"F-franco.."Tila napako ako sa kinauupuan ng mamataan ang bulto nito na nakatayo malapit sa entrance. I blinked twice to make sure he was really there. What the..
Ang tikas ng pagkakatayo nito ay tila ba siya ang may-ari ng Sacred Heart Hospital. The way he looked at us made me completely lost for words.
Why is he here?
Heto na nga ba ang kinakatakutan ko. Ang malaman niya ang totoo. Ang matagal kong itinago mula ng mawala siya sa buhay ko ilang taon na ang nakakaraan. Kung paano ko nagawa iyon ay hindi ko na matandaan. I loved him. I love him still. Siya ang mundo ko noon, sa kanya umikot ang buong atensyon ko. That is why when he left, I lost myself. I lost all the will. Kung hindi lang sa Daddy ko, malamang matagal na akong sumuko.
I want him to come back to me then. But I resist myself. Hindi tama iyon, hindi tama na siya ang nang-iwan pero ako yung hindi makabangon. That's unfair, right?
My love for him made me, and that is why his love still will free me.
Kahit anong excuse ang isipin ko ngayon ay alam kong hindi niya papaniwalaan. He knew my father. He knew me, and that is really unfair. But the years he was gone made me who I am now. He doesn't really know me now. He only knows the teenage Chaos, not the now Chaos in front of him.
Pinilit kong tumayo para makatingin sa kanya ng maayos. Mabuti na lamang at hindi nangatog ang mga binti ko, kung hindi ay kanina pa ako nabuwal sa presensiya niya.
Nakaigting ang panga na dahan dahang lumapit sa amin si Franco. Matiim ang titig nito sa akin, at maya maya ay lumipat sa tabi ko. Ang ama ko naman ay napatingin kay Franco. Tila ba minumukhaan ito at pinag-aaralan.
Franco stood beside me and look at my father.
"Mr. Del Prado," acknowedge nito kay Daddy. Bahagya pa siyang malumanay at kalmado. But I know deep inside, he has so many questions running in his handsome head. Na tila maya maya ay uulanin ako ng mga tanong galing sa kanya.
Napapitlag ako ng maramdaman ang pagbalot ng kanyang braso sa aking bewang. He snaked it around me possessively.
Dumako naman doon ang tingin ni Daddy. Kinabahan ako at napalunok. I don't know what to do!
I know I owe him answers but.. Damn it! Hindi sa ganitong paraan at hindi kadaling panahon!
"Yes, Mr..?" Untag ni Daddy.
Franco cleared his throat and offered his hand to Dad. "Franco Buenavidez, Sir. Remember me? I was almost your investor back then," he said. Kahit nag-aalinlangan ay tinanggap ni Daddy ang pakikipagkamay ni Franco.
Nataranta ako sa sinabi nito. No! Hindi pwedeng malaman agad ni Daddy. Hinawakan ko ang braso ni Franco at pilit inalis sa bewang ko.
"F-franco," I looked at him in the eye, tila nagbabanta.
He just stared at me. Now he has that grim expression, na tila ba ako ang may kasalanan kaya magpaliwanag ako.
"Almost? Oh, hindi ko na masyadong matandaan, Mr. Buenavidez but, okay." Sabi ni Daddy pero nakatingin pa rin sa kamay kong nakahawak sa braso ni Franco, at sa braso naman nitong nakapulupot sa bewang ko.
Franco smiled at my Dad. "It's okay, Sir."
"Uhm, Cha, anak?" Baling sa akin ni Daddy na halatang nagtatanong kung anong meron. I cleared my throat at tila nawalan ng sasabihin.
Ano nga naman ang sasabihin ko? Na ex-MU ko si Franco? What the hell? At isa pa, may label ba kami ngayon? Wala namang sinasabi si Franco sa akin.
"Uh, D-daddy.."
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."