Chapter Twelve

6 0 0
                                    


Sikat ng araw ang tumama sa mukha ko dahilan kung bakit nagising ako. I moaned. Antok na antok pa ko at gustung gusto ko pang matulog. Kahit mataas na ang araw ay malamig pa rin ang klima. Pero dahil sa mabangong unan na yakap ko ay napapasarap ang tulog ko. Ang sarap matulog.

Dinikit ko ang pisngi ko sa unan. Imbis na malambot ang maramdaman ay bakit matigas? I half-heartedly touched the pillow. Matigas talaga!

Iminulat ko ang mga mata ko. And to my horror! I saw Franco, peacefully sleeping beside me. At ang yakap ko'y hindi unan kundi ang katawan niya. Kaya pala matigas ang nahaplos ko eh. And he smell.. So nice. Oh, damn!

Agad gumapang ang init sa buong katawan ko. Nag-iinit ang mga pisngi. Ano bang ginawa ko kagabi at nauwi kami sa yakapan? Wala naman ah. Ang huling natatandaan ko ay humiga ako ng payapa at inantok na. I am now aware of his arms holding me like he doesn't want to let me go. His lips just above my forehead. Sobrang lapit at alam kong konting tingala ko lang, magtatagpo na ang mga labi namin! Hindi pa ko nagto-toothbrush!

Chaos! Wake up!

Sa naguguluhang puso ay unti unti ko ring nahanap ang utak ko. I need to let go in this posisyon. Hindi ko maaatim ang kahihiyan kapag nagising siyang yakap ako!

Sa magaan na hawak ay maingat kong inangat ang braso nito mula sa katawan ko. Pero hindi ko pa tuluyang naaangat ay dumiin pa lalo ang nakayakap niyang braso. I heard him groaned.

"Let's stay like this for a while and sleep," his bedroom voice sounds sexy. Napalunok ako sa kaba.

"F-franco, get off. It's already lunch." Sabi ko at tinangka ulit tanggalin ang kanyang braso pero hindi na naman ito kumilos. Kulong na kulong talaga ako.

Mataman namang bumaba ang mga mata nito sa akin. Ang malamlam at inosenteng mga mata ay nakatitig na ngayon sa akin. His lips are in a pout mode.

Cute.

"Are you hungry?" He whispered. Gumapang ang kamay nito sa likod ko papunta sa baywang ko, sa gilid. His touch made me tremble. Agad akong lumayo dahilan kung bakit natanggal ang hawak nito sa akin.

"Uh, oo. M-mag-aayos lang ako at magluluto na ako." Nag-iinit ang pisnging sabi ko saka bumangon na sa kama. Pero bago pa ko tuluyang makababa ay hinagit na ako ni Franco kaya napabalik ako sa kama, malapit sa kanya.

He moved closer to me. "Good morning," he huskily said and I saw his smile. A genuine smile.

I cleared my throat. "G-good morning," sabi ko at pumasok na sa banyo. Halos hindi ko na siya matignan pa sa mata.

Halos hingalin akong tumitig sa salamin. Kaya pala ang sarap ng tulog ko. Ang sarap ng yakap ko, akala ko unan!

I could still remember the feeling of his touch, the warmth of his embrace. I feel so secured.. and safe. Napatitig ako sa repleksyon. Ang tagal na simula ng maramdaman ko ito. Ang pagiging safe at secure. Pero mula noon at hanggang ngayon, sa iisang tao ko pa rin iyon nararamdaman. Walang bago.

I sighed. Napahawak ako sa aking bewang. His touch made me blush. Aminin ko, siya at huling lalaki ang nakahawak sa akin ng ganon. Simula ng bumaligtad ang mundong ginagalawan namin, hindi na pumasok sa isip ko ang estado na iyon ng buhay ko—love and intimacy. I was always preoccupied with my Daddy and his medications. Kailangan kong kumayod ng kumayod para may maipambayad sa ospital ni Daddy. Always bear in mind that Daddy needs me and he is the only one I got.

I bit my lower lip. This is the first time again and it is Franco again.

Naligo na ako at nag-ayos. I rolled my eyes at annoyance when I realized na hindi ko pala dala ang damit ko. Tanging mga roba lamang ang nakita ko dito sa closet. Well, mabuti na rin ito kaysa naman nakatapis lang ng tuwalya lumabas. Mas mahirap yun dahil alam kong nasa labas lang si Franco. I got one and went out.

Loving ChaosWhere stories live. Discover now