"TALAGA bang aalis ka na dito, Cha?" Halos maluha-luhang wika ni Faye matapos malaman ang aking pag-resign sa coffee shop. Nakatayo kami malapit sa counter at cashier, even Rayl and Zev were listening and looking at me. Hindi na rin ako naka-uniform ngayon. Pumunta lang talaga ako ngayon para magpaalam sa kanila.Kahapon ay nagpaalam na nga ako kay Miss Valledo na magreresign na ako. Noong una ay hindi pa sana siya agad papayag pero dahil nga malapit ang coffee shop sa isang university, maraming estudyante ang nag-aapply for part-time jobs. Kaya naman hindi nahirapan si Miss Valledo maghanap ng kapalit ko. In fact, meron na nga akong kapalit na mag-uumpisa nang magtrabaho maya-maya lamang. Nandito na lang ako para magpaalam sa kanila.
Bago ako ihatid kahapon ni Franco sa apartment ay nag-usap na kami para sa pagtira ko sa kanyang bahay. Sabi niya ay ayaw niya akong malayo sa kanya kaya hindi na ako makatanggi. Knowing Franco, he won't take no for an answer. Isinama pa niya ang mga gamit ni Daddy para kapag lumabas na si Dad, didiretso na kami sa kanyang bahay. Gusto ko mang umangal pero sa katigasan ng ulo ni Franco, walang wala ang aking pagtanggi mula dito.
I sighed. "Yeah, Faye. I'm sorry sa biglaang pagsasabi. Franco offered me to be his secretary, ayoko man kayo iwan dito dahil napamahal na ako, hindi ko naman maiwasan isipin ang pwede kong swelduhin para kay Daddy," Mahinang sabi ko. Alam kong alam din nila ang sitwasyon ng Daddy ko. Hindi ko naman inilihim iyon sa kanila.
"Wala nang maganda dito sa coffee shop dahil aalis ka na," singit ni Rayl na medyo ikinangiti ko. Si Zev ay nakatingin lang sa'kin pero kita naman ang kalungkutan sa mga mata nito.
Bigla namang hinampas ni Faye si Rayl. "Anong tingin mo sa'kin, Rayl? Hindi maganda?" Asar na sabi ni Faye at piningot si Rayl. Napangiwi naman ako at natawa na lang.
"Aray! Talaga namang braso yan oh! Ang bigat!" Reklamo ni Rayl habang inakbayan naman ni Zev si Faye. Faye looked at him.
"Oh, loverboy, paano ba yan? Hanap na lang ng iba. Aalis na si Kaguluhan dito." Tukso ni Faye. I creased my forehead. Kaguluhan?
"It's fine," sabi ni Zev at tumingin na sa akin. "I'll–We'll miss you here Chaos. Iba pa rin talaga kapag tayong apat ang nandito." Sabi ni Zev na nagpangiti sa akin.
"Mamimiss ko din kayo. Naging mahalaga na rin kayo sa akin. But don't worry guys, I'll visit you all here kapag free days ko." I smiled at them. Rayl then rubbed his nape and looked at me.
"Hindi man lang napagbigyan 'tong manok namin." He looked at Zev and Zev hit him softly. Rayl groaned.
Si Faye naman humagikhik sa dalawa. She went to me and hugged me.
"Bye, Cha. Keep in touch, ha?" I rubbed her back and chuckled.
"Oo naman. Tsaka hindi naman malayo dito ang magiging trabaho ko. I'll visit you guys," sabi ko. Nakaka-touch at nakakaiyak talaga ang pag-alis ko dito.
Rayl just tapped my shoulders but I was taken aback when after him, Zev hugged me.
"Take care," he whispered.
Naiilang na tinapik ko na lamang ang balikat nito. I smiled awkwardly.
"Yeah. I'm sorry," mahinang sabi ko na kami lamang ang nakarinig. I don't know, but I think I need to tell him that. Maybe for his closure or what. But it feels nice but sad saying those words for him.
"Don't be," sabi nito. I know he respects me and that's what I liked the most about him. Siguro ay naramdaman na rin niya na hindi pa ako open o handa sa isang relationship noon that is why he never confessed to me or took advantage of me. Sa ilang taon ko ditong pagtatrabaho, ganoon na niya ako kakilala. Kaya naman hindi ako naiilang o nag-aalangan sa kanya kasi alam ko, alam niya kung hanggang saan lamang siya.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."