Trinity's POV
NILAMON na ng kadiliman ang bayan ng San Juan. Lugar kung saan nakatirik ang ancestral house ng pamilya nila Red. Kahit saang sulok ako tumingin sa labas puro walang buhay na kulay lamang ang aking nakikita. Siguro ay hindi lang ni Red binuksan ang mga ilaw dito o marahil wala nga lang mga ilaw dito.
I slightly agree to what Freia has said earlier, "this place is a good example of an uncivilized area,". Pero hindi naman masisi ang mga tao dito, na mukhang wala o kung meron man. Kung ayaw nilang magpasakop sa sibilisasyon, at saka para sakin hindi naman basihan porket wala lang ilaw hindi na kaagad sibilisado. Isa pa, hindi ko nga alam kung may mga kapitbahay ba dito si Red o sadyang kami lang ang tao dito.
Nakaupo kami nina Psiden, Angel, Sandra, Freia, Glen, Seth, at George sa mahabang dinning table dito sa kusina. Ang iba ay hindi pa bumababa mula sa kani-kanilang mga kwarto. Samantala ang iba naman ay nagboluntaryo na sila nalang ang magluto.
"Sa tingin niyo guys, sino kaya ang nagluluto sa kusina?" tanong ni George sa amin.
"Puro pagkain lang naman iyang nasa isip mo eh, kaya ka hindi ka nagkaka-girlfriend dahil matakaw ka," sagot ni Glen sa kanya.
"Well at least hindi naman mataba-at pogi pa," sagot ni George at nagpogi sign pa.
"Sa panaginip mo! Mamaya kanang mangarap kapag tulog kana, mas gwapo pa rin ako kaysa sayo," sabi ni Psiden kay George at humarap pa talaga sa kausap niya, na akala mong hindi nila naririnig ang isa't isa.
"Sumabay ka kasi sa akin sa mga work out ko at sa dance fitness, matutulungan ka no'n na pumayat," payo ni Seth kay George.
Hindi naman talaga maipagkakaila na maganda ang resulta ng mga activities na sinasalihan ni Seth dahil dito napapanatili niya ang kanyang body figure.
Dahil sa sinabi ni Seth, tumayo si George at humarap sa aming lahat, unti-unti niyang itinaas ang kaniyang t-shirt at ipinakita ang kaniyang, "Oh ayan tignan niyo ang abs ko," sabi niya at umikot-ikot sa aming lahat habang ipinagmamalaki ang abs o tiyan niya.
Nahuli ng mga mata ko na napadilat sa gulat si Sandra dahil sa ginawa ni George, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kong ganoon ang reaksyon ni Sandra.
"Oh no my innocent eyes," sabi ni Freia at tinakpan ang kanyang mga mata at isiniksik ang kanyang sarili kay Glen dahil magkatabi naman sila.
Pinagtawanan lang siya ng mga boys, ewan ko sa kanila kung bakit. Siguro dahil wala naman talagang abs si George pero hindi rin naman siya mataba, sakto lang.
"Hey George! Mahiya ka nga! Remember sabi ni Gray, behave tayo rito unless he permit us to do whatever we want," tugon sa kanya ni Angel. Mabilis namang napaamo ni Angel si George at kaagad naman niyang ibinababa ang kanyang t-shirt at bumalik na sa pagkakaupo.
"Seriously bro, if you want bukas mag-work out tayo 'yon ay kung gusto mo," sabi ni Seth kay George sa tunong nag-aabot ng tulong.
"Game, mapilit ka eh," pagsang-ayon ni George.
"Me too Seth, because I feel like that I'm getting fat, baka pumangit ako nito," sabi ni Freia, at tumayo upang iikot-ikot ang kanyang katawan na gustong ipakita na tumaba nga siya, pero sa totoo hindi naman eh, maintain nga niya ang katawan niya.
"I disagree sis, ang sexy mo pa rin kaya," protesta ni Angel kay Freia.
"Oh really, thank you so much sis, you're such a true friend," lumapit si Freia kay Angel at nagbeso-beso siya kay Angel.
"Oo nga naman Freia, kahit tumaba ka pa hindi ka naman ipagpapalit nitong ni pareng Glen, diba?" sabi ni George at humarap kay Glen, agad namang binigyan ng tango ni Glen si George.
BINABASA MO ANG
Bulls Eye
Mystery / ThrillerReady to face your past? Or you'll be haunted in the present.