Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Alas otso na pala ng umaga. Agad kong naramdaman ang sakit ng katawan ko mula kahapon. Sa totoo lang, kahit natulog na ko ay bumalik lang muli sa alaala ko ang nangyari kagabi.
I saw Franco again. I hope he won't meddle in my life again, just like before. I hate to admit but I know na naging iba ang pakiramdam ko mula ng makita ko siya. Akala ko ay naibaon ko nang lahat sa alaala pero hindi pala.
Agad akong bumangon at dumiretso sa cr. Naligo ako at nagbihis. Mamaya ay pupunta ako sa The Taste shop para magtrabaho. Isa akong waitress doon. Side line lamang ang pagiging escort ko, depende na rin sa tawag ni Miss Q kung sakaling may mag-book sa akin ng isang gabi for an event.
The apartment I have isn't that big. May maliit lamang na sala kung saan may isang sofa. Pag diretso ng pasok ay kusina agad, pagliko naman sa kaliwa ay cr. Sa bandang kanan naman ang kwarto ko, sa dulo. Ang pinakagusto ko dito ay ang malaking bintana malapit sa kwarto kung saan kita ang mga matataas na puno at mga bulaklak na tanim ng kapitbahay ko, si Dwein. Sobrang nakakarelax at dahil marami ngang bulaklak, minsan ay mabango ang hangin na nalalanghap ko.
Nagluto ako ng agahan, bukas ay pupunta ako sa bangko para maihulog sa ospital kung nasaan si Papa ang perang nakuha ko kagabi. May tatlong buwang hindi pa ako bayad. Pero okay na rin iyon. Salamat na lang at kinokonsidera pa rin ako ng ospital kahit late na ako nagbabayad.
Kumakain na ako ng may kumatok sa pinto.
"Dwein!" I smiled when I saw him. He smiled back.
"Morning Cha!" Masiglang bati nito.
"Ang aga ha?" Napatingin ako sa hawak nitong tupperware.
"Hindi kita napansing umuwi kagabi Cha. Masyado ka atang seryoso sa pagtatrabaho." Nakangising sabi nito.
Nakilala ko si Dwein ng lumipat ako dito. Isa siya sa mga agad na nagpakilala sa akin. Mabait si Dwein, gwapo rin, makapal ang kilay, lean ang katawan, tama ang kulay ng balat at maganda ngumiti. Siguro kung normal akong babae ay agad akong magkakagusto kay Dwein, kaso ay hindi.
"Para sayo, agahan mo." Sabay abot sa akin ng tupperware. Sa amoy pa lang nito, alam ko ng tapa iyon, paborito ko.
Lumapad ang ngiti ko. "Thank you! Tagal ko ng di nakakakain neto, Dwein. Uhm, halika! Saluhan mo na ko," aya ko at niluwagan konti ang pinto.
Kamot ulong natawa si Dwein. "Hindi na, I'll be late at work. But, thank you. Next time na lang, Cha." Sabi nito. Amoy ko ang mabangong hininga nito.
"Oh! Okay. Next time then," I said.
"Yeah. Enjoy eating, Cha. May utang ka saking pag-aaya ng breakfast ha," pilyong sabi nito.
I rolled my eyes.
"You got me," naiiling na sabi ko. Dwein just laughed and waved his goodbye. Sinara ko ang pinto. Binuksan ko ang tupperware at lalong lumaki ang ngiti ko.
Magana akong kumain.
"HERE'S your order Sir," nilapag ko ang isang mug ng french coffee sa table ng isang customer. He just smiled at me.
Nakangiting bumalik ako sa counter. Masaya ang araw ko dahil kahit papaano ay magaan ang mga gawain ko. Hindi tulad noong panahong walang wala ako. Halos hindi ko na maalala kung ano ang gagawin. Buti na lang ay may nakita akong job offer sa The Taste, agad akong natanggap.
"Ganda mo ngayon Chaos ha! Blooming!" Tudyo ni Faye, isa ring waitress.
"Naku! Ligo lang yan." Tumawa ako pati na rin si Faye. Maganda ang The Taste, napaka-elegant at pag nakita mo mula sa labas, masasabi mo agad na hindi basta bastang coffee shop ito. Sa gilid nito ay may mga ibat ibang bulaklak na pwedeng bilhin at ilagay sa kape. Meron din itong maliit na booth kung saan may kumakanta at nagpapatugtog. Mula naman sa lamesa na gawa sa kahoy at marmol, napaka-elegante talaga tignan.
YOU ARE READING
Loving Chaos
Romance"No one could ever have you except me, Chaos. You're mine. You can never escape from me. Ever."