INIWAN ko na si Faye at pumunta sa isa sa mga customer sa counter. Dahil kung hindi, maghapon lang kami mag-aasaran at wala na naman kaming matatapos na trabaho. Napakamapang-asar pa naman nun."Good day, Sir! What is your order?" Tanong ko sa isang estudyanteng umoorder. Si Rayl ay busy sa pag-aarange ng orders at take-outs sa cashier.
The student smiled at me. Sa ngiti nito, halatang hindi nalalayo sa edad ko ang edad nito. Maya maya ay may lumapit pa ditong dalawang estudyante din na lalaki.
Nakangisi ang mga ito na parang tinutukso ang kaibigan nila.
"Uh, isang mocha l-latte at tatlong brownies, M-miss," sabi nito.
I smiled at him. "Right away," bago tumalikod ay napansin ko pa ang nanunuksong mga tinginan ng mga kaklase nito.
I sighed. Sorry. I like men way older than my age.
An image of Franco suddenly crept into my mind. I smiled. I miss him though.
Simula kaninang umaga na simpleng good morning nito, wala na itong masyadong ibang text. Marahil ay naging busy din ito sa trabaho. Now I remember his offer, his secretary huh? He must be kidding. Bukod sa hindi ako tapos, galing pa ko sa isang escort agency, at baka pumalpak lang ako. Nakakahiya naman. I don't want everyone to judge him just because of me.
At isa pa, kahit makikinabang naman ako dahil malaki ang ibabayad niya, ayoko pang malaman niya ang about sa Daddy ko. The last thing I want from him is his pity. Ayokong kaawaan ako dahil mula noon hanggang ngayon, hindi naman awa niya ang gusto ko.
Kumuha ako ng brownies sa display at nilagay iyon sa medium-sized plate. Pagkatapos ay kinuha ang mocha latte.
Humarap ako sa customer at inabot ang tray. "Here's your order," nakangiting baling ko.
Kita ko ang pamumula ng tenga ng estudyante bago ngumiti pabalik. Mukhang alam ko na ang susunod na gagawin ng mga ito base sa pagsiko siko ng mga ito sa kaibigan. Pero bago pa iyon ay humarap na ako kay Faye na kakalapit lang.
"Faye, wala bang pending na orders?" Tanong ko. Saka hinaplos ulit ang ibaba ng uniform ko. Ang ikli talaga. Tss.
Maya maya ang umalis na ang mga binata na nasa counter.
"Cha, ihatid mo daw yung 'usual' na order ng nasa dulong table malapit sa flowers." Salubong nito at inabot na sa akin ang kapirasong papel na naglalaman ng order.
"Ha?" Litong tingin ko kay Faye.
"Ayun oh," turo nito saka ako bumaling sa tinuro nito.
Kulang ang salitang gulat ng makita ko si Franco na nakaupo at madilim ang titig sa akin mula sa upuan nito. His arms were folded in his chest. Nakasuot ito ng button-down shirt at faded jeans, naka-black shoes lang din ito, his hair was disheveled, looking like a messy nest. Madilim ang titig nito at base sa nakakuyom na mga labi, mukhang bad mood ito. Still, he's so fucking handsome!
Pagkakita ko pa lang sa kanya, agad rumagasa ang mga alaala ng halik nito. Napalunok ako. "Bakit, ako pa?" Tanong ko kay Faye, iniwas ko ang tingin kay Franco. Pakiramdam ko, nanlalambot ang mga tuhod ko.
Fayed shrugged. "Don't know, ikaw ang tinuro eh. He wants you daw," biglang naging mapanukso ang titig nito. Tumaas baba pa ang kilay.
Napairap ako. Kahit kailan talaga. "Stop it, alright. Ako na kukuha," talikod ko at inasikaso na ang order ni Franco. Nakakainis! Gustong gusto talaga ng lalaking iyon mapagchismisan kami!
Kinuha ko na ang tray na may laman na coffee at isang butter cake. Nalagpasan ko pa si Zev na nakatingin sa akin. His eyes were unreadable. Nakatingin lang talaga. Hindi ko tuloy alam kung ngingiti ako o ano. Bago pa ako makangiti ay umiwas na ito ng tingin. I sighed.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romansa"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."