Chapter Four

3 1 0
                                    


"CHAOS, una na ko ha?" Sabi ni Faye.

Hindi ko nalamayan na alas otso na pala ng gabi. Halos wala na ring customer dito sa shop at sina Rayl at Zev ay nag-aayos na. Sa sobrang pag-iisip ko kay Franco ay hindi ko na din namalayan ang pag-alis nito. Nag-stay lang kasi ako ng matagal sa kitchen at kunwari ay may inaasikaso.

"Sige Faye, ingat." Nakangiting paalam ko.

"Hindi ka pa ba uuwi, Cha?" Tanong ni Zev at lumapit ito.

Inayos ko ang nagusot kong uniform. Nagtanggal ako ng boots at nagpalit ng mas komportableng tsinelas.

"Paalis na rin Zev. Ingat Rayl!" Pahabol ko ng makitang kumakaway sakin si Rayl, palabas na ito ng shop.

"Uwi na din kayo. Wag maglampungan ha! Hoy Zev, umayos ka. Hindi ka gusto niyan!" Asar ni Rayl.

Zev gave Rayl a fuck you sign. "Ulol!"

Napailing ako. Kailangan ko na din umuwi. Maaga pa ko bukas para pumunta ng bangko. Gusto ko sana bisitahin si Papa pero hindi naman pwede na basta basta na lang ako umabsent dito sa The Taste.

"Hatid na kita?" Alok ni Zev. Nakita kong nilabas nito sa bulsa ang susi ng kotse nito.

"Uh, hindi na Zev. Salamat na lang, uhm.. May dadaanan pa kasi ako eh," I said as an alibi. Ayoko ng makaabala pa kay Zev.

"Pwede naman nating daanan yan Cha, come on." Zev.

"It's okay, really. Sige, Zev. I'll go ahead." Mabilis na paalam ko at pumunta na sa sakayan ng mga jeep.

Bago makalayo ay lumingon pa ko ng konti kay Zev, I saw him watching me leave. Naiiling ito pero nasulyap ko ang munting ngiti doon.

Walang alinlangang dumiretso na ako. Ayokong sa simpleng desisyon ko ay mas maging komplikado ang lahat. Alam ko mang malinaw kay Zev na wala itong pag-asa sakin, ayoko pa din namang samantalahin ang kabaitan nito. He don't deserve someone like me.

"Oh shit!" Napamura ako ng makitang naputol ang tsinelas ko. Damn. Kung kailan naman pauwi na. Hay.

Tinanggal ko ang tsinelas at nagpatuloy sa paglalakad. Ayos lang naman dahil sementado naman ang daan. Marami pang ilaw dahil alas otso pa lang at marami ring taong nagja-jogging malapit sa park.

Hindi pa ko pwedeng bumili ng tsinelas ngayon, kailangan kong magtipid dahil sa susunod na buwan ay maghuhulog ulit ako sa hospital. Ayokong matambakan ng utang. Ayoko ng bumalik sa panahong kumakatok ako sa mga tinuring kong kaibigan noon pero hindi naman ako tinulungan.

How fool I am. Sa panahon ngayon, bihira na ang taong sincere na kaibigan. Everything has a price. Sa yaman namin noon, ang dami talagang gustong kumaibigan sa akin, and as a naíve teen I am, I gave everything to please them. But now, I have learned my lesson.

Nagugutom na 'ko. Pero medyo malayo pa ang tinutuluyan ko mula rito. Mas pipiliin kong maglakad na lang at itabi ang perang nasa bulsa ko kesa mag-aksaya ng pera.

Mula ng malugmok ang business namin ay doon ko nakita ang kahalagahan ng pera. Kung alam ko lang, tinapos ko na sana ang pag-aaral ko, ang pangarap ko, ang mga gusto ko. Sana, hindi ako nagsisisi ngayon.

Pero kahit anong gawin ko ngayon ay hindi na magbabago ang lahat. Ang dapat ko na lang gawin ay tanggapin kung anong meron at nangyari ngayon. If this is the sacrifice and punishment He gave us for being so high then I'd embrace it.

I just wish Mommy's here. Everything could've been better.

I felt my tears rolled down my cheeks. Hanggang ngayon, ang bigat pa rin sa pakiramdam. Hanggang ngayon, nakakapanghinayang pa rin.

Loving ChaosWhere stories live. Discover now