Gray's POV
NAKAPATONG ang aking kanang kamay sa balikat ni Psiden, habang siya naman ay nakayukong nakikinig sa mga sinasabi ko, "I'm requesting this as a favor from you Psiden, set aside mo muna iyang pagiging siga mo, matagal na rin nating hindi nakakasama si Red at 'yon pa talaga ang behavior na ipinakita mo," sabi ko sa kanya. Hindi ko masyadong nilakasan ang aking boses dahil nasa likuran lang namin si Red.
Bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo at humarap sa akin na para bang batang pinagalitan, "Okay, then I'll do it for you," tugon niya sakin.
Tumalikod na ako kay Psiden at inaya silang dalawa na umupo, napapagitnaan namin ang isang mini table habang sa tabi nito, magkaharap na nakaupo sina Psiden at Red habang nakapagitan sa kanila ang mini table. Pero no form of eye contact ang dalawa, mukhang may mga galit nga sila sa isa't isa.
Humarap ako kay Red at tinignan siya diretso sa kanyang mga mata, "Red, I just want to apologize sa naging behavior kanina ni Psiden," sabi ko.
Napakamahinahon ng facial expression ni Red, parang wala lang sa kanya ang pagsigaw sa kaniya ni Psiden kanina.
"No it's okay, at least he man up now," tugon niya at sumulyap kay Psiden na siya namang ikinangiwi nang reaksyon ni Psiden.
Inantay ko muna na bumaba sa negative level ang temperatura ng dalawang ito bago muli magsalita, "I just want to clarify Red, why you don't want Psiden to join this vacation, I'm sure naging magkaibigan naman kayo nung elementary diba?" tanong ko.
"Oo naman, we became friends, and about earlier, it's just that, I like seeing him that way," sagot niya sa tunong halo-halo ang nais ipahiwatig ng kanyang mensahe.
Sa sinabi ni Red napumura si Psiden nang walang boses, parang pantomime, na nagsasabing "fuck you!", mabilis ko naman siyang binigyan nang tingin na nagsasabing "shut your mouth!" Mabuti naman at agad niyang nakuha ang mensahe ko.
"Seeing in what way Red?" tanong ko, dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig at nagsalita.
"Napipikon," sagot niya. Bumuo ang ngiti sa mga labi niya at bahagyang natawa, habang si Psiden naman ay mas lalong napikon.
"Iyon lang naman pala eh, akala ko may alitan kayong dalawa," natawa nang bahagya si Red kaya nakisabay na rin ako sa pagtawa ni Red at tumayo.
"Oh siya mag-usap lang muna kayo rito, akyat na ako dahil inaantok na rin kasi ako," sabi ko at tinalikuran na silang dalawa upang umakyat sa kwarto ko.
Psiden's POV
Kami nalang ni Red ang naiwan sa sala, ang iba ay nasa kani-kanilang mga kwarto na at malamang ay mga tulog na.
Kasalukuyan pa rin kaming nakaupo at magkaharap ni Red, nang nadako ang aking tingin sa giant wall clock ng bahay na ito, napagtanto ko na 9:30 na pala ng gabi.
Nang bumalik ako sa aking ulirat naalala ko na nakaupo pa rin at kaharap ko ang lalaking pula ang buhok na ito, na animo'y bulkan na sasabog.
"Yan naba ang fashion mo ngayon, with combination of red hair? You look so..," nagulat ako sa pabiglaang lumabas na mga salita sa aking bibig, kaya pinutol ko nalang ito at hindi tinapos.
"It's none of your business," sabi niya pagkatapos tumayo, "It's getting late kung hindi ka matutulog, you can leave now," dagdag pa niya.
Naglakad na siya at dumiretso sa may hagdanan, nang hindi pa siya masyadong nakakalayo agad na naman uli akong napasalita nang walang hunusdili, "I'm sorry for what I've done," napatigil siya sandali, at nakatalikod pa rin sakin, pagkatapos ay agad naman siyang dumiretso sa pagakyat.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Mystery / ThrillerReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.