Rouge's POV
Sa sobrang lutang ko at wala sa sariling pag iisip kasi nga broken hearted si tanga, di ko na namalayan na nakarating na pala ako sa distinasyon ko. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nandito basta nalang ako ibinaba dito ni manong driver. Malamig ang ihip ng hangin lalo na't dapit hapon na. Oo halos buong araw akong nasa taxi kasi nga di ko talaga alam kung saan ako pupunta. Di pwedeng sa bahay nila daddy kasi tutuksuhin lang ako doon, di naman pwede kay Mira kasi may trabaho siya at ayaw ko din na makita nya ako sa ganitong sitwasyong mapapagalitan lang ako. Gusto ko sanang puntahan si Khel kasu alam ko namang busy din ito.
naiyak lang ako ng iyak sa loob ng taxi kanina. Di naman nagtanong si kuya driver kung bakit basta ang alam niya lang ay maidrive ako sa kung saan ko gusto. Buti nga at ang bait nya at maintindihin.
I sat down on the log as I feel the breeze. It's so peaceful in here, di gaano matao. Tama lang kung gusto mo maglabas ng hinanakit.
Sigh, habang buhay na lang ba ako iiyak? habang buhay na lang ba ako masasaktan? Hanggang kailan ako magpapakatanga? Sorry if I am too dramatic. I've never been in love before nor been in a relationship so I don't know how it works properly. Is it always like this kung magmahal ka? Handa kang magpakatanga?
Nabalik sa isip ko ang ngiting sumilay sa mga mata ni Lucas kanina. He looks very happy. That happiness I could never give him.
"Mommy can I go to the water?" Napatingin ako sa bata na sa tingin ko ay tatlong gulang pa lamang.
"No baby, it's already dusk. The water must be cold." Sabi naman nung nanay na ka holding hands ang asawa. They look amazing together.
"Please mommy. I just wanna touch the water." He's too young to be able to pronounce the words so straight.
"Aki, mommy said No." Napalabi ito at nanlumong pumunta sa daddy nya at itinaas ang mga kamay nito para magpabuhat. Ang cute nya. Nakakainggit sila, magiging ganyan din kaya kami ni Lucas? Tsk. Ewan ko sayo Rouge, nasaktan ka na nga at lahat umaasa ka pa din sa mga imposible.
Tingin ko naiyak ko na lahat ng luha ko kanina dun sa taxi. Patayo na ako ng biglang nag ring ang phone ko. Napangiti ako ng mapait ng makita ang caller ID. Ngayon nya lang talaga naisipang tawagan ako, eh halos mag aanim na oras na akong nawala ah.
Ilang ring pa ng maisipan kong sagutin ito pero hindi ako nagsalita.
"Hello?" Dinig ko ang nag-aalala niyang boses sa kabilang linya. Hindi padin ako nagsalita, if he is gonna say something I will just listen. I don't wanna talk right now alam ko kasing pipiyok ako.
"Rouge? Where are you?........Are you near the beach?" Malumanay na tanong nito, siguro dinig nito ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan.
"Rouge....can we talk? Please?" Hindi pa din ako nagsalita at nakikinig lang.
"We'll talk at home. Please come home, I'll wait for you." Hindi ko namalayang tumulo nanaman ang mga luha ko. The way he said it makes me miss him. Tanginang puso naman oh, bakit ba ang hina mo?!
"I'll wait for you....please come home." Pagpakiusap nito tyaka niya binaba ang phone.
Sorry, wait until whenever you want but I'm not coming home tonight. Kahit na I'm dying to see you and hold you.
Madilim na ang paligid at palakad lakad lang ako sa kanto maraming street foods dito kaya naisipan ko nalang na dito kumain. Ngunit papalapit palang ako ay bigla ako nakaramdam ng pagkahilo. Dala siguro ng pagod, nananakit na din kasi ang katawan ko. Naupo nalang ulit ako sa isa sa mga bench na nandoon, baka kasi matumba ako pag pinilit ko pa.
BINABASA MO ANG
Drunken Mistake with my Beki Boss (COMPLETED)
عاطفيّةA story of a gay boss and his seductress assistant. A dose of ecstasy and romance for all Wattpad readers. I am not a great writer. If you want to read, then read in peace. Discrimination is not allowed. (NOTE: UNEDITED)
