo. Pigilan kong tumawa kaya naman binaling ko na lang sa menu ang tingin ko.

"Kayo talaga. Dumaan lang ang sabado, akala niyo may boyfriend na agad? Ano yun? Magdamag lang nakahanap at nanligaw?"

"Malay namin kung may tinatago kang manliligaw, Cha. Si Zev nga, tagal ng may gusto sa'yo pero torpe pa rin." sabi ni Rayl. Agad namang kinuha ni Zev ang mga patong patong na tray at nilagay malapit sa counter. Dumaan ito sa likod ko ng tahimik pa rin.

"Stop it, guys," Zev sighed and went to the flowers near the window to arrange it.

Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan. Nagalit ata si Zev. "Tama si Zev, tsaka wala naman talaga," naiiling na sabi ko. Si Faye naman ay nasa mukha na halatang hindi siya naniniwala. Habang si Rayl naman ay may mapang-asar na titig sakin at lumipat kay Zev na abala sa pag-aayos ng mga bulaklak.

Ang aga aga, nanunukso naman agad ang mga ito. Ayan tuloy, baka nawala sa mood si Zev.

Busy na kaming lahat sa pag-aayos dahil may mga customer na din nang biglang napansin ko ang isang itim na BMW, kakapark lang.

Loving ChaosWhere stories live. Discover now