"Ano na, Chaos? Halika na!"Mula sa pagiging tulala sa sariling repleksiyon, muntik na akong madapa nang hilain ako ni Kira, ang schoolmate ko.
Pupunta kami ngayon sa Buena Co Hotel, isang eight-star luxury hotel na tanging mayayaman lamang ang nakakapunta. Hindi ko man maamin sa sarili ko, pero kailangan ko itong gawin. Hindi na bale ang pride ko, ang importante ay ang mahal ko sa buhay na kailangan ako. Mula nang lumagapak ang marangyang pamumuhay ng pamilya ko, kinalimutan ko na ang sarili kong pride—na tanging natira sakin.
Bakit ang unfair ng mundo? Palaging may pinapaboran. Pero baka nga pinaboran na kami, at ngayon ay ibang tao naman. Kaya naging ganito ang buhay namin. Why is it so hard to believe that we don't deserve this? My father was a ruthless businessman in the whole country. Isa sa mga kinatatakutan, kinaiilagan, kinamumuhian. I admit he was. But despite his negative traits, Mess Del Prado, my father, is a loving father, responsible, and genuine. He loves me so much. He gave me everything. Hindi siya nagkulang sa pag-aaruga sakin mula ng mamatay ang mommy ko eight years ago.
It's been eight years since my mommy died..
I guess, masaya ang mga taong karibal ng daddy ko sa negosyo dahil sa nangyari. Alam ko mismo na maraming may ayaw sa daddy ko. But because he is good in business, marami pa ring nagtitiis sa kanya. But that was before..
Ngayon ay wala ni isang tao ang nagmalasakit sa daddy ko. Our company have been taken away from us since my father wasn't able to work on it. The board of directors took advantage of the lion king's weakness. Hindi ko pa rin makakalimutan ang pait ng mga alaala kahit 3 taon na ang lumipas. Ibang iba na nga talaga ang buhay namin ngayon.
Bago tuluyang makalabas ay muli kong sinulyapan ang repleksyon sa salamin.
Sweetheart neckline maroon tight dress—too short for my liking. Five-inch pumps, messy hair in a bun, and fiery red lipstick.
No emotion.
Ako ba 'to?
Hindi ako 'to!Muling namasa ang mga mata ko. Kahit ako'y hindi natutuwa sa nakikitang repleksyon.
"Chaos, let's go! Alam kong maganda ka talaga pero kailangan na nating magmadali, marami ng mga businessman sa taas," inis na sabi ni Kira.
"O-okay."
Sumakay kami sa elevator. Nanlalamig at kinakabahan ako. Nandito kami para maging escort ng mga mayayamang businessmen at politicians, may mga celebrity din. Sabi naman ni Miss Q, wala naman ng ibang gagawin bukod sa i-escort sila. Nasa amin na raw kung papayagan namin na humigit pa roon. Karamihan kasi sa mga escort na nagtatrabaho sa agency namin ay nadadala sa kama. Pero ang usapan lang namin ni Miss Q ay escort lang. Hanggang doon lang. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba ang kutob ko ngayon dito. Kinapa ko ang pepper spray na nakatago sa legs ko, just in case na may masamang mangyari. Secure man at pang-mayaman ang hotel na to, hindi natin masasabi kung anong mangyayari lalo pa't nakainom na ng alak ang tao.
"Ang ganda mo talaga, Chaos. Ang puti at maamo ang mukha. May lahi ka ba?" Tanong ni Kira.
Tumango lang ako. My mom's half british. Sa kanya ko namama ang maputi at matangos na ilong. Bagama't 5'5 lamang ang height ko ay sexy naman ang katawan ko. Natural rin na brown ang kulay ng buhok ko.
"No wonder kaya yung mayamang businessman na si Mr. Lamudo ang pumili sayo. Pero ingat ka lang doon ha? Malikot daw ang kamay non," babala ni Kira.
I sighed. Eto na nga ba ang kinakatakot ko. Pero wala naman ako magagawa dahil bayad ang serbisyo ko ngayong gabi.
"Kira, pwede bang palit na lang tayo? Natatakot ako kay Mr. Lamudo eh." Paawa ko.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."