TITIG na titig ako sa kisame kinabukasan. Hindi nga ata ako natulog kakaisip sa halik ni Franco. Inabot na 'ko ng alas siyete ng umaga kakaisip.
Why would he kiss me? Is he out of his mind? At bakit ganon na lang mag-react ang puso ko sa halik niya? Ang tagal na mula ng magkaroon ako ng intimate relationship with someone, at sa kanya lang. The eighteen-year-old me has long gone. So why?
I sighed and got up, kesa naman magmukmok ako dito magdamag at isipin lang ang walang kwentang halik ni Franco. Maybe.. Maybe he was drunk?
Nah.
Naligo ako at kumain. Sinuot ko ang uniform saka nilagay sa paper bag ang boots, sa shop ko na ito isusuot. Pupunta nga pala ako ngayon sa bangko para magbayad. Baka tumawag na naman ang ospital para magpaalala.
Palabas na sana ako ng kwarto ng makita ang malaking tsinelas ni Franco sa sala. Tinitigan ko ito ng matagal at nakakainis, bumalik na naman sa isip ko yung nangyari kagabi. Hindi tuloy ako pinatulog.
Pero okay na rin siguro ito. Wala pa naman akong pambiling bagong tsinelas kaya pagtyatyagaan ko muna ang malaking tsinelas ni Franco. Hindi niya naman siguro kawalan ito sa yaman nito ngayon. Kayang kaya nitong bumili ng factory ng pagawaan ng mga tsinelas.
I walked out in the apartment ng tumunog ang cellphone ko. Speaking of.. Damn.
"Hello?"
"Miss Del Prado! Good day. This is the Sacred Heart Center. I would like to follow up the said date of your payment for the month of January. How is it going?" Ramdam ko ang ngiting bati ng reception nurse.
"Yeah, uh, actually, I'm on the way to the bank to lend the money," I said.
"Oh! Okay Ma'am. Take care po," sabi nito.
"Thanks. Uh, how's my Dad?"
"Mr. Del Prado seems stable and is responding to his treatments Miss. May times lang na hinahanap ka niya. He misses you," Sabi ng nurse.
Nakadama ako ng init. Naramdaman kong naiiyak na naman ako. I miss him, too.
"Tell him I'll visit him soon, may mga tatapusin lang po ako," pinigilan ko ang lumuha.
"Okay Miss. Have a nice day," she hang up.
I sighed at nagpatuloy na sa paglabas. Don't worry Dad, I'll visit you. Hahanap lang muna ako ulit ng pera.
Tinext ko si Miss Q kung may booked na ba sa akin. Ang tumal ko ata. Ano ba yan.
To: Miss Q
Hello Miss Q! May booked na po ba?
Kinapalan ko na ang mukha ko. Bahala na. Kailangan ko ng pera para kay Daddy. Eto lang kasi ang malaki laking kitang sideline na sinabi sa akin ni Kira. Ayoko rin naman mag-part time job sa pinagtatrabahuan nito. Baka maubusan na ko ng oras sa The Taste.
From: Miss Q
Chaos, hi. As of now, wala pa sa'yo eh. I'll update as soon as meron na.
I sighed. Wala pa. Di bale, patience is a virtue. Pero swerte pa rin kung araw araw ako naka-booked eh. Malaki laki ang perang maitatabi ko.
To: Miss Q
Thanks Miss.
Inayos ko ang buhok kong nakaharang sa noo at naglakad na. May this day be a good day.
"ANG AGA mo ha," bungad ni Rayl sa akin pagdating ko sa The Taste. Sabagay, 8:47 am pa lang. Usually ay eksaktong 9am talaga ako pumapasok. Si Rayl ang taga-bukas ng shop. Siya lang kasi ang may susi sa aming mga staff dito. Ang lapit lang naman kasi ng bahay nila, sa kabilang kanto lang.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."