Halos walang imik kaming tinatahak ang byahe papasok ng Manila. Franco seems preoccupied, too. Hindi ko na tinangkang magsalita pa dahil sariwa pa rin sa akin ang halik na nangyari sa boardwalk. The way his lips nipped my lower lip, his breath near my lips, and his tongue devoured my insides made me so weak. Nag-iinit ang pisnging bumaling ako sa bintana.
Kitang kita ang lawak ng karagatan habang binabagtas ang daan at ang hangin ay sariwa, amoy na amoy ang alat ng dagat. Sinara ko ang bintana. Baka magalit na sakin si Franco dahil sayang ang aircon.
Naisip ko, ibang iba ang halik na ginawa ko noon sa kanya. All I did was to press my lips on his and nip a little. Halik ba yun? I bit my lower lip.
"What are you thinking?" Tanong ni Franco na nakasulyap pala sa akin.
Agad lumakas ang tibok ng puso ko sa hiya at kaba. "Nothing."
"Are you alright? Are you uncomfortable?" Anas nito.
"Hindi naman, Franco. I'm fine."
But all I think about is why we ended up kissing on the beach. Does that mean something? Sabi niya ay masaya siya dahil nagkita ulit kami. I am, too. A part of me says this is a chance, a second chance for us. Pero ang hirap pa rin tanggapin. Ni hindi niya pa alam kung anong nangyari sa akin within those three years. Alam kong paunti unti ay nagtatanong siya, gustong malaman at pasukin ang utak at pagkatao ko. At the beach, I let a part of myself be seen by him, where all the pain subsides.
"Did you resign, already?" Napabalik kay Franco ang atensyon ko. His veins in his arms were showing as he hold the steering wheel a little bit tight.
Shit! Oo nga pala! Bakit nawala sa isip ko iyon? Pero..
"Uh, hindi pa Franco." Sabi at balik ulit sa harap.
"Why? I told you to resign already. I hate your work in that agency. You don't suit there," anas nito. Napataas ang kilay ko. At saan ako nababagay, aber?
"Pero, malaki ang kinikita ko doon. Hindi pwedeng basta na lang ako mag-resign," Ngumuso ako. Naisip ko si Papa. Paano na ang gamutan niya?
"Bakit ka nagtatrabaho doon? Besides, I have never imagine you working in that kind of work," Franco stared at me for seconds. He clenched his jaw, tila biglang lumalim ang iniisip nito sa mga sinabi.
Nagulat ako doon. Hindi ko maisip na napapansin niya ang maliit na detalye sakin noon. Bigla akong kinabahan. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin sa kanya?
I took a deep breath. I want to be open to him but I'm afraid, afraid that he'll think differently of me.
But he thought differently of you, years ago Chaos.
"I had to," maliit na boses na sabi ko, hindi makatingin sa kanya.
Naramdaman ko naman agad ang pagbagal ng patakbo nito sa kotse. Tapos ay lumingon ulit sa akin.
"Had to? Why?" Nakakunot ang makapal nitong kilay. Nadidistract ako sa kuryosong mga mata nito. Maybe a little bit vulnerability won't hurt huh?
"Three years ago, lumubog ang company namin Franco. Nawala sa amin ang kompanya. Dahil doon, na-stress si Daddy. Hindi siya maka-function ng maayos at makapag-isip, hanggang sa napabayaan niya na talaga ang kompanya," huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko nagbara ang lalamunan ko. This topic always hurt me, everytime. "Sinubukan ko namang ayusin at isalba iyon. Kinuha ko ang service ng trusted lawyer namin. B-but.. but I don't know how it works, and the investors and b-boards.." hindi ko matuloy tuloy ang kwento ko dahil sa bara sa lalamunan. Naramdaman kong humapdi ang mga mata ko. Now damn, I'm crying.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."