Chapter Six

3 0 0
                                    

Masayang tinapos ko ang trabaho ngayong biyernes. Kahit kinakabahan ay ayos lang basta may maibayad lang ako sa maintainance ng gamot ni Daddy. Yun naman ang mahalaga eh, simula ng maging ganito ang buhay namin ay nawalan na ko ng pakialam sa buhay ko. Tila umiikot na lang kay Daddy ang mundo ko, sa trabaho, ang mga ginagawa ko, lahat.

Saktong kakapaalam ko sa mga katrabaho ko ay dumiretso na ko sa apartment para mag-ayos.

To: Miss Q

Saan po pala ang venue?

Kinuha ko ang isang maroon na dress na sinuot ko rin nung nakaraan. Eto lang naman ang maganda at eleganteng tignan na natira sa closet ko eh. Wala naman akong ibang pambili ng damit dahil ang mamahal. Hindi ko nakasanayan ang bumili sa mumurahing bilihan dahil nagkakaroon ako ng allergy sa balat. Kaya simula noon, kung ano yung natira sa mga nahakot ko sa mansyon, yun lang talaga ang sinusuot ko, wala ng iba.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko.

From: Miss Q

Sa Buena Co Hotel, Chaos. Now, are you ready? Punta ka na sa venue. From there, may mag-a-assist sa'yo. Just show your VIP card.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Sa Buena Co Hotel na naman? Imposible. Hindi naman siguro maliit masyado ang hotel para maglandas pa kami ni Franco. Besides, hindi naman siguro si Franco ang kumuha ng serbisyo ko. Hindi ba? Bakit pa siya magkakaroon ng pakialam sa buhay? It's been years already..

I sighed deeply. Bigla akong binalot ng lungkot, pait, at kaba. Halu-halong emosyon na hindi ko alam kung may patutunguhan ba.

Humarap ako sa medyo may kaliitang salamin dito sa kwarto ko. The maroon dress hugged my body perfectly. Kung may binago man ang panahon sa akin, iyon siguro ang katawan ko. Mas naging mature ito at makurba. My face grew maturely, too, giving an emphasis to my smokey eyes, thanks to the make up.

Huling inayos ko ang buhok ko at ang paglalagay ng lipstick. Matapos huminga ulit ng malalim ay lumabas na ko. Gusto ko nang matapos to para makapagpahinga na.

Sana naman ay matino at mabait ang eescortan ko ngayong gabi.


"HERE'S the way, Ma'am," nakangiting bungad sa akin ng isang usher ng hotel matapos kong ipakita ang VIP pass ko.

I smiled at him back before heading to the VIP area. I just want it to be done already.

My heart thump like crazy. Parang kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero pinagpapawisan ako ng malagkit kahit na malamig naman dito. Damn.

Dahan dahan ang lakad ko, ingat na hindi makatawag ng pansin sa kahit kanino.

Everything screams elegance. Kahit pa wala ka pa dito sa VIP Area, sa baba pa lang ay kitang kita mo na ang pagiging highclass ng hotel na to. Alam ko din agad na hindi basta bastang tao ang mga nagchecheck in dito at mga dumadayo.

Nasaan na ba si Mr. Maxell? Hindi ko naman alam ang hitsura nito dahil sabi ni Miss Q ay palatandaan ko ang kulay ng coat nito. Sabi ni Miss Q, naka-all black daw ito with matching red bow. Pero kanina pa ako paikot ikot dito ay wala pa rin akong nakikitang naka-all black coat and red bow.

Umakyat ako sa ikatlong palapag ng VIP area. Malapit na kong mainis dahil hindi ko pa rin kita ang letcheng Mr. Maxell na yan!

Kumuha ako ng isang champaigne sa roving na waiter. I needed a drink!

"Ms. Del Prado of Beauty Royale Agency?" Gulat na napatingin ako sa lalaking nagsalita.

He looked older than my age, but not old enough. He wore a simple white button down polo shirt rolled up to his arms, his hair is in a neat form with a glass of champaigne in his hand.

Loving ChaosWhere stories live. Discover now