Chapter Seven

3 0 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Franco at hindi ko na din napigilan ang pag-iinit ng pisngi. I cleared my throat. Ayoko na ulit magpadala sa mga salita ni Franco. Dahil nang huling magpadala ako sa mga salita niya, hindi maganda ang kinalabasan. In fact, those were my greatest downfall.

Hold a grip of your past, Chaos!

"Ano nga Franco?" Sa halip ay tanong ko. Buti na lang at nakisama ang boses ko sakin, kung hindi mahahalata niya na apektado pa rin ako sa kanya. Well, totoo naman.

"I told you, I just want to. I don't want you working in that cheap agency. Resign," sabi nito. He seems so annoyed or something.

Nairita na naman ako. Kung makaasta ito ay para itong tatay ko o boss ko.

"It's none of your business, Franco," inis na sabi ko rito. Tinusok ko ng may konting gigil ang steak.

Pasimple ko siyang tinignan. His jaw clenched. The veins in his neck were showing. Binitawan nito ang tinidor at tumingin ng diretso sa akin.

"Does your father know that you are working as an escort? And why would he allow you?" Tanong ni Franco.

Ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tila, nasukol ako at walang maapuhap na sabihin. Hindi ko matagalan ang titig nitong tila tumatagos sa kaluluwa ko. He seems so eager to know what's running on my mind.

Nagbaba ako ng tingin.

"Hindi naman lahat kailangan malaman ni Daddy," maliit na boses na sabi ko. Dahil sa sinabi ni Franco, hindi ko tuloy maiwasan isipin kung ano nga ba ang magiging reaksyon ni Daddy kung malaman niyang sa isang escort agency ako nagtatrabaho. Maiintindihan niya kaya ako? The daughter of a business tycoon is now working at an escort agency. Wow. Hindi ba kahihiyan yun? Everyone seems to have that stereotyped mindset about escort agencies. It's like a highclass equalled to prostitution, parang binebenta mo na rin ang serbisyo at katawan mo. But, it's not.

"Hindi niya alam?" Franco looked surprised, and suddenly, his stare went darker. Tuluyan nang nawala sa pagkain ang atensyon nito. Nasa akin na.

Ramdam ko ang lamig sa tyan ko. Sana pala, kung alam kong si Franco ang nag-booked sa serbisyo ko, casual na damit na lang ang sinuot ko. Ngayon, ramdam ko ang lamig, dagdag pa ng mga tingin niya sakin.

Hindi ko pinahalata ang kaba sa awra nito. Para akong pusang basa na nasa harap ni Franco.

Unti-unti ko ding binaba ang tinidor, parang nawawalan na ng ganang kumain.

"Yeah," simpleng sabi ko. Tumingin ako sa wine glass na nasa harap ko.

I can't deny the fact that Franco have that effect on me, na tila wala kang magawa kundi sumunod sa mga gusto nito, sa mga hiling nito. Ang hirap lang talaga iwasan ni Franco.

Akala ko, tuluyan na kong nakawala sa mundo niya. But I guess I'm wrong. Heto ako ngayon, sa harap niya at parang walang magawa.

Narinig ko ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ni Franco. Tila ba gusto nitong mainis pero pinipigilan lang, although kitang kita naman sa mukha nitong naiinis ito at hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Bakit ba kailangan kong mag-explain sa kanya?

"Resign on that agency, Chaos," napapaos na sabi niya.

I looked at him. He was staring at me fiercely. I creased my forehead. What the hell? I don't want to just leave my job. I need the money I was earning on that agency!

"No. Hindi pwede, Franco." Matigas na sabi ko. Unti unti nang naiinis na demanding na pagsasabi nito.

Why you like poking in my business, by the way?

Loving ChaosWhere stories live. Discover now